unobueneventura: meet me in main building.

akishavladenx: okay!!!! <33 ingat ka, sana hindi ka matalisod habang nag lalakad. tandaan mo na kasama mo ako sa bawat hamon mo sa buhay, andito lang ako palagi para sa 'yo tandaan mo 'yan. ;)))

Seen.

Tumawa lang ako bago napag desisyunan na bumaba na. Nakalugay ang natural brown na buhok ko at nag lagay ako ng malaking ribbon na pula sa likod ko upang magkaroon ng design. Pagka baba ko, tinignan ko pa ang sarili ko sa reflection ng cellphone ko. Ilan sandali pa, nakita ko na nag lalakad si Zack papunta sa direction ko habang naka pamulsa.

"Hi!" masaya pa akong kumakaway sa kaniya, kahit nasa malayo.

Katulad dati, wala pa rin reaksyon ang mukha n'ya. Seryosong seryoso pa rin habang nag lalakad. Inayos naman n'ya ang specs n'ya, pagkalapit. Nakikita ko pa naman ang mga babaeng nag bubulungan kapag dumadaan s'ya.

Excuse me? Andito yung asawa, walang respeto? Char.

"Saan tayo kakain?"  he asked.

Oh my god?! Date ba 'to?!

"It's not a date, Akisha," mukhang nahulaan na n'ya kaagad ang nasa isip ko, kainis! "Stop smiling like that."

"Doon nalang tayo sa may Dapitan, para malapit lang," sabi ko. "Ikaw? Ano ba ang gusto mo kainin natin?" nakangiting tanong ko naman sa kaniya habang nag lalakad.

Nilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa likod habang sinisipa ang maliit na bato na nadadanan namin sa lovers lane. Tamang-tama naman. Dumadaan na yung lovers!

"I'll go with Chowking," seryosong sabi n'ya.

Sige, kung saan masaya ang crush ko doon ako!

"Okay!" sabi ko. "Wala ka masyadong ginagawa? Yung kaibigan ko kasi engineering din maraming ginagawa, e," pag daldal ko naman sa kaniya.

"Wala."

Eh? Sabagay, iba-iba naman 'yon. Baka naman kasi pinairal lang ni Yael ang katamaran n'ya kaya nag cra-cram na siya ngayon? Ayoko naman isipin ang mga bagay bagay na ginawa ngayon ni Zack dahil alam ko na imposible.

Imposible naman na iiwan n'ya ang mga gagawin n'ya dahil sa 'kin 'di ba? Sobrang imposible naman 'non. Sobrang seryoso pa naman n'ya pag dating sa acads.

"What is your order?" tanong n'ya pagkarating namin sa Chowking. Sinabi ko naman ang order ko. "I will order, mag hanap ka nalang ng mauupuan natin," kaagad naman akong tumungo.

I just ordered a Lauriat then isang meal for Yael. Baka naman makalimutan ng gunggong na 'yon na kumain, kawawa naman. Malipasan pa ng gutom 'yon at mas lalo maging gago. Maluwag ang space ngayon kaya nakahanap kaagad ako ng pwesto sa may tabi ng salamin. Doon ko napili para naman makikita ko ang mga taong dumadaan mula sa baba.

"Ang init naman," pinapaypayan ko ang sarili ko, ang hina ng aircon nila today, ah. Nag titipid ba sila.

Umakyat naman kaagad si Zack dala lang yung maliit na thing na tutunog kapag andyan na ang order namin. Hinila naman n'ya ang upuan sa tapat ko at umupo.

Napatingin naman ako sa kabuuan ng mukha n'ya. Kahit mainit hindi pinag papawisan? Ganyan ba kapag favorite ni lord?

Sobrang kinis pa ng mukha n'ya, pakiramdam ko mababasag 'yon kapag hinawakan ko. Walang ka pore-pore!

"How are you?" he suddenly asked.

"Okay lang po, Daddy," I laughed.

"You need jesus," bwelta n'ya.

"I need you," banat ko.

Tumawa naman ako ng mahina dahil napailing nalang s'ya. May mga umaakyat na ka-batch ko na ka kilala ko naman. Ang iba, kumakaway nalang sa 'kin kahit hindi ko naman ka kilala. Ewan ko ba, na kikilala raw nila ako kapag ginagawa sample ang plates ko ng iba ko prof. Wag nga sila ganyan baka bigla ko nalang i-kiss 'tong pogi nasa harapan ko.

Among Dapitan (Coast Series #2)Where stories live. Discover now