Habang nakatingala sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang nakita kanina sa social media. Si Lou na nasa Korea. Natitiyak ko na hindi papayag ang babae na pumupunta rito si Asher. But he was still coming here. So maybe... maybe...


"Maligo ka na."


Natigil ako sa pag-iisip. Ang baho ko na ba talaga at ganoon na ako karumi tingnan?


Niyuko ko ang sarili. Pawisan ang aking leeg, marumi ang harapan ng damit, at tiyak na magulo rin ngayon ang basta na lang na nakatali kong buhok. Nahiya ako bigla. Kinuha ko ang tuwalya na nakasampay sa labas. Mga basa pa iyong aking mga nilabhan pero hindi ko na ipinasok. Nakasilong naman kasi iyon.


Pagpasok ko ay nagtitimpla na si Asher ng kape. "Sorry wala kaming creamer." Nagtitipid kasi ako kaya kape puro lang ang meron dito.


"Okay lang," sagot naman niya sa patag na boses. Mukha namang hindi plastic. Okay lang talaga na pure, plain, ang no sigar. Ganoon yata ang trip niya sa kape, matapang. Iyong kaya siyang ipaglaban.


Napakagat ako ng labi. "S-sige, uhm, paki pakinggan na lang si Mama kung magigising." Pumasok na ako sa banyo. Sa loob ay hindi pa agad ako naghubad. Nakakainis dahil ang isiping nasa labas lang si Asher ay nagpapainit sa aking pisngi. Babae pa pala ako na may pakiramdam na ganito? Akala ko kasi hindi na. Akala ko converted na ako into fungus six years ago. 


Sumahod na ako sa shower bago pa makarating kung saan ang init na iyon. Pagkatapos magbasa ng katawan ay agad akong nagsabon. Ayaw kong magtagal dahil ayaw ko siyang paghintayin. O baka dahil baka umuwi na siya at hindi ko na maabutan. Well, hindi pa kasi ako nakakapagpasalamat.


Alam ko, sasabihin niya na para kay Mama naman ang lahat ng ito. But, I still wanted to thank him. There was nothing wrong with being thankful, right? Maldita ako pero may kaunting manners pa rin naman.


Ang sabi ko ay nagmamadali ako, pero nagsabon pa ulit ako ng pangalawa. Ilang araw na kasing puro mabilisan ang ligo ko. Hindi na ako nakakapaghilod dahil palagi akong nagmamadali. Pati paa ko ay aking hiniluran bigla. Kinutingting ko rin pati ang aking pusod na akala mo naman ay may mag-ch-check niyon mamaya.


Tapos na ako pero nakukulangan pa rin. Bakit nga ba hindi ako bumili noong sahod ng sabon maliban sa pink na Safeguard? Hindi rin ako nakadampot sa grocery ng kahit mumurahing salt scrub? At wala na rin pala akong feminine wash?


Pagkaligo ay nag-toothbrush din ako. Sinimot ko ang facial wash na nasa bote at naglinis ako ng tainga. Piniga-piga ko pa ang aking buhok sa tuwalya, at saka na ako lumabas—nang nakatuwalya na lang. Wala pala kasi akong nadala na bihisan. Alangan naman din na isuot ko ulit ang aking pinaghubaran.


Sa may pinto ng kusina ko nakita si Asher. He was checking the doorknob. "Wala bang ibang lock ito?" Hindi siya sa akin nakatingin.


Napatingin din ako roon. Hindi ko pa nabibilhan iyon ng bagong kandado. Ang nasa isip ko kasi ay kahit pawasak na ay matatiyaga pa naman iyong doorknob. Wala rin naman sigurong makakaisip na pasukin kami rito, dahil wala naman silang mapapala.

South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now