CHAPTER ELEVENMALUTONG na malutong ang halakhak ni Gerry
nang maghinga ng problema si Roger.
“Suwapang ka kasi. Gusto mo, sa ‘yo lahat ang
babae,” paninisi pa nito sa kanya. “Parang gusto
ko na talagang pakasalan si Cookie. Dahil
naloloko ka.”
“Akala ko ba kakampi kita?” aniya sa kaibigan.
“But, of course.” Ininom nito ang Red Horse
beer nito. Nasa condominium unit siya nito,
naghahanap ng karamay sa kanyang suliranin.
“Kaya lang, wala akong maipapayo sa iyo.”
“Hindi naman ako humihingi ng payo.”
Nagbukas siya ng bagong bote ng Red Horse.
Hinihintay na sumipa iyon at nang mag-‐‑pass out
na lang siya at makalimot kahit paano.
Tinapik ni Gerry ang balikat niya. “Alam mo,
p’re, you can’t drink to drown your sorrow.
Sorrow can swim.” He laughed at his own joke.
Tiningnan niya ito. “I’m not drowning my
sorrow. Hindi naman ako nalulungkot, naiinis
lang ako.”
“Hindi puwedeng hindi ka nalulungkot. Hindi
ka na nga naliligo at hindi ka pa rin nagpapalit ng
medyas. Aminin mo man at hindi, apektado ka
talaga dahil mahal mo siya.”
“Are you suggesting na makipagbati ako sa
kanya?”
“Why not?”
“Wala akong balak. Matapos niya akong
pagmukhaing tanga, ako pa ngayon ang mang-‐‑
aamo sa kanya? Masyado na siyang sinusuwerte.”
“Walang kinalaman ang suwerte d’yan, pare,”
ani Gerry at tumindig. Pumasok ito sa komedor.
Pagbalik ay puno na naman ng yelo ang ice
bucket. May dala ring malamig na chicken
barbecue, ipinatong iyon sa mesita. “As I was
saying, luck has nothing to do with it.”
“Who told you it has?” tanong niya, gusto nang
mainis sa kaibigan. Hindi ba nito nauunawaan na
masama ang loob niya? Hindi biro ang ginawa ni
Cookie. He wanted Gerry to hate her too.
Nagkibit-‐‑balikat si Gerry at naupo sa carpet.
“Anyway, alam mo kung bakit nagkakaganyan
ka?”
“Alam ko.”
“Hindi mo alam. Huwag mo akong barahin
nang barahin, importante ang sasabihin ko sa
YOU ARE READING
Fortune Cookie | ROSE TAN
RomanceA novel written by the only Rose Tan Nagpanggap na fortune teller si Cookie. Dahil doon ay nakabangga niya si Roger Pelaez. Iniwanan ito ng fiancée dahil sa hula niya. Okay lang sana ngunit nabatid niyang si Roger ang may-ari ng hotel na pinag-a...