05

237 9 0
                                    

CHAPTER FIVE

HINDI muna bumaba ng kotse si Roger. Nag-­‐‑isip at nag-­‐‑isip pa ulit. Mayamaya ay kinapa niya sa bulsa ang sulat na iniabot sa kanya ni Della kanina sa opisina. Kahit walang return address sa envelope, alam niya kung kanino iyon galing.

At natatakot siyang basahin. Pero kailangan niyang basahin iyon. Dinukot niya ang liham sa bulsa, binuklat. Galing iyon kay Jeanette at abot ang kaba ng dibdib niya.

Ngunit nang matapos, nakahinga siya nang maluwag. It was not what he was expecting. Tuluyan nang nakikipagkalas sa kanya si Jeanette.

Ayon dito’y nakakilala raw ito ng isang lalaki—na sa kutob naman niya ay matagal na nitong kilala—She was thinking of going out with him, which on his mind meant going to bed with him.

But the letter was a relief. Nangamba siya kaninang ang liham ay pakikipag-­ayos sa kanya at nagsasabing babalik na si Jeanette. Kapag nangyari iyon, hindi niya alam ang gagawin.

Of course the letter was also a surprise. Sa maikling sandali, nagawa kaagad siyang ipagpalit ni Jeanette. Kinapa niya ang puso. Walang sama ng loob doon. Ang masama ang loob ay ang kanyang ego. Akala niya ay mahal na mahal siya nito. It seemed na hindi.

Pero namomroblema pa rin siya dahil sa liham. He got out of his car at pumasok sa nire-­renovate na Marisca. Nais siyang makausap ng arkitekto at malamang sa hindi, dagdag-­gastos na naman ang iluluhog nito sa kanya. He was right.

“It’s more expensive, I admit. But in the long run, mas makatitipid ka dahil hindi mo na kakailanganing magpa-­repaint,” wika ni Gerry, his architect and friend.

Wala siya sa mood na makipag-­argumento dahil balisa pa rin siya sa liham ni Jeanette. Sumang-­ayon na lang siya. Gumastos na rin lang siya, de lubus-­lubusin na. Mababawi naman niya iyon; tiyak niya iyon kay Constance. At naaprubahan ng bangko ang kanyang loan, masisimulan na ang construction ng Marisca sa Cavite, malapit sa Tagaytay. Ang kolateral ay iyong Marisca sa Mabini.

“Pare, maiba tayo—” wika niya kay Gerry.

“Itatanong ko nga sana kung hindi ka nilalagnat. Parang wala ka sa sarili,” wika nito.

Sinabi niya ang nilalaman ng liham ni Jeanette.

“Kung okay lang sa ‘yo, de walang problema,” anito.

“May problema pa rin ako. See it this way. Kung hindi ako nagdamdam sa ginawa niya, ibig sabihin hindi ko talaga siya mahal. At kung hindi ko talaga siya mahal, tama si Cookie, the fortune teller—”

“Who is she?” tanong nito.

“Never mind. Mukha akong pera, ganoon ba?” Kaharap lang niya si Gerry ngunit sarili niya ang kanyang kinakausap. Tila hindi nito nauunawaan ang sinasabi niya. “At kung pera lang ni Jeanette ang nagustuhan ko, ibig sabihin, masama akong tao. Alam ko namang hindi ako masamang tao, pero bakit hindi ako nasaktan na ipinagpalit ako ni Jeanette?”

Napailing na lang ito. “Ang hirap talagang maging guwapo. Magpapa-­plastic surgery na nga ako para makamukha ko si Andrew E.” biro nito. “Roger, pare, huwag mo nang isipin ang nakaraan. Minsan, kapag hindi talaga para sa isa’t isa ang dalawang tao, talagang nagkakahiwalay at gano’n lang, naghiwalay sila. Tapos.”

“Kaso nga, kung hindi ko talaga minahal nang totoo si Jeanette. Hindi pala ako marunong magmahal. Mali pala ang akala ko sa pagmamahal. Paano ako mag-­aasawa?”

Napangiwi ito. “Ang laki ng problema mo, pare.”

“Akala ko, mahal ko si Jeanette. Tapos, mali pala ako ng akala. Kapag nagmahal ulit ako, paano ko malalaman na it’s the real thing?”

Fortune Cookie | ROSE TANWhere stories live. Discover now