Chapter Fourteen

2.1K 37 13
                                    

After a month and a half, I'm done with my business plan, and I am very excited about it. Ang dami nang pumapasok sa utak ko after planning everything. From the products, packaging, logo, and up to the brand's name.

Sa brand ako pinaka-excited pero kailangan ko munang dumaan sa legal requirements bago ako magsimula sa lahat. Jai knows an excellent manufacturer na ni-recommend sa kaniya ni Tita Meryll dahil kilala niya ang may-ari no'n.

It feels good that I'm enjoying what I'm doing. No'ng una ginawa ko lang 'to dahil wala akong choice, ngayon ginagawa ko na siya dahil choice ko na. I just hope that everything will go as planned . . . at kung hindi, p'wede pa rin namang sumubok.

Life has a lot of trials and errors. Parang sa love. You'll meet a guy, get to know each other, love him, and end up being strangers again until you meet the right man for you.

Susubok para makasiguro . . . hindi lang para manalo kundi para na rin matuto. May oras na madadapa ka at kailangan may lakas ka upang tumayo at magpatuloy ulit dahil kung hindi ka lalaban, matatalo ka.

Just believe that every obstacle that God has thrown in front of you is His way of making you stronger, so that the next step you take, you won't fall anymore. You have a good stand on the ground and a firm grip in life.

But I also believe that you're not always going to win all your battles. You should also accept failures because they are part of our lives. Hindi palaging panalo sa buhay pero ang mahalaga ay lumalaban.

"Wanna unwind?" tanong sa akin ni Jai nang makapasok sa driver's seat.

Katatapos lang namin sa unang legal requirement at napagod na agad kami sa prosesong ginawa kaya naman naisipan naming bukas na lang ulit magpatuloy.

Ang plano ko sana ay uuwi na rin pagkatapos pero mukhang may iba pa siyang gustong puntahan.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Laguna," sagot niya saka tumingin sa akin matapos buksan ang makina ng kotse.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. "Ngayon na?"

Tumawa siya at umiling. "Sa weekend."

Napahinga ako nang maluwag sa sagot niya. Akala ko ngayon na dahil hindi ko naman alam at isa pa, hindi pa ako ready.

I badly want to go out for a trip too, because these past few weeks have drained me. Para akong natuyuan ng utak kakaisip sa mga dapat kong gawin though I enjoyed it.

Nakakatukso ang alok niya kaya sa tingin ko ay wala namang mali kung lumabas kaming dalawa.

"But if you don't want us to be alone, p'wede naman nating isama sila Mil. Wala namang problema," dagdag niya.

I smiled at him and shook my head lightly. "Medyo busy si Mil ngayon dahil sa mga pending projects niya for upcoming ball ng mga artista. I'm fine naman kahit tayong dalawa lang."

"Sila Raya ayaw mo bang isama?"

"Ikaw yata ang may gustong magsama tayo ng iba, e," natatawa kong sabi.

Natawa rin naman siya at humindi. "Baka lang hindi ka komportable na lumabas tayo nang walang kasama."

I just laughed. The truth is, I admire how he thinks that maybe I am not comfortable with it, but I am not. I am completely fine with a setup like this. Walang issue because we're just friends.

Walang problema dahil magkaibigan kami. I don't even care what other people think of us. Hindi naman namin 'yon mapipigilan. Isa pa, wala rin naman dapat silang pakealam.

"Okay lang," sagot ko sa kaniya. "Our friends are kinda busy rin naman. G ako sa weekend. Magpapaalam lang ako sa parents ko."

He smiled genuinely at me . . . na para bang sa sinabi ko ay nanalo siya ng jackpot prize sa lotto. His smile was so bright that it was good to stare at it. Nakakahawa ang ngiti niyang 'yon kaya unti-unti ay sumilay rin ang ngiti sa labi ko.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now