PROLOGUE

11 3 1
                                    


"You know what?! Ang tagal ko nang nagtitimpi sa 'yo, ha!"

Huminto ako sa paglalakad at itinuon ang napakasamang tingin sa kanya habang kuyom ang mga kamao. Bwiset! Hindi niya naman ako kailangang ipahiya sa harap ng mga tao. Tatay ko ba siya para bigla na lang siyang sumugod sa party at pigilan akong halikan ang sino mang gusto ko?!

Naikuyom ko ang mga kamao nang magpatuloy lang siya sa paglalakad at napag-iiwanan na ako. Nagbibingi-bingihan na naman ba siya?!

"What the hell is your problem?!" sigaw ko na nagpahinto sa kanya.

My breath trembled when he finally heard me. Agad namang nangilid ang mga luha ko dahil sa sobrang inis, at pagkurot ng puso ko. Hindi ba iyon naman ang gusto niya? I was just trying to help him! Is this how much he hates me? Rejecting my help by embarrassing me?! Damn this Echarri!

"Do you really hate me that much?" mahina kong usal.

"What?!" iritang singhal niya at humarap sa akin.

Bahagya siyang natigilan nang makita ako at sandali ring humupa ang iritadong mukha bago niya maalalang naiinis nga pala siya. Namewang siya gamit ang isang kamay at hinilot naman ang noo ng isa.

"Ikaw 'tong ayaw na ayaw sa akin, Shania. Ikaw na nga ang nagsabi na matagal ka nang nagtitimpi, 'di ba?"

"Dahil nga ayaw mo sa akin! You're the one who's acting like I'm the bane of your existence!"

"You watch too much drama, Shania," iiling-iling niyang saad at mapakla pang ngumisi.

Mas lalo akong nagpuyos. So sinasabi niyang nagda-drama lang ako? Grabe!

"Totoo naman, 'di ba?!" Lumakad ako papalapit sa kanya. I made sure of a comfortable space between us, yet it still made him step back. See? He hates me! "You're cruel!"

"Now I'm the cruel one, huh? Grabe, Shania! Ang sama-sama ko naman sa paningin mo!"

I gathered all the remaining courage that I have, trying to stop my tears from falling. Hindi ako iiyak sa harap ng lalaking 'to!

"Oo, Adi! Cruel ka! Why don't you just appreciate the fact that I'm helping you win her back? That's why I'm taking her boyfriend's attention away!"

Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa mga salitang sinabi.

"Ha! I'm cruel because of that?! Ano namang kinalaman ng ex ko sa pinag-gagawa mo? That's fucking toxic! You're ruining your already ruined image! Tapos ano? You expect me to just watch?" 'di makapaniwala niyang saad. "And I never asked you to do anything! You're the one who took my silence as an answer!"

"Because it's what you want!"

"You don't have any idea of what I want, Shania!" sigaw niyang nagpaigtad sa akin. "You're the one who's cruel to think that I wanted her back! You're the one who's cruel to ever kiss that guy!" he breathed out heavily.

Oh? Edi nabaling na naman sa akin! Unbelievable! Anyone could tell that he still loves her and he wants her back! And I only kissed that guy to break them up-for Adi! Isa pa, ano naman sa kanya?

"Tapos ako 'yong cruel? You're the one who hates me!"

No, he got it all wrong. I don't hate him. Kasalungat ng tingin niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Galit ako ngayon hindi dahil galit ako sa kanya, kung 'di dahil sobrang manhid niya para hindi maramdamang nasasaktan na ako dahil sa galit niya sa akin at kung ano ang kailangan kong gawin para maging malapit kaming muli.

I really just want to be close to him again and make him happy. Kahit 'yon na lang.

"I don't hate you,," mariin ngunit mahina kong saad. "I just..." I clenched my fists even tighter, "I just wanted to help. Gusto ko lang naman tulungan kang magkabalikan kayo-"

"That is not the point, Shania," he grunted. "I didn't need you to seduce him! I didn't need you to help me win her back! Stop getting ahead of yourself!"

"Eh ano ba kasi ang gusto mo?! Sabihin mo nang magkaayos na tayo!"

"Oh, what I want?! You really want to know what I want?!" hamon niya.

"Sabihin mo na nang hindi naman ako nagmumukhang tanga rito-"

"Ikaw."

I smirked in bitterness. "Anong ako? Pati ba naman sa pagsabi ng kung ano ang gusto mo, sa akin mo i-aasa?"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at mas lalong umigting ang panga na tila'y pinipigilan niya at pilit na kinakalma ang sarili. He let out a trembling sigh before he opened his eyes and met mine.

His gaze suffocated me.

"Ikaw ang gusto ko," kalmado at malinaw niyang pag-uulit.

I let his word sink in. And when it did, my face crumpled.

What the fuck?!

"It's you that I want. Ako ang landiin mo, Shan." He took a step closer to me, with his eyes locked on mine, begging.

"W-What?"

"I think... I think I want you back."


What Lies Beyond, Lays Beneath | TOTS #1Where stories live. Discover now