Chapter 5

16 1 0
                                    

My workload doubled for a few weeks because I was simultaneously working and practicing Scrabble. Ilang araw na kaming palaging magkasama ni Ryo dahil sa practice. Pero sa ilang araw na iyon hindi man lang kami nagkausap sa ibang topic.

Ano namang aasahan ko sa isang iyon na sobrang tahimik? Kung ako medyo maingay kapag kasama ko ang mga ka-close ko, siya naman mukhang tahimik pa rin kahit na sino ang kasama.

When I'm with him, I can't help but gaze at his face. I find myself wondering if he has smiled at all that day. I don't know, I'm just curious whether he wears a smile. Mukha kasing wala sa vocabulary niya ang ngumiti kahit nakakatawa ang sabihin mo.

"Hit," aniya isang araw habang nagpapractice kami sa loob ng library. Dito kami inupahan na magpractice after school time dahil tahimik.

In Scrabble, your brain needs to be sharp, and you should be knowledgeable about many words as that will increase your point score. There are double and triple point tiles in Scrabble, and naturally, I prefer the triple tiles for maximum points. Scrabble has no time limit, so even if it takes a few minutes to think of a word, it's perfectly fine. The game will only conclude when neither side can think of any more words or when the letter tiles are exhausted.

Kung hindi pa sa'kin sinabi ni ma'am Ayessa na over-all champion ang pinasukang school ni Ryo noong junior high pa lang siya sa Maynila ay magtataka sana ako kung bakit niya ako palaging natatalo.

Sa bawat practice namin ay lagi kaming magkalaban. Baka sa totoong laban namin sa intrams baka isipin kong kalaban din siya.

Nilagay niya ang last letter sa "Hit" doon sa triple points kaya nagkaroon siya ng 9 points sa record. Napairap naman ako dahil puro lang double points ang nagagamit ko.

Pagkatapos naming mag-practice ay agad kong kinuha ang bag ko upang makaalis na. Maglalakad pa ako ng 10 minutes pauwi ng bahay. I looked at the clock inside the library. 7:11 p.m. Agad akong lumabas ng library dahil magluluto pa ako sa bahay.

Noong una kong practice, pag-uwi ko nakakain na sila dahil si mama ang nagluto, kaya naman sinumpong siya ng kaniyang sakit. Sinabihan ko na siyang ako na lang gagawa ng lahat pagkauwi, buti at nakikinig siya sa'kin.

Madilim na sa labas, may mga ilaw na rin ang tinatahak kong hallway. Kung hindi lamang madulas itong hallway baka tinakbo ko na papalabas ng school.

Nang makalabas sa gate ng school ay naabutan ko ang isang UV Express na sundo ni Ryo. Tinanaw ko siya sa aking likuran, tinitigan niya lang ako nang walang emosyon kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad palayo.

Habang tumatakbo ako sa madilim na kalsada ay may sasakyang humarang sa'kin. Lord, 'wag naman, marami pa akong pangarap sa buhay.

Nawala ang ilaw ng sasakyang iyon kaya hindi ko mawari kung anong klaseng sasakyan. Bumukas ang pintuan no'n at lumabas ang isang pamilyar na lalaki. "Ryo?" Hindi ko siguradong tawag dito.

Lumapit siya sa'kin habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang slacks.

"Sakay." Tipid niyang sabi.

Napakunot ang aking noo, masyadong madilim dito kaya hindi ko maaninag ang kaniyang perpektong mukha.

"Anong sakay?" Naguguluhan kong tanong. "Saan? Kanino?"

"Of course, at UV Express. Where do you want?" Sarkastiko niyang tanong.

Napatingin ako sa kaniyang likuran at muling bumukas ang ilaw no'n kaya nakita kong ang UV Express nga na sundo ni Ryo. "Bakit naman?" Parang tanga kong tanong.

"Why? Because I will bring you home." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"No need, I can go home alone. Syaka malapit na ako sa amin, sayang lang gasolina." Sambit ko.

Senior high School Series #2: Love & Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now