03

193 10 0
                                    

CHAPTER THREE

KINAKABAHAN si Cookie ngunit desidido siya na panindigan ang naisip na paraan. Sabi ng mga kaklase niya noon, dapat daw, hindi siya nag-­HRM dahil matapang siya. Dapat daw, Criminology ang kinuha niyang kurso. Puwes,Mngayon niya mapapatunayan ang kanyang katapangan.

“Good morning,” bati niya kay Della.

Kumunot ang noo nito. “Cookie? Nagpagupit ka?”

Minsan, dahil sa pagkamangha, people ask stupid question. Obvious naman na nagpagupit siya, itinanong pa.

Ngumiti lang siya. A coy smile. “Nandiyan na ba ang boss mo?” Ang hula niya ay wala pa si Roger. Nais lang niyang makatiyak.

“Ang aga mo, wala pa si Boss.”

Naupo siya sa harap ng desk nito. “May sasabihin ako sa iyong importante,” aniya giving her a conspiratorial look.

“Ano?”

“Nabasa na ba ng boss mo ang resumé ko at bio-­‐‑data?” tanong niya.

“Hindi. Marami pala siyang gagawin, halos hindi rin nagtagal dito.”

“No’ng sinabi mong ngayon ako babalik, ano’ng sabi?” tanong pa niya.

“Wala naman. Oo raw, tapos umalis na. Ang alam niya, pasado ka sa mga exam dahil ang personnel ang nag-­‐‑schedule sa iyo para sa interview, pero hindi pa rin niya napapag-­‐‑aralan yun. Busy kasi siya masyado ngayong week na ‘to. Gusto lang niyang siya ang mag-­‐‑interview sa pinaka-­promising na aplikante, at ikaw nga ang inirekomenda ng personnel. Pero alam mo kasi, si Boss, parang timang kung minsan.”

“I agree,” wala-­‐‑sa-­‐‑loob na nasabi niya. Napatanga si Della. “Never mind, continue,” aniya.

“Kasi nga, halimbawa, sasabihin niya sa akin,,mag-­‐‑uusap kami, hintay ako nang hintay na kausapin ako, nakalimutan pala. Minsan naman, sasabihan ako na mag-­‐‑overtime, tapos magtataka kapag nandirito pa ako.”

“Baka addict,” aniya.

“Hindi. Caesarian kasi nung ipinanganak, nasagap yata ang anesthesia ng nanay niya. Àyun, makakalimutin. Pero yung mga,importante, hindi naman niya nakakalimutan.,Ewan ko ba.”

“Anyway, ang mahalaga, hindi pa niya nasisilip ang resumé ko. Papalitan ko.” Ipinatong,niya sa ibabaw ng desk nito ang long brown envelope na dala-­‐‑dala. “Nagpalitrato ako ng bago,,kasi nagpagupit ako—” Hindi lang litrato ang pinalitan niya, pati ibang impormasyon hinggil sa kanya. “Alam mo kasi—” And she told Della the truth.

Mangha at amused ang sekretarya. “Baka mabuking ka?”

“Hindi. Dahil hindi niya kilala ang pangalan,ko. Mukha ko lang ang natatandaan niya. At hindi mo naman siguro ako ibubuking. Kailangang-­kailangan ko ng trabaho, Della. Kaya mangako ka,na hindi mo ako ipapahamak. Isa pa, dito ko talaga gustong magtrabaho.”

“Sige na nga, pero isasama mo ako sa inyo isang araw, ha? Magpapahula ako sa tiya mo, at libre.”

“Sure, basta ikaw.”

Tumawa ito. “Kaya pala, manang na manang ang dating mo ngayon,” komento nito. Nakasuotmsiya ng lagpas-­‐‑tuhod na pencil-­‐‑cut skirt, sky blue na blusa na hanggang siko ang manggas at hindi gaanong mataas na takong ng kanyang slides.

Naka-­‐‑headband din siya— iyong hiniram niya sa parlor—at walang buhok na naliligaw sa kanyang mukha. She wore minimal make-­‐‑up. Malayung-­malayo sa anyo niya kahapon lamang.

Mayamaya ay kinalabit siya ni Della. “‘Ayanmna si Boss.” Ngumuso ito sa one-­‐‑way glass wall.,Napapitlag siya ngunit hinamig ang sarili.

Hindi siya mabubuking. Kailangan lang niya ng lakas ng loob at marami siya niyon. Huminga siya nang malalim bago dahan-­‐‑dahang pinakawalan.

Fortune Cookie | ROSE TANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon