18

4 1 0
                                    

w: adult scene.

Isla.

"did you even sleep?" holding a mug of hot coffee I asked Mort who was staring at his laptop.

Isang buntong hininga ang isinagot niya. "I didn't"

Napailing ako at nagtungo sa kusina. Alas syete na ng umaga at dumaan ako saglit sa condo ni Mort bago ako papasok sa trabaho. It's Saturday and here he is drowned with his architectural model.

Nagtimpla ako ng mainit na tsokolate dahil makakasama kung kape yung ibibigay ko. He's been drinking coffee kagabi pa. Inihatid ko iyon sa table niya bago bumalik sa kusina.

I cooked him a heavy breakfast. Tinola ang niluto kong ulam para naman makahigop siya ng mainit na sabaw. "mamaya na muna yan. Kain muna"

Bahagyang kumunot ang noo niya na hindi ko pinansin. He's stressed. "wait lang. I'm fixing an error here"

Napamewang agad ako sa naging sagot niya. "mamaya muna yan. Hindi gagana ang utak mo kung dika kakain" Patabog niyang binitawan ang hawak na ruler. Tumaas agad ang kilay ko. "Mort hindi ko gusto ang kilos mo"

Lumambot agad ang mukha niya. Napahilamos siya at humawak sa kamay ko saka yumuko. "I'm sorry..."

Grade 12 drained so much of my energy. Nagkasabay ang midterms ko at ang DSPC contest week kaya't bugbug ako gawain. Pumapasok parin ako sa café kaya't mas lalong dumami ang gawain ko.

Halos lahat ng oras ko ay napupunta sa pagaaral, pagtetraining, at sa trabaho. Minsan nalang rin kung magkita kami ni Mort dahil busy rin siya sa pagaaral.

"namiss kita" tunog nagtatampong saad nito habang nakasiksik sa aking leeg ang mukha. "kundi ka in-invite ni mama, wala ka sigurong time"

"sorry, nabusy sa midterms eh. Contest din namin kahapon sa journalism"

Hindi ito umimik ngunit ramdam ko ang pagsinghot nito sa leeg ko. Nagtanim siya ng mumunting halik hanggang sa umabot sa gilid ng noo ulo ko.

Nasa veranda kami ng bahay nila at nakasandal ang buong katawan ko sa kanya habang nakayakap siya sa likod ko. Nakatayo kaming dalawa at nakaharap sa kulay itim nang kalangitan na may mumunting mga ilaw dulot ng mga bituwin.

Nanatili kaming sa ganoong posisyon haggang sa tinawag siya ng papa niya. Madalas ako sa bahay nila nuong bata pa kami kaya't hindi ako gaanong nahihiya.

Tumihaya ako sa sa kama ni Mort nuong pumasok na ako sa kwarto niya. It looks clean and refreshing due to the cream white and brown theme of his room. Wala masiyadong mga gamit kaya't hindi makalat tignan.

"you're sleepy?"

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok ang lalaki. Sumampa ito sa kama at inilapat ang palad nito sa tiyan ko. "tyansing ka pare"

Umirap ito at humiga sa tabi ko. Isiniksik ko agad ang sarili ko sa kanya. "tyansing karin naman pala mare"

Noong gabing iyon ay sa kanila ako natulog. Magaalas singko ng umaga nang ihatid ako ni Mort pauwi dahil may pasok ako.

Dahil sa schedule naming hindi nagtutugma, naging mas limitado ang pagkikita namin. Nanalo ako sa DSPC at diritso na ako sa susunod na lebel ng kompetisyon ngunit mas dumoble din ang hirap dahil nagkasabay sa work emersion ko.

He Fed Me Oranges (Querencia Series 2)Where stories live. Discover now