Chapter 11

25 2 0
                                    

Another week has gone by, which means I've been working at the café for a week. My life at school has been relatively peaceful as well. Ryo rarely calls on me during recitation. However, there isn't a day that goes by without me getting annoyed with him.

Ewan ko ba, pero kapag nakikita ko siya naiinis talaga ako. Ganoon siguro talaga kapag magkasama kayo ng rival mo sa iisang room. Walang araw na hindi ka maiinis sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa.

At iyon ang kinaiinisan ko sa sarili ko. Naiinis ako sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang nakakainis. Parang bet ko lang talaga mainis sa kaniya araw-araw.

Isang hapon ng linggo ay nagwawalis ako sa bakuran. Kakauwi ko lang ng bahay at nakita kong marumi ang bahay namin dahil tulog si mama at Muhlack. Si Yeonna naman ay nagpaalam sa‘kin kahapon na gagabihin siya ng uwi dahil may practice sila.

Si Yienne, as usual, nasa aming kwarto at kung ano-anong pagpapaganda ang kaniyang ginagawa. Salamat na lang talaga dahil pagsusuklay pa lang ang alam niya. Pero may hint na ako na magiging sikat na influencer siya, lalo na pagdating sa pagbabalandra ng kaniyang mukha.

Maganda si Yienne. Kung mas tutuusin sa aming tatlong mga babaeng magkakapatid siya itong may mukhang parang anghel. Samantalang kami naman ni Yeonna ay medyo may pagkamataray. Mas mataray lang ang kay Yeonna. Kaya wala siyang gasinong kaibigan dahil najujudge na kaagad siya dahil sa feature niya.

"May pahawak-hawak ka pa sa dibdib mo. Anong tinatago mo riyan, sama ng loob kay Ryo?" Napatigil ako sa pagwawalis at nagtaas ng tingin sa lalaking nasa labas ng gate ng aming bahay.

Napairap ako dahil para siyang belong sa pamilya namin kung makapasok sa bakuran. "Anong ginagawa mo rito, Mael?" Masungit kong tanong sa kaniya bago dakutin ang mga natitirang dahon at ilagay iyon sa trash bag.

"Ito naman, ang sungit-sungit. Hindi mo ba ako na-miss?" Nakangiti niyang tanong.

Kumunot ang noo ko sa kaniya bago siya tinarayan at tinabi ang dust pan at walis tingting sa gilid. "What do you mean by na-miss? Sino ka ba?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Madrama siyang humawak sa kaniyang dibdib, napatawa naman ako sa kaniyang ginawa. "Ang sama mo sa‘kin. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Halos dalawang linggo tayong hindi nagkita, ah." Aniya.

"Dalawang linggo ba?" Taka kong tanong sa kaniya. Para siyang batang tumango-tango. "Hindi ko alam, hindi ko rin napansin. Wala kasi akong time para sa katulad mo."

"Pero kay Ryo meron?" Nang-aasar niyang tanong.

"Paano mo siya nakilala? Hindi ko pa naman siya nababanggit sa‘yo, ah." Sambit ko.

"Kinuwento mo kaya 'yon sa‘kin first week of school year." Sagot niya. "Di’ba 'yun din 'yung kinukwento mo sa‘kin last school year na lumalamang sa‘yo?" Tanong niya.

"Oo, siya iyon." Saad ko bago pumasok sa bahay, sumunod naman siya sa‘kin bago sumalampak sa sofa sa sala.

"Pogi raw sabi nila. Totoo ba?" Tanong niya ulit. Bahagyang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay.

Nagkibit balikat na lang ako, walang balak na sagutin ang kaniyang tanong. Pogi si Ryo, pero sa akin na lang iyon dahil baka kung ano pang isipin niya kapag sumagot ako ng “oo”.

Muling dumating ang lunes. Pagdating ko pa lang sa room ay puro mga kaklase kong nag-c-cram ang naabutan ko. Tinambakan kami ng mga assignment. Si Raine at Angel lang ata ang walang ginagawa.

Umupo ako sa upuan ko kaya natigil sila sa pag-ja-jack en poy. "Tapos ka na sa mga assignment, Moon?" Agad na tanong ni Raine.

Tahimik naman akong tumango. Akala ko mangongopya sila pero laking gulat ko nang malingunan ko sila at may kinokopya na sila.

Senior high School Series #2: Love And Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now