09

9 1 0
                                    

Isla.

Life is always unpredictable.

Our house was once a lively and warm place. It used to be a welcoming place where I grew up. Ako ang unang anak, kaya't noong wala pa ang kambal, nasa sa akin ang atensyon ng lahat.

Papa was a licensed engineer, si mama naman ay isang guro noon, pero tumigil kalaunan nang ipinanganak ako. Who would've thought, that a family that was once so lovely would turn upsidedown?

Nanlalake si mama, nalaman ni papa kalaunan at doon nagsimulang bumaliktad ang lahat. I don't know what's the reason of my mother. They fell out of love out of nowhere kung kailan tatlo na kaming mga anak nila.

Everyday, nagkakasigawan sila. Since the twins were still months old, at ako naman ay masyado pang bata, kapag umiiyak sila ay nakikiiyak narin ako. We would cry in unison.

It keeps on repeating like it was an everyday routine of our family. Hanggang sa napagod si mama, umalis siya. She left me, she left the twins, she left papa—

She left us.

"tawagin mo na si Dani. Mag almusal na tayo"

Kaagad na tumayo si Monica at nagtungo sa kwarto nila. Umaga na at kapwa kami may pasok tatlo. Wala si Mort, marahil ay mamaya pa iyon.

Tahimik ang bahay di kagaya nung nga nakasanayanf araw namin. Walang imik na kumain ang dalawa ng almusal at pinapanood ko sila.

"Yung laptops niyo, inilagay ko sa kwarto niyo. Pati narin yung regalo ng kuya Mort niyo" hindi sila sumagot kaya't tumayo na lamang ako at inihanda ang baon nila sa kusina.

The twins left the house without saying goodbye to me. Marahil ay galit sila sa akin.

Nagbihis ako ng uniporme ko at sinipat ang sarili sa salamin. I don't find myself attractive at all. Sabi ni papa ay kamukha ko si mama, and seeing her last night was the evidence.

"Commute lang tayo?" tanong ni Mort nang makalabas kami sa bahay. Himala at hindi siya nakikain.

Isang bese aking tumango. Naghintay kami ng masasakyan at noong mayroong hindi punuan ay pumara kami.

Nang bumaba ako sa harap ng eskwelahan ko ay bumaba rin si Mort. Inabutan niya ako ng isang puting lunch bag na hindi ko alam kung anong laman.

"buksan mo yan kapag wala kang ginagawa. May ice cream diyan" saad niya.

Agad akong napabuntong hininga at maliit na ngumiti sa kanya. Simula kanina ay hindi ako nagsasalita kaya't alam niyang wala ako sa mood para makipagasaran sa kanya.

I went inside the school. I attended my classes the whole day at pagkatapos ay dumiritso ako sa café. Nagtext si Mort na hanggang alas sais pa ang klase nila kaya't magisa akong nagtungo doon.

"Strawberry iced latté and cinnamon rolls for you maam. Enjoy!" Nakangit ako habang nilalapag sa harap ng customer ang order nito.

Tumingin ako sa orasan at nakitang pasado alas diyes na. Ang bilis ng takbo ng oras. Sinipat ko ang puwesto kung saan madalas si Mort pero wala siya roon kaya't mag isa akong umuwi ng ng bahay.

Akala ko ay tulog na ang kambal ngunit rinig na rinig ang tawanan nila mula sa gate kaya't pumasok agad ako. Akala ko ay silang dalawa lang, pero nandito si...mama and a toddler.

Agad silang natigil sa pagkukulitan nang mapansin akong nakatayo sa pintuan. "A-ate"

Malamig akong tumitig kay Monica at Danica. "Sa kusina. May sasabihin ako sa inyong dalawa"

Nauna akong nagtungo sa kusina. Sumunod ang dalawa. "plano niyo nang pabalikin dito?" Tahimik silang dalawa. Nakatungo sila at hindi man lang umiimik. "Kapatid natin yung bata?"

"Dumdalaw lang naman si mama. At oo, kapatid natin si Mica ate" walang pag aalinlangang sagot ni Danica. "Kung plano mang bumalik ni mama dito sa atin, gugustuhin rin namin ate"

Agaran akong nag iwas ng tingin. After everything, the things that I did was never enough to fill in the hole our mother left in their heart. For it to b le filled, kailangan nila si...mama.

Tumango-tango ako at maliit na ngumiti sa kanila. "Balik na kayo don. Labas lang ako saglit"

Sinukbit ko ulit ang bag ko sa balikat at lumabas ng bahay. Palabas na sana ako ng gate nang biglang tumawag si Monica.

"Ate" Agad akong lumingon sa kanya. "Sorry po"

Isang beses akong tumango at lumabas na. Tinitigan ko ang numerong nasa emergency contacts my cellphone ko.

Psalm 911

One ring, sinagot niya kaagad. Rinig ko ang ingay ng kubyeetis sa kabilang linya at ang mumunting paguusap ng kung sino.

"Hey! I'm sorry I wasn't able to fetch-"

"San ka?" putol ko sa sasabihin niya.

"house. I'm having dinner with my parents pero kakatapos lang"

Tumango-tango ako kahit hindi naman niya kita. "Okay. Sige baba ko nato"

Hindi na ako naghintay na mahsalita siya at binaba na lang basta ang tawag. Tumingala ako at tumitig sa langit. Ewan ko kung mga mga bituin ba pero niisa ay wala akong maaninag.

Pagod akong umupo sa sidewalk at tumungo. Walang luha na lumabas pero alam kong pagod ako. Pagod ako sa trabaho, sa pagaaral, sa sarili, sa buhay na meron ako.

Pagod na pagod ako to the point na nakakapagod naring palaging maging pagod. Do I even make sense?

"wala akong barya. Tayo na diyan"

Agad akong napaangat ng tingin. Nakasuot siya ng pink na t shirt at puting short. Naka tsinelas lang din siya. Halatang nagmamadali.

"tanga ba't ka nandito?"

Nagkibit balikat siya at hinila ako patayo. "Inom tayo?"

Ngumisi agad ako at sumakay sa kotse niya. Binuksan ko ang bintana at agad na tumama ang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha. Pasado alas onse na ng gabi kaya't wala na gaanong tao sa kalsada. Tanginf mga 24/7 na establishments nalang ang bukas.

Hininto ni Mort ang sasakyan sa harap ng isang convenience store. Siya lang ang bumaba at pinaghintay niya lang ako sa loob ng kotse. Noong bumalik siya ay may dala na siyang supot ng pinamili niya.

Pinaandar niya ulit ang sasakyan at kalaunan ay hininto sa isang park. Malapit lang to sa skwelahan at sa café eh. Binuksan niya ang likod ng sasakyan at doon kami umupo.

"Oh" Inis ko siyang tinitigan ng iniabot niya sa akin ang isang chuckie. "Ano? Inom na"

"Seryoso ka?!"

Tumatawa siyang tumango. Inis kong hinablot ito at sumipsip sa straw nito. Pareho kami ng iniinom kaya't okay narin. Kailangan ko rin ng matamis ngayon.

"How was your day?"

Hindi ako sumagot at binaba nalang ang kakahati ko pang iniinom. Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa likod. "Wala namang bago"

Tumitig siya sakin. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "life is too cruel to you..."

Ngumisi ako. "naaawa ka?"

Bumuntong hininga nalang siya at patuloy na hinaplos ang buhok ko habang nakatingin sa kawalan. Malamig ang ihip ng hangin ngunit hindi naman gaano.

"this...past few day, nakakapagod yung mga ganap sa buhay ko" satinig ko matapos ang nakakabinging katahimikan. "anong araw ngayon?"

Tinignan niya kaagad sa cellphone niya. "29 july"

Tumango-tango ako at ngumiti, nasa malayo parin ang tingin. "next month 29, monthsarry natin"

Agad natigil ang paghaplos niya sa buhok ko at tumitig sa akin. "What?"

Ngumisi ako sa kanya. "I'm too tired this past few days. I deserve a rest right?"

"I'll be your rest then"

🍊

an. you might encounter errors with the grammar and typography, I'm really sorry. I'll edit it out as soon as I can!

He Fed Me Oranges (Querencia Series 2)Where stories live. Discover now