08

8 1 0
                                    

Isla.

Today, 15 years ago, the twins were born. It's also been fifteen years since I've been raising them. I remembered how they would cry whenever I forgot to feed them their milk. They grew up too fast.

I watched how they happily talked with their friends. Konti lang ang handa namin pero kasya naman sa mga bisita na kaklase lang ng dalawa, sobra pa nga siguro.

"laki na nila noh"

Lumingon ako sa lalaking nakikisandal narin sa lababo kagaya ko. Kakatapos niya lang hugasan yung plato na nagamit ko sa pagluluto kanina. "I just hope, I was able to fill the empty space in their life"

"You did great Enola. You raised them well"

Pabiro akong umirap at niyaya na siyang kumain na. Everyone started eating nung sinabi kong kumain na kami. Hindi naman gaano karami yung bisita pero sa laki ng bahay namin, mejo siksikan na...o baka hindi lang ako sanay na maraming tao sa bahay.

The night went smoothly with the twins celebrating their day. May mga nagbigay ng regalo bago nagpaalam na uuwi an dahil pasado alas nuwebe na at may pasok pa sila kinabukasan.

Noong tumahimik na ang loob ng bahay, saka ko kinuha ang hinanda kong regalo para sa dalawa. Natigil sila sa pagliligpit sa mesa ng inilipag ko ang dalawang kahon sa harap nila.

"Happy Birthday..."

Sabay silang tumingin sa akin at agad na lumawak ang ngiti. It took me many years para lang mabilhan sila ng sarili nilang laptop.

"Pwede namang isang laptop lang yung binili mo ate tapos hiraman nalang kami ni Dani" pabulong na saad ni Monica. "Mahal pa naman..."

Ngumisi ako at sinundot ang tagiliran nila. "hihiram rin naman ako niyan. Wag niyong akuin lahat oii"

Sabay silang tumawa bago ako niyakap. Nakita ko ang pagngiti ni Mort na ngayoy may hawaka naring regalo. "here's my family's gift for you"

"Thank you kuya!!" maligalig nilang saad at pinaggrouphug panga.

We were so occupied with the hug when a loud 'tao po' echoed. Si Danica ang lumabas ng bahay para tignan ang bisita. It took her awhile kaya't sumunod na ako.

"Sino ba yan bunso—"

I was cut halfway of what I'm going to say when I saw the woman standing outside the gate with a big smile on her face. It's been what?

— it's been 13 years.

"sa labas niyo kausapin" saad ko kay Monica ng aakmang papasok ulit ako sa loob at humarang siya.

"Ate..."

Nagiwas ako ng tingin at pinaglaruan ang dila ko. "papasukin niyo nalang. Sa kwarto lang ako"

Aagd akong nagtungo sa loob ng silid ko at umupo sa kama ko. I'm not ready to face her...or maybe I don't want to face her.

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko, magulo. There's a part of me that really misses her but there's also a part of me wishing for her not to comeback anymore. I'm okay, we're already okay...or maybe I'm forcing myself and my sisters to feel okay?!

Napaangat ang tingin ko ng bumukas ang pintu ng kwarto ko. There I saw Mort. "do...you want to cry?"

I bitterly smiled and tears started to fall like they're just waiting for his signal. He went inside and sat beside me. He didn't day anything and just let me head lean on him.

"a-yoko pa siyang makita..." pabulong na saad ko.

I felt him gently touched my hair. "but when are you going to be ready Enola?"

Agaran kong pinunasan ang luha ko sa mata. "hindi ko alam at wala rin akong plano"

Just like that, I stopped crying. I went out of my room to see the twins and our...mother happily conversing. Natigil sila at agad na tumingin sa akin.

"A-ate...kung okay lang sana, gusto ni mama na—"

"Hindi okay sakin Monica" matigas na saad ko sa kapatid kong nakatayo na ngayon mula sa pagkakaupo niya sa sofa.

"pero gabi napo ate a-at baka wala ng masakyan si mama..."

Tumaas ang tingin ko sa orasan na nasa ibabaw lang TV namin nakasabit. "alas nuwebe palang naman, magaalas diyes palang. May traysikel pa diyan sa labas. Pauwiin niyo nalang"

Marahas na tumayo si Danica. "Ate naman!"

Malamig ko siyang tinapunan ng tingin. "Wag mokong pagtataasan ng boses Danica"

"Pero ate naman..."

"Dani...tama nayan" saway ni Monca sa kakambal.

"Mga anak, wag na kayong magaway. Uuwi ako at may naghihintay sakin sa bahay" saad ng bisitang nakatayo narin ngayon. "B-babalik nalang ako bukas"

Pagak akong natawa at naglakad na papuntang kusina. Uminom ako ng tubig at naglinis ng lamesa.

"Ako na diyan. Upo kana muna doon"

Agad kong binitawan ang pamunas at umupo sa isa sa mga upuan. Nakatitig ako sa kawalan. I'm all drained now.

Why do poeple who chose to leave was always the one who seemed unbothered? Why does it seem so easy for them to leave and comeback?

"ate a-aalis naho si mama" boses ni Monica at nagpabalik sa akin sa ulirat.

"okay"

"A-anak may dala ako para sa iyo nandoon sa sala. Tignan mo nalang ha"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Bitbitin niyo nalang lang ho pauwi sa inyo. Hindi ko kailangan ng kahit ano"

Nabakas sa mukha ng ginang ang lungkot. Her eyes started to get red. "Isla naman..."

Malamig akong tumitig sa mata niya. "Umalis naho kayo, pakiusap"

"ate wag niyo naman hong ipagtulakan si mama palayo samin" nagsusumamong saad ni Monica.

"Kung hindi niyo ho kailangan si mama, kami ate, kailangan namin siya" singit na saad ni Danica.

Nagiwas ako ng tingin. "sinabi ko namang wag niyo ng dalhin dito sa bahay diba?!"

"mama natin siya! Kahit anong gawin natin parte siya ng buhay nati—"

"Yun na nga eh!" Kagat labi akong tumungo sa kanila. "labing tatlong taon Danica! Ni kahit minsan hindi ko naramdamang may ina ako!"

"kaya nga nandito na siya ate dib—"

"Putangina! Kung kailan hindi na natin siya kailangan?! Ayos na tayo dito!"

Pagod na tumitig ang kapatid ko sa mga mata ko. "Nakakapagod ka naman ate eh"

They left, again.

Just like thirteen years ago, I watched how my mother walked out of our house, but this time, with my sister dragging her.

I am left again, just like before.

I am not enough again to be the reason for them to say, just like before.

And just like before, it was him who stayed with me.

🍊

He Fed Me Oranges (Querencia Series 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora