04 (Part2)

166 12 3
                                    

SA PENTHOUSE ng Marisca tumutuloy si Roger,,bagama’t minsan ay sa bahay pa rin ito umuuwi.

Pagkabukas ng elevator ay nasa loob na mismo ng penthouse si Cookie.

“Hello there,” bati ni Roger sa kanya. Nakaupo ito sa leather couch at nakataas ang paa sa mesita, medyas lang ang suot.

“You want to talk to me?” aniya. Kaharap na naman niya ang lalaki kaya obligado siyang maging prim and proper. Kapag mga guests ang kaharap niya’y okay lang na ilabas niya ang totoong siya dahil mas charming si “Cookie” kaysa kay “Constance”. But with Roger, she had to be formal and smart‑looking.

“Yeah, I also want to have you here. We’ll dine here. Um-­order na ako at hindi ka na madidismaya sa pagkain. Pagkatapos kong kausapin si William, nag-­improve ang mga pagkain natin dito. Thanks to you.” Ibinaba nito ang paa. “Have a seat.”

“Thanks.” She sat on an armchair opposite him.

“Kailangan ko pang umuwi,” paalala niya rito.

Alas-­siyete pasado na ng gabi.

“Iyan ang nais kong sabihin sa iyo. I want you to live here.”

“Here?” Napangiwi siya. “Pero saan ka titira?”

“Here.” Tumawa ito nang nakita ang pagkabigla niya. “We won’t be together. Doon ka sa kabila, dito ako. May dingding naman sa pagitan natin. This apartment, for your information is actually two suites. Puwede mong isara ‘yon habambuhay kung ayaw mo akong papasukin.”

“Ikaw ang bahala,” wika niya. Mas maganda nga kung dito siya titira. Sarili niya ang silid.

“Wala kang babayaran dahil so far naman ay impressed ako sa performance mo.” Bumukas ang elevator at isinudlong ng waiter papasok ang cart ng kanilang dinner. Agad din iyong umatras pabalik sa elevator. “Well, let’s eat. Ihahatid na kita mamaya sa inyo at bukas, ipasusundo kita para madala mo rito ang mga gamit mo.”

HABANG daan ay panay ang isip ni Cookie kung paano bababa. Paano kung nakaabang si Tiya Paquing at tawagin siyang “Cookie”? Hindi nito alam ang pagkukunwari niya.

“Nariyan ba ang kakambal mo?” tanong ni Roger nang ihinto siya sa tapat ng shop. Tumango siya. “Pero nasa kuwarto na siguro, nanonood ng TV.”

“Ano ba’ng tinapos ng kapatid mo? Bakit nanghuhula lang?”

“HRM din, kaya lang, hindi pa nakakakuha ng trabaho.”

“Huwag ka namang magagalit, pero sa hilatsa ng kapatid mo, malabong makahanap ng stable na trabaho.”

“Mabait si Cookie, hindi lang maganda ang una ninyong engkuwentro. Kapag nakilala mo siya, you’ll like her.”

Nagkibit-­‐‑balikat lang ito. Mukhang duda. Parang sinasabing malabong magustuhan at makasundo nito si Cookie, the fortune teller.

Napangiti nang lihim si Cookie, she decided to tease him a bit. “Kung hindi nga lang pangit ang first impression mo sa kanya, ipapasok ko rin sana sa Marisca.”

“I don’t hire twins,” wika nito. Nasa tonong walang balak na patuntungin sa Marisca ang kanyang “kakambal”.

“Salamat na lang. Hindi na kita aanyayahan sa loob, gabi na kasi. Maagang matulog ang Tiya Paquing ko dahil maraming ginagawang orasyon.”

“Sige.” Bumaba ito para ipagbukas siya ng pinto. Bagay na malabo nitong gawin para kay Cookie. She got off.

Tutuloy na sana siya sa shop nang tawagin siya nito.

“Bakit?” tanong niya.

Medyo kumamot ito sa ulo. “G-­‐‑gusto ko lang sanang itanong kung—”

Fortune Cookie | ROSE TANWhere stories live. Discover now