Medyo nagulat siya pero agad ding napalitan ng ngiti ang gulat. "Buti na lang magkasunod lang kayo." Nakangiting wika ni ma'am habang nakatingin sa likod ko.

"Bakit ma'am?" Takang tanong ko.

"May practice kayong dalawa mamaya sa library. After your last subject pupunta kayo sa library, one hour kayong mag-papractice." Sagot ni ma'am.

"Po?" Medyo gulat kong tanong. "Before 7 p.m. po dapat nasa bahay na ako. Wala pong tagaluto sa bahay."

6 p.m. ang uwian namin kaya kung mag iisang oras pa ako sa library 7 na ako uuwi. Imbes na kakatapos lang namin kumain iyon ay naglalakad pa ako pauwi. Hindi rin sanay ang mga kapatid ko na anong oras na ako umuwi. Baka mag-alala rin si mama dahil wala kaming cellphone.

"Just provide me with your home phone number, so I can call and reassure your mother and siblings that you are alright and there's no need to worry about you." Suggestion ni ma'am.

"No need na po, ma'am." Agad na sabi ni Angel. "Madadaanan naman po namin ‘yung bahay ni Moon, kami na lang po ang magsasabi sa kanila."

Kunot noo kong tiningnan si Angel. Kung dadaan pa sila sa bahay ay baka gabihin na sila ng uwi dahil iikot pa sila. "Yes po ma'am, kami na pong bahala." Sakay pa ni Raine.

"So, wala naman sigurong problema sa'yo, Ryo, dahil nasabihan ko na ang parents mo. 7 p.m. ka nila susunduin." Ani ma'am Ayessa, wala naman akong sagot na narinig kay Ryo.

"Ryo?" Rinig kong bulong ng dalawa na mukhang nabigla. Sabay silang napalingon sa likod ko, mga walang hiya talaga.

"I have to go, may issue pa akong aayusin sa section G." Ani ma'am bago kami nginitiang muli bago kami nilagpasan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Sigurado ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo naman, siguro tatakbuhin na lang namin ni Ulan ang bahay niyo para hindi kami abutin ng 7 sa daan." Ani Angel.

"Ayaw naman naming malaman ni ma'am Ayessa na wala kayong cellphone. Ayaw na ayaw mo kasing kinaaawaan." Ani Raine.

"Thank you, girls." Buong puso kong pagpapasalamat sa kanila.

"Sus, what's trio for kung hindi natin tutulungan ang isa't-isa." Naiiling na tugon ni Angel.

"Syaka they say na trio never works. Sus sila, sa kanila lang ‘yon kasi mga plastic sila." Ani Raine.

"Bunganga mo talaga." Saway ni Angel.

Sa aming tatlo mas close silang dalawa dahil hindi sila grades concious. Palagi silang magkasamang mag-shopping dahil wala silang ginagawa ng sabado at linggo, hindi ko katulad na maraming kinukuhang trabaho. Kung saan may opportunity, papasukan ko.

Sa aming tatlo ay ako ang pinakatahimik, nagiging mabunganga lang ako kapag badtrip o hindi kaya ay mas dumidis-agree sa opinyon ko about acads.

Si Angel naman ‘yung tag-init at tag-lamig, minsan may mood siyang mabait, minsan para namang demonyo.

At si Raine ang iisa ang weather. Pala-away talaga siya, hindi lang halata dahil ang amo ng kaniyang mukha. Matabil din ang kaniyang bibig kaya lahat ng gustong manligaw sa kaniya ay sumusuko dahil kung ano-anong mura ang naririnig nila kay Raine.

Agree naman ako sa kaniya. Whoever can stay by her side, even knowing her flaws and her true character, will be the one she loves. That includes me as well.

"Buwan!" Napatigil ako sa pagrereview sa bench ng basketball court nang may tumawag sa'kin.

Lumapit sa'kin si Mael. "Oh, Mael. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako dapat nagtatanong sa'yo niyan." Aniya. "Kaka-start lang ng lunch time nagrereview ka na agad. Kumain ka na ba? Ano ba ‘yang nirereview mo?" Sunod-sunod niyang tanong sa'kin.

Aagawin niya na sana akin ang notebook ko pero agad kong inilayo.

"Anong pake mo sa nirereview ko? May general chemistry ba kayo?" Sarkastiko kong tanong.

"Niluluto ba ‘yan?" Inosente niyang tanong.

"By the way, magrereview din pala ako. Iba kasi ang tinuturo kong lesson sa isang section sa TVL. Hirap maghandle ng maraming section." Natatawa niyang sabi bago kunin ang A4 notebook niya sa kaniyang bag.

"Hanggang ngayon nandiyan pa rin ang sticker na bigay ko?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Ang damot mo kasi, isang sticker pa lang nabibigay mo sa'kin. Junior pa tayo nito, hindi na nadagdagan." Aniya.

"Sticky notes nga na bigay mo sa'kin ubos na." Natatawa kong sabi.

"Paano naubos ‘yon?" Tanong niya.

"Pinagsusulatan ko ng mga to-do-list ko, ang useful niya. Bilhan mo ulit ako, alam mo namang makakalimutin akong tao." Saad ko.

"Ito na lang." Sambit niya bago ibinaba sa hita ko ang kaniyang cellphone.

"Hoy, ano ‘to?" Bigla kong tanong sa kaniya. Ibinigay ko naman agad sa kaniya. "Ayoko niyan, masamang impluwensya."

"Gumamit ka na nga kasi ulit ng cellphone." Pagpipilit niya sa'kin. "Medyo matagal na rin since huli mong gamit ng cellphone, baka limot mo na kung paano gamitin."

"Ano namang pake ko?" Seryoso kong tanong bago bumalik sa pag-aaral.

Bumuntong hininga siya bago hinila ang paa ko at ini-straight iyon, syaka niya inilagay sa aking tuhod ang malaki niyang bag.

"Lakas ng loob mong dito pa sa tuktok ng bench mag-review, ang hangin kaya. Nililipad na palda mo, para kang tanga." Galit niyang sabi.

Napatawa naman ako sa pagiging tunog tatay niya. "Sobrang protective mo naman sa'kin, papa." Natatawa kong wika.

"Kamukha mo papa mo." Agad nawala ang ngiti sa labi ko ng sabihin niya iyon. "Pero hindi ka cheater, ah."

Binatukan ko naman siya. "Hindi ko kamukha ang papa ko, maging kamukha ko na lahat ‘wag lang siya." Sambit ko.

Siguro nga sobra ‘yung galit ko kay papa. Sobra-sobra.

-iamlunamoon

Senior high School Series #2: Love And Lies (A Collaboration)Where stories live. Discover now