Chapter Ten-A (spg)

Start from the beginning
                                    

"I... I don't know what to say." alam niyang nagulat ito at nagpapasalamat siya dahil kahit na alam nito ang nakaraan niya ay hindi siya nito kinakatakutan.

"It's okay sinabi ko lang iyon sa iyo because I want you to know. You want us to become normal couples right? I don't want to hide it from you."

Mahigpit siya nitong niyakap. "Thank you Diana for giving us a chance." Anito at pinihit siya upang mahalikan siya sa kanyang mga labi na mabilis naman niyang tinugon. Kissing him is one of the most natural thing to do in the world.





NGINITIAN lang niya si Warren na parang maiihi na sa pantalon nito habang kaharap ang mga tiyahin niya. kakabukas palang ng tita Rosenda niya sa pintuan ay parang gusto na nitong tumakbo. Gusto tuloy niyang matawa ng malakas, kanina sa kotse ay panay sabi nito na hindi ito magsasalita ng ikakagalit ng mga tiyahin niya pero ngayon talagang hindi na ito makapagsalita sa takot.

"G-Good afternoon po tita." Bati nito sa mga tiyahin niya. Tinaasan lang ng tita Rosenda ng kilay ang kanyang asawa at saka nakangiting bumaling sa kanya na para bang hindi ito nakita.

"Mabuti naman at nabisita ka dito Diana. Hinintay ka namin dito dahil nandito pa ang mga damit mo. Nakahubad ka lang bas a bahay niyo at hindi mon a naisipan na kuhanin ang mga iyon?" tumabingi ang ngiti niya sa tita niya.

"Binili ako ni Warren ng mga damit tita." Pag-amin niya na ikinataas pa ng husto ng kilay nito.

"Bakit kayo magsasayang ng pera sa pagbili kung may mga damit ka naman. Naku, talaga itong mga mayayaman ang bilis maglabas ng pera." Sinulyapan niya si Warren na panay lunok lang. "Pumasok na kayo bago pa magbago ang isip ko." Mataray talaga ito.

"Nasaan po si tita Rowena?"

"Nasa kusina at naghahanda ng pananghalian,"

"M-May dala po kaming pagkain tita." Kumunot ang noo ng tita niya ng magsalita si Warren. Agad niyang nilapitan ang asawa niya at tinapik ito sa likod.

"Huwag mong takutin ang asawa ko tita." Biro niya.

"Bakit multo ba ako?"

"Tita naman eh," aniya at yumakap dito. Lambing lang kailangan nito. "Pumasok na nga tayo baka magkasakit pa kayo." Sinenyasan niya si Warren na sumunod sa kanila. Ito naman kasi ang nagpumilit na kausapin na nila ang mga tiyahin niya pero ito pa ang unang nabahag ang buntot. Halata din naman kasi ang disgusto ng mga tiyahin niya sa kanyang asawa.

"Nandito na ba sila?" yumakap siya sa tita Rowena niya at pinugpog ng halik ang mukha nito. Narinig niya ang mahinang tawa nito making her feel alright again. "Maghihiwalay na ba kayo ng asawa mo?"

"Kakakasal nga lang po namin tapos maghihiwalay na agad kami?" biro niya.

"Ay, hindi pa ba? Sige, diyan ka muna."

"Tita naman, mabait naman si Warren give him a chance to show himself."

Umingos lang ito. "Walang mabait na tao na gustong kuhanin ang bahay ng may bahay at mas lalong hindi mabait iyong nanakawin ka niya sa amin."

"Tita, hindi naman niya ako ninakaw. I am still here at saka now, hindi lang ako ang pamangkin niyo. Dalawa na kami."

"Dalawa naman talaga kayong pamangkin ko." Sabi nito. Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ang ibig kong sabihin dalawa lang naman talaga kayo." anito.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now