Chapter 21 - Flirting is my Thing

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ouch! What's that for?!" Singhal niya.

"May alam ka ba? Why Liv?" Asik ko sa kanya.

"Calm down you lioness," kunot noong sabi niya. Inalis ko ang suot kong sunglasses saka ako namewang sa harap niya.

"Speak," I demanded. "I hate waiting Xav."

Sumeryoso ang mukha ni Xav saka siya bumuntong hininga. "Wala akong alam tungkol doon Angel," aniya saka siya bumaling sa dagat. "You know our family," dagdag pa niya na nagpa-iling sa ulo ko. "Young, Mendez, Cavalier, Ortega and Clynes," Dumilim ang tingin nito. "Hanggang ngayon, wala pa ring pinagbago! Damn it!"

Napa-iling ako. Akala ko ay may alam si Xav kahit papa'no ngunit nagkamali ako. Kagat ang labi ay napabuntong hininga ako. Tama siya. Our families; magkakaibigan man ay magkakalaban pa rin pagdating sa business, lalo na ang Cavalier at Mendez. But it's been like that for decades now!

"How's Olivia?" He asked.

"Captain obvious much?" Pabalang na sagot ko sa kanya.

"Bitch attitude much? Hindi ka pa rin nagbabago, pati 'yang expression mo," tumatawang sabi ni Xav saka niya ibinuka ang mga braso niya. "Where's my hug best buddy?" Nakangising tanong niya.

Unti-unting sumilay ang ngiti ko sa labi. Me, him, Russo, and Olivia, we're high school best friends. Mas lalo akong napangiti nang maalala ang mga sandaling wala pa kaming pakielam sa estado ng buhay namin.

Humakbang ako palapit sa kanya saka siya niyakap. Nang mayakap niya ako ay ramdam ko ang paghalik niya sa buhok ko. Mas lumaki ang katawan ni Xav at hindi rin maitatangging mas lalo itong naging gwapo.

"Still the boss?" Rinig kong tanong niya.

"Yeah. How 'bout you?"

"Hmm, a writer," sagot niya dahilan para humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawang kamay ko, pinipigilang mapatili. He pursued writing, his dream.

"No way!" Bulalas ko ng sa wakas ay maka-move on ako sa narinig na balita.

He chuckled. "Yeah."

"I'm so happy for you!" Nakangiting sabi ko.

"You and your dimples with that sweet smile of yours," nakangiting sabi niya saka siya napailing. "Kaya patay na patay sa'yo si Russ, tapos pati si Wade, pinatulan mo. Tsk! Tsk."

Agad kong hinampas ang braso niya.

"You too? Hindi nga naging kami ni Wade. Ba't ayaw niyong maniwala?" I pouted. Naalala ko na naman tuloy si Wade. "Oh yeah," sambit ko nang may maalala akong tanungin. "Kamusta kayo ni Kyla?" Tukoy ko sa girlfriend niya.

Kumunot ang noo niya. "We broke up a long time ago."

Tumango tango ako. "So, who's the new victim?" Biro ko.

Ngumiti siya at umiling. "Her name is Stephanie and I call her Chicher," panimula niya.

Stephanie? It sounds familiar.

"But, she's here last night, at mukhang alam niya ang tungkol doon sa engagement," pagpapatuloy niya.

Umupo ako na sinundan din ng upo ni Xav sa tabi ko. Mataman akong tumingin sa dagat. Asul na asul at kumikinang ang tubig mula roon.

"And?"

"Well, I saw her with that guy."

"That guy who?"

"The guy that she met thru Facebook," aniya dahilan para mapalingon ako sa kanya.

Don't tell me may isang baliw pa na talaga namang na-in love thru online? Are you kidding me?

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon