"Mama, makikita ko ba roon si Papa?"
"Oo, anak, pero 'wag kang umasang dadalawin
ka niya dahil may iba siyang pamilya. Alam mo
naman 'yon." Kailanman ay hindi niya inilihim dito
ang totoo. Hindi siya tutulad sa kanyang ama na
kulang na lamang ay piringan ang lahat ng tao sa
Tierra Playa at takpan ang tainga at bibig ng mga ito
upang hindi pag-usapan ang nangyari sa kanya.
Naging nobyo niya ang isang ordinaryong tauhan ng
haeienda noong disi-otso anyos pa lamang siya.
Si Agapito Libreo ay isang magsasakang may
asawa at dalawang anak, at siya, si Maria Teresa
Hemandez, napapabalitang hinuhulma ng haeendero
at gobemador na ama upang maging madre, ay
mayroong ipinagbabawal na relasyon.
Marahil ay naging malinaw kaagad sa kanyang
ama na hindi nito maaaring busalan ang lahat ng bibig
ng tao sa Tierra Playa upang hindi siya pag-usapan
kaya pinalayas siya nito nang walang dalang damit,
walang pera, wala ni kahit ano. Wala itong awa.
Nagkataong naroon si Monding, ang pinsan ni
Agapito na nagbabakasyon sa Tierra Play a. Inako nito
ang responsibilidad ng pinsan nito dala marahil ng matinding awa sa kanya. Dinala siya nito sa Maynila.
Mula noon ay dito na siya nakapisan. Kahit noong
panahong nakabawi-bawi na siya ay hindi siya
umalis sa bahay nito sapagkat ayaw nito.
Marahil ay marami ang nagtatanong kung bakit
walang namagitang kahit ano sa kanila ni Monding.
Ang dahilan ay simple lang: iba ang gusto ni
Monding, isang lalaking mayroong sariling pamilya.
Kaya marahil nauunawaan siya nito. Kapwa sila
nagmahal ng lalaking pag-aari ng iba.
Bagaman iba ang kasarian ni Monding ay hindi
iyon mahahalata sa pananalita at pagkilos nito.
Lalaking-lalaki itong tingnan. Duda siya kung
masasabi nito sa iba kung ano talaga ito. Old-sehool
ito. Kahit wala nang mga magulang na maaaring sumita
rito ay mas minabuti nitong itago na lamang iyon.
Marami ang nag-aakalang mayroon silang
relasyon gaya ng mga kapitbahay at ang mga
kasamahan sa trabaho. Ang iba nga ay inaakalang
anak nito si Lara, isang bagay na mas gusto pa nga
nito sapagkat mahal nito ang anak niya ng tulad sa
pagmamahal ng isang tunay na ama.
"Makikita ko ang pamilya niya, Mama?''

"Baka." Isang bagay iyon na iniiwasan niya
sapagkat iba ang ugali ng asawa ni Agapito na si
Lita. Palengkera ito, walang pakundangan kung
magsalita. Sa katunayan, ayon kay Monding ay ito
ang nagpalala ng sitwasyon. Nang sumama kasi siya
kay Monding ay ipinagkalat daw ni Lita na siya raw
ay "kumabit na sa pinsan ng unang kinabitan niya!"
Masakit man sa tainga at sikmura ay alam niyang
may karapatan itong magalit sa kanya. Narito ang
lahat ng karapatan. Ngunit sana ay maniwala itong
hindi niya sinadya ang lahat. Hindi siya nagising
isang umaga na pinlano niyang mahalin ang asawa
nito. Sa katunayan ay hindi pa nga tamang tawaging
"asawa" nito si Agapito sapagkat hindi naman kasal
ang mga ito.
Muli ay nakadama siya ng agam-agam sa dibdib.
Gayunman ay humugot siya ng malalim na hininga.
Handa na siya. Bubuksan niya sa publiko ang tirahan
ng kanyang mga ninuno. Marahil ay gagawin niya iyong
isang bed-and-breakfast. Ang inaalala lang niya ay baka
hindi siya pahintulutan ng munisipyo na kumuha ng
permit sapagkat mula pa noong bata siya ay alam na
niya ang tindi ng impluwensiya sa politika ng kanyang
ama, gayunman ay umaasa siyang magiging maayos ang lahat sapagkat wala na sa gobyerno ang kanyang
ama.
"Mama, doon na tayo titira?"
"Sana."
Totoo iyon sa loob niya sapagkat kahit pinaalis
siya sa Tierra Playa ay nananatiling naroon ang
kanyang puso. Hindi niya naramdaman sa Maynila
ang naramdaman niyang katahimikan sa Tierra Playa.
Para siyang hindi mapanatag sa Maynila.
"Si Tita, Mama, mabait ba talaga siya?"
"Oo," wika niya, kahit sa opinyon niya ay hindi
matatawag na mabait ang kanyang kapatid. Noon pa
mang mga bata sila ay maldita na ito. Ang gusto nito
ay ito ang parating bida sa lahat. Pero hindi niya
sisiraan si Clara sa kanyang anak lalo na at hindi pa
nagkakakilala ang dalawa. Matagal na panahon na
rin mula nang magkita silang magkapatid. Malaki
ang tsansa na nagbago na ito. Those were petty things
anyway, ehild's play. Marahil ay nagbago na ito.
Nakapagtapos na ito ng pag-aaral at ito na ang kanang
kamay ng kanyang ama sa pamamahala sa kanilang
negosyo.
"Basta magkasama tayo, Mama, magiging masaya
tayo," anitong parang isang pangako. Mabuti pa ang anak niya, alam na alam ang tamang sasabihin sa
kanya upang makalma ang kalooban niya. Ano nga
naman ang kailangan niyang ipangamba gayong
nandito ang kanyang anak, ang tanging kailangan niya
upang mabuhay sa mundo?
Pagkalipas ng may pitong oras na biy ahe sa bus
ay nakarating na sila sa Tierra Playa. Marami ring
mga turista ang dumating, loeal man o foreigner.
Dinarayo ang Tierra Playa dahil sa kanilang mga
beaeh. May bahagi roong blaek sand at mayroon
ding white sand. Ang kultura ng Tierra Playa ay
nasasalamin din sa arkitektura ng mga simbahan nila
at lumang bahay.
Sa halip na dumiretso sa bahay ay nagtungo siya
sa palengke. Namili kaagad siya ng mga pagkain.
Batid niyang wala niyon sa bahay. Nasa bangketa
siya at tumitingin ng sariwang prutas nang makarinig
siya ng pag-ingit ng gulong ng sasakyan. Paglingon
niya ay anong kaba niya nang makita si Lara na
nakatigagal sa unahan ng isang SUV.
"Anak!" sigaw niya na kaagad lumapit dito.
Bumaba ang sakay ng SUV. Isang lalaki iyon at
madilim ang mukha nito. Pamilyar sa kanya ang
guwapong mukhang iyon. Hindi lamang niya maalala kung saan niya ito unang nakita.
"Hindi ka dapat binibigyan ng anak kung hindi
mo kayang bantayan!" singhal nito sa kanya.
"Pasensiya na," aniya. Kasalanan niya. Nawala
sa loob niya si Lara sa pagkaaliw niya sa sariwang
langka. Hindi naman kasi niya inaasahan na tatawid
ito. Marahil ay may kinalibangan din ito kaya napunta
sa kalsada.
Isang babae ang umibis mula sa likod ng SUV.
"Sir, ano po'ng nangyari?"
Nanigas siya nang makilala kung sino ang babae,
si Lita, ang asawa ni Agapito. Nagtama ang mga
mata nila. Pagkatapos ay sinulyapan nito si Lara na
kaagad niyang ikinubli sa kanyang likuran, natural
na instinet ng isang ina.
"Itong babaeng ito, hindi marunong alagaan ang
anak niya. Pinababayaan lang na magpalakad-lakad
sa kalsada!" Galit pa rin ang lalaki.
'Talagang wala pong asal ang babaeng 'yan, Sir.
' Wag na lang ninyong pag-aksayahan ng oras at hindi
siya nararapat."
"You know this woman?"
"Mama..." bulong ni Lara. Tila nag-aaiala ito nang
labis. Dahil doon ay napahiya siya sa kanyang sarili. Sa kabila ng mga taon, sa kabila ng napatunayan niya,
ay hindi pa rin siy a marunong sumagot sa palengkerang
babaeng ito.
Oo, may kasalanan siya rito, ngunit ang paraan
nito ng pagkaladkad sa kanyang pagkatao ay sobra-
sobra na. Hindi na makatao iyon, hindi na makatwiran.
Hinding-hindi niya ipapakita sa kanyang anak ang
ganitong panlalait sa kanya ng babaeng ito. Kung
tutuusin ay nagbayad na siya rito. Napahiya na siya
sa lahat ng tao sa Tierra Playa, umalis na rin siya sa
bayang kinagisnan niya, wala ring tumulong sa
kanyang buhayin ang kanyang anak at sarili bukod
kay Monding na hindi natutuwa rito. Wala itong
karapatang magsalita ng anumang laban sa kanya sa
harap ng kanyang anak. Hindi niya mapapayagan iyon.
"Hindi lang kilala, Sir, kilalang-kilala pa."
"Pagsabihan mo."
"Sino ka ba?" nakuha niyang sabihin, ang
galit ay nag-focus sa lalaki. Sino ba itpng astang-
hari na ito sa Tierra? Bakit siya ngayon ang
parang dinidikdik nito sa isang kasalanang hindi
naman niya sinasadyang gawin? Inamin naman
niya ang kanyang pagkakamali, bakit ayaw pa
nitong tumigil? Bakit din isinasama pa nito sa usapan si Lita? "Hindi niya ako kailangang
pagsabihan dahil hindi niya ako kilala at lalong wala
siyang kapangyarihan sa akin."
"Ah, so hindi mo na ako kilala ngayon?" ani
Lita, tonong nanghahamon.
Inignora niya ito. "Nag-sorry ako sa 'yo, hindi
mo na kailangang ipamukha pa iyon sa akin. Anak,
tara na."
"Akala mo kung sino, isinuka naman ng sariling
pamilya sa sobrang kalandian. Sa 'yong-sa 'yo na si
Agapito, hoy! Wala nang silbi sa akin ang isang
kahig, isang tukang 'yon! Kaya ka siguro nandito,
narinig mo ang balita! Gusto mong saluhin ang tira
ko!" pahabol na sabi ni Lita.
Nang tingnan niya ang kanyang anak ay parang
iiyak na ito. Muli ay hindi niya kinaya iyon.
Binalikan niya si Lita. Nanghahamon ang tingin nito
sa kanya. Nakataas pa ang isang kilay nito.
Napakayabang nito. Palibhasa, nang kaladkarin siya
nito noon sa kahihiyan ay wala siyang nagawa kundi
ang umiyak lang nang umiyak. Bata pa kasi siya noon
at down na down ang pakiramdam.
"Mag-sorry ka uli sa amo ko," utos sa kanya ni Lita.
"Siguro panahon na para ikaw naman ang
matutong mag-sorry," aniya, saka dinaklot ang buhok
nito. Higit siyang malaki rito. Nagkataon lang na
sanay ito sa away at siya ang parating tahimik.
sa pagkakataong iyon.
Hindi ito nakapalag sa kanya. Kapagkuwan ay
inawat siya ng lalaking kanina ay sumisinghal sa
kanya. Kay dali siya nitong nailayo kay Lita. Hindi
nakaganti sa kanya ang nagngangalit sa galit na si
Lita nang kargahin siya na mistulang sako ng lalaki
at bantaan si Lita ng isang mariin at simpleng: "Stay
there. I mean it!"
Pumalag siya ngunit malakas ang lalaki.
Malakas, mabango, guwapo... Jeez! What the hell
was she thinking? Guwapo, mabango, sa kabila ng
nakakainis na mga ginagawa nito.
Ibinaba siya nito sa bangketa sa tabi ng kanyang
anak. Lumapit at lumuhod ito sa tapat ni Lara. "Take
eare of your mother, girl. And I'm sorry about what
happened earlier. Don't go wandering the streets
alone, sweetie," anito sa kanyang anak.
Masamang tingin naman ang ipinukol sa kanya ng lalaki, bagaman walang anumang sinabi. Sumakay
na uli ito sa sasakyan nito. Sumakay na rin doon si
Lita. Naitanong niya sa sarili kung sino kaya ang
nakasakay sa unahan sapagkat hindi kita dahil tinted
ang mga salamin ng sasakyan.
"Mama, okay ka iang?" tanong ni Lara.
Magso-sorry sana siya rito kung hindi lamang
niya nakita na tila bilib na bilib ito sa kanya. Noon
lamang niya nakita ang ganoong pagmamalaki sa mga
mata nito. Lokong bata rin ito. Kung kailan nang-
away ng tao ang mama nito ay saka ito naging proud
na proud.
"Mukhang natuwa ka pa."
"Salbahe siya. Siya po ang asawa ni Papa?"
Tumango siya. Nabigla rin siya sa kaalaman
na hindi na pala asawa ni Lita si Agapito gayong
noong bago siya umalis ay nagsalita si Lita na wala
raw siyang magagawa sapagkat hinding-hindi raw
nito hihiwalayan si Agapito. Ano ang nangyari sa
pagsasama ng mga ito?
"Oo, anak. Pasensiya ka na, unang arav pa lang
natin dito, ganyan ang nakita mo."
"Wala siya sa mama ko!"
"Lokong bata," muling wika niya.

"Hindi naman pala siya maganda, Mama."
"Talagang hindi!"
Nagkatawanan sila.
"Pero 'yong mamang kasama niya, Mama,
guwapo. Bagay kayo."
Pinandilatan niya ito. Kadarating lang nila roon
ay iyon na kaagad ang sinasabi nito. Kunsabagay,
kahit noong nasa Maynila sila ay ayaw siya nitong
ireto sa kung sino lang, kahit pa nga sa Tatay
Monding nito. Bagaman wala itong sinasabi tungkol
sa itinuring nitong ama, siguro ay nahuhulaan nito
na hindi sila magkaka-gustuhan ni Monding.
"Halika na nang makita na natin ang bahay ng
lola mo."
Nakangiting tumango ito. Napuno ng pananabik
ang kanyang puso. Sumakay sila ng trieyele at sinabi
sa driver ang paroroonan. "Sa Bahay ng Kastila."
At hindi naiwasan ay nabalik siya sa nakaraan...

The Don's Boys (Rodrigo) - VanessaWhere stories live. Discover now