CHAPTER TEN
SASAKAY na sana sa elevator si Roger nang
mapatingin sa pinto ng unit ni Constance. He
decided to knock. Kung naroroon pa ang babae,
sabay na lang silang bababa.
Bumukas ang pinto sa ikatlo niyang katok. Si
Cookie ang bumulaga sa kanya. He knew it was
her because of her clothes. She was wearing a
micro-‐‑minidress.
“Hi,” bati ni Roger sa nakatungong dalaga.
“Kailan ka pa rito?” tanong niya sa kawalan ng
masabi. She made him speechless. Her beauty was
never understood. It was just there and you’re
stupid if you won’t notice.
“KADARATING ko lang,” ani Cookie. Bilang
Cookie ay noon lang sila muling nagkita ni Roger.
Isang linggo siyang nawala at wala naman sana
siyang balak na namang magpanggap na Cookie.
Kaso ay bigla itong kumatok at nakalimot naman
siya. Binuksan niya ang pinto. Saka lang niya
naalala na maiksi ang suot niya, therefore, si
Cookie siya at ang recognition ay nasa mga mata
ni Roger. Mas maguguluhan lang ito kung itatama
pa niya.
“W-‐‑where’s Constance?”
“Bumaba na. Kanina pa. May sinamahang—”
Itinaas nito ang isang kamay. “Don’t say it.”
Tila alam na nito ang kasunod na sasabihin niya.
“I have to talk to her about her habit of going out
with guests.”
“Teenager naman ang kasama niya.”
“Kahit na.” He eyed her intently. He couldn’t
help smiling. “I see you’re still alive.”
Nag-‐‑blush siya and she wasn’t faking it.
Hinawakan nito ang baba niya.
“I’ll see you later. Sasaglit lang ako sa Cavite
or—do you want to go with me? Wala ka namang
ginagawa.”
Gusto sana niya pero hindi puwede. “Next time
na lang.”
“Bakit? May date na naman kayo ni Gerry?”
Napangiti siya. “Bakit? Nagseselos ka?”
Tinitigan ulit siya nito. “Oo.” And then he was
gone.
Bumalik siya sa loob ng suite dahil tumutunog
ang interphone. Iniangat niya iyon. It was the
front desk.
ILANG saglit lang ay nasa ground floor na si
Roger. Lumapit siya sa front desk at naghintay na
ibaba ng tao roon ang telepono. May dalawang
VOCÊ ESTÁ LENDO
Fortune Cookie | ROSE TAN
RomanceA novel written by the only Rose Tan Nagpanggap na fortune teller si Cookie. Dahil doon ay nakabangga niya si Roger Pelaez. Iniwanan ito ng fiancée dahil sa hula niya. Okay lang sana ngunit nabatid niyang si Roger ang may-ari ng hotel na pinag-a...