Chapter Thirty-five

1.7K 23 0
                                    

I let him leave because he was right, I was the one who wants him to take it. Wala akong karapatang pigilan siya pagkatapos ng mga sinabi ko. I have to understand him just like how he understands me. It’s for our own good, at kung talagang kami ang para sa isa’t isa, mangyayari pa rin naman ‘yon kahit abutin pa ng ilang taon.

Hinayaan ko siyang umalis even though I need him as my support. He was not here when I needed him the most, pero wala akong karapatang isumbat ‘yon dahil unang-una, ako ang may gustong umalis siya. Nawalan ako ng oras magmukmok dahil abala ako sa pag-aaral at pag-aalaga kay Reneil.

Craniotomy, but even though the surgery will be successful, it has a tendency that the brain tumor will occur again after some years. Gano’n daw talaga sabi ng doktor na humahawak kay Reneil ngayon. Pinaghahandaan lang namin ang surgery niya. We need to make sure that he and his body is ready before he undergo. He needs to be healthy kaya iyon ang ginagawa namin ngayon. Sinisigurado kong malakas siya bago sumalang sa operasyon.

Kung pwede nga lang na bantayan siya buong araw ay baka ginawa ko na, kaso finals na at malapit na akong mag-4th year. Mas lalo akong nagiging busy at nahihirapan akong hatiin ang oras ko pero mabuti naman kinakaya ko pa rin kahit papaano.

Nag-uusap pa rin kami ni Jai but we only have limited time because of our time difference. He still makes sure to update me kapag may oras siya, gano’n din naman ako, pero minsan din ay nakakaligtaan ko na sa sobrang pagod ko. Minsan para na akong tuliro at wala sa sarili.

Iniisip ko na kailangan din sana ni Reneil ng suporta ng magulang pero ni hindi man lang maitanong ni mommy kung kumusta na ba siya. If she wants to check on my brother, matagal na sana niyang ginawa. Kahit ‘yong kapatid ko na lang sana ‘yong maalala niyang dalawin sa bahay o kumustuhin, pero ni anino niya wala. Wala rin kahit isang tuldok na message kay Reneil.

Siguro nga masaya na talaga siya sa buhay niya.

Ayaw rin naman ipasabi ni Reneil sa kaniya ang tungkol sa kaniya. Ayos at kuntento na raw siyang nandiyan ako para akayin siya. Hindi niya na raw kailangan ng ibang tao dahil sapat na ako.

Kahit na gano’n ang mga sinasabi ni Reneil, alam kong may parte pa rin naman sa kaniya na umaasa. Hindi gano’n kadaling malimutan ang lahat, kahit taon na ang lumipas ay alam kong may sama pa rin siya ng loob, pero hindi niya maitatagong minsan ay nami-miss niya rin ito.

Sometimes when he’s sleeping, he calls mommy.  Ang sakit para sa aking marinig na hinahanap niya ‘yong taong wala. Ang sakit marinig na kahit hanapin niya, hindi pa rin magpapakita kahit ilang beses niya pang tawagin. Clearly because she chose her own life already, and it’s not with us.

Masakit, pero gano’n naman talaga ang buhay.

“Kinakabahan ako, ate . . .” sabi ni Reneil sa gilid ko.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Three days from now ay surgery niya na. Alam ko namang kakayanin niya dahil malakas siya pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Hindi ko lang ‘yon pinapakita sa kaniya dahil hindi naman makakatulong.

Katatapos ko lang mag-enrol pagkatapos ay dinala ko na rin siya ito sa private hospital na ni-recommend ni Dr. Soriano. Kailangan na kasi niyang ma-check at para makita rin kung handa na ba siya.

“Tatagan mo ang loob mo ha? Matatapos din ‘to at babalik din sa normal ang lahat. Basta kumapit ka sa akin,” nakangiti kong sabi para palakasin ang loob niya.

He’s already a teenager but he will always be my baby.

Kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya. Ilang araw pa naman pero ngayon pa lang, hindi na kami mapakali parehas. It’s a good thing na bakasyon pero dapat by now ay nagbabasa na ako ng advance pero isasantabi ko na muna ang pag-aaral dahil mas kailangan kong bantayan ang kapatid ko.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now