Pakiramdam ko no'n sobrang bobo ko para sa kaniya.

The last thing I want her to do is to push me away because even if it hurts, I will obey. Hindi ko kayang manatili kung nahihirapan na siya sa presensya ko.

Labag man sa loob ko ay binawi ko ang desisyon ko at tinanggap ang offer sa ibang bansa kahit pa malayo ako sa kaniya. Pero pinangako ko sa sarili ko na pagbalik ko, gagawin ko pa rin ang lahat para makuha siya.

Sa pangalawang pagkakataon ay umasa ako ulit na baka sa oras na muling magtagpo ang mga landas namin ay handa na siya para sa aming dalawa.

"Inom ka nang inom, Jai, Aren't you scared for your health? Sige ka, baka pag-uwi mo hindi ka na magustuhan no'ng babaeng gusto mo," saway sa akin ni Krisma. "Do you think may boyfriend na siya ngayon? Kasi sabi mo maraming nagkakagusto sa kaniya. She must be so beautiful that you can't forget about her."

I smiled. "She really is."

Hindi ko kakayaning makita siyang hawak ng iba. It was so frustrating na walang spot ng magandang internet sa Andalusia. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya because it was so sudden.

Walang araw na hindi siya tumakbo sa isip ko. Lagi siyang laman ng utak ko kahit pa may ginagawa akong trabaho. Para siyang may libreng renta roon kaya ayaw niyang umalis. Alam na alam niya kung paano ako guguluhin.

"I admire your good work, Mr. Villaverde. No wonder you're the one they sent here to work with us," said Sir Perez while tapping my shoulder.

It was a job well done and finally I can go home. I can go back to her. To my safe haven. My sanctuary.

A few days before her graduation, I flew back in the Philippines. Only my family know that I'll go back. Sinadya kong hindi ipaalam sa kaniya para masorpresa siya. Thanks to Mil that I have found out she's still into me.

Kasi kahit ako, gano'n din. Sa kaniya pa rin ako.

Secretly, I talked to her mom, Tita Therese.

"Gusto ko po sanang hingin ang kamay ng anak ninyo, tita. Kung inyo pong mamarapatin. Nangangako po akong aalagaan ko siya at walang sawang mamahalin hanggang sa pagtanda namin," sabi ko.

She reached for my hand. "I know you will never fail me, Jairus. Ever since the day she introduced you, I knew you have good intentions for her. Hindi ako para pigilan ang anak ko sa makakapagpasaya sa kaniya. Please take a good care of her. May pagkasuplada lang ang anak ko, pero alam kong mahal ka talaga niya."

"Thank you, tita . . ."

I felt really relieved but I also need the blessing of her father. Kahit ano pang nangyari, tatay niya pa rin 'yon at bilang respeto sa kaniya at hihingi pa rin ako ng permiso. But I was really sure that even if he forbids me, I will still marry his daughter. There is no way I'll let go of her again. Talagang hindi ko na kakayanin.

He was surprised to see me. Nakiusap siya sa aking kung pwede dalhin ko ang anak niya sa kaniya pero hindi ako ang magdedesisyon tungkol sa bagay na 'yon. Nirerespeto ko ang lahat ng gusto ni Kylei dahil gano'n ko siya kamahal.

He also apologized to me. Sa lahat ng mga nagawa at nasabi niya sa akin noon pero wala na sa akin 'yon ng mga oras na 'yon. Ang tanging nasa isip ko na lang ay ang anak niya.

I know I promised her that I will be there on her graduation day and I don't want to break my promise. Sa lugar kung saan hindi niya ako makikita, naroon ako at pinanonood siya.

Ang sarap niyang tingnan na masaya.

That's my girl . . .

I knew you'll make it.

"I'm Krisma, his girlfriend."

Nagulat ako nang sabihin ni Krisma 'yon. Alam kong no'ng mga oras na 'yon ay magkakaproblema na ako kung paano ko siya susuyuin kaya naman pinagsabihan ko ang kaibigan ko.

"Not my fault. You didn't show me her picture. Ganda niya, pwedeng akin na lang?" tanong niya matapos ko siyang pagalitan.

Pinitik ko ang noo niya. "That's the reason why I didn't show her to you. Baka agawin mo pa sa akin. Akin lang 'yon!"

Ang daming nangyari pero sa isa't isa pa rin ang bagsak naming dalawa. Without those happenings in our lives, I don't think we will grow. Kasabay ng mga pangyayaring 'yon, pinatatag din ng panahon ang nararamdaman namin.

I learned a lot because of her.

I am so blessed to have her here. To see her sleeping peacefully beside me makes me feel at ease. Ang banayad niyang paghinga ang nagpapaalala sa aking magpasalamat dahil sa buhay niya. I gently held her eyes, down to her nose, to her naturally kissable lips.

God, thank you for bringing her into my life. Thank you for giving me an angel-like woman I will spend the rest of my life with.

She woke up because of my touches. Before she could speak, bigla na lang siyang naduwal at dumiretso sa banyo. I held her hair to help hair pero wala naman siyang isinusuka. Alam kong magrereklamo na rin siyang masakit ang ulo niya kaya saglit ko siyang iniwan habang naghihilamos siya para kuhanan siya ng tubig.

She always feels sick, and I don't know why.

When I came back, she's smiling sweetly at me. Inabot niya sa akin ang tatlong kulay putting stick.

"Rapid tests? May COVID ka, mahal?" taka kong tanong.

She glared at me. "That's pregnancy tests, Jai. Itago ko kaya sa 'yo ang magiging anak mo?"

I started at the two red lines indicating that she's pregnant. Nanlalaki ang mga matang ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko. Walang pagsidlan ang tuwa sa akin. Isa 'to sa matagal ko nang pinapangarap kasama siya.

"Magiging tatay na ako?!" tuwang-tuwang kong tanong saka niyakap siya nang mahigpit.

"Hindi, driver ka lang namin. Yaya, kusinero, hardinero," biro niya.

I chuckled and showered her kisses. Bumaba ako para halikan din ang kaniyang tyan. "I can't wait to see you and hold you, baby . . ." I kissed her stomach.

Muli'y tumayo ako para halikan siya sa labi. "Thank you, attoney. Thank you for choosing to build a beautiful family with me. Lahat gagawin at ibibigay ko para sa inyo."

Now, I don't only fear losing her. I fear losing them both and our future children.

She’s the epitome of a life worth living.

Without her, it was hard to breathe. If I'm going to have another life, I will always choose to be with her because she is my weapon and my stronghold to go on with my life. She will always be the reason why I keep going. She is my support. My number one factor for everything good that is happening to me.

I fear losing her. Without her in my life, I don't think I'm going to survive. Her love was the exceptional reason why I chose to be here.

I exist because she exists.

THE END

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant