Chapter Eleven

2.3K 45 7
                                    

Reading a case like I'm already an attorney who has an appointment later, tuloy-tuloy kong binasa ang isang testimony ng isang biktima na sikat ngayon online. It was open in public kaya naman malaya ko itong nababasa ngayon.

The victim was raped and physically abused by her own husband. For four years, she stayed. Not until she got a miscarriage when she fell down from the stairs. Kagagawan na naman iyon ng gago niyang asawa dahil tinulak siya nito matapos siyang pagbintangan na meron siyang ibang lalaki. Sa loob ng ilang taon nilang pagsasama, iyon ang lagi nilang pinag-aawayan; meron siyang kabit.

She doesn't have any. Sadyang grabe lang magduda ang asawa niya. Nagkamali siya ng pinakasalan because she believed that he will still treat her they way he had treated her the first time. Totoo ngang sa una lang perpekto ang lahat. Sa una lang masaya.

She believed he was the perfect guy for her . . . not until he changed.

Clearly, he's guilty but because of his family's influence, nahihirapan silang kalabanin ito. Dahilan na rin kung bakit natagalan siyang magsumbong. Natatakot siya sa maaaring mas malaking mangyari sa kaniya . . . o mas malala ay madamay pa ang pamilya niya.

"I noticed you love reading cases." Jairus suddenly appeared from behind.

Agad ko siyang tiningnan. Napaayos ako ng upo. "Kanina ka pa?"

He nodded. "For almost five minutes, I just watched you, noticing that you really paid all your attention to your laptop. 'Di mo napansing nandito na ako."

I pouted. "How did you know I love reading c-cases?"

"I notice everything, Ky. I pay attention, especially to a person who's really special."

Pakiramdam ko'y pamumulahan ako ng mukha sa sinabi niyang iyon. Tumikhim ako at in-exit na ang tab kung saan ako nagbabasa upang mawala na roon ang isip ko. Siguro'y sa bahay ko na lang itutuloy.

"D-dami mong sinasabi," nasabi ko na lang.

Ngumisi siya. "Eh bakit ka nauutal?"

I rolled my eyes at him which made him chuckle. Tumikhim ako at pinakita sa kaniyang seryoso na ako dahilan para huminto na siya sa pagtawa.

"Should we start, Mr. Villaverde?" I teased.

He pouted and that made him look freaking cute.

Ah, this is bad!

"Too formal, Miss De Vega." He then shook his head lightly. "Magsimula na nga lang tayo."

Binuklat niya ang folder na hindi ko napansing dala niya pala kanina. Iyon din 'yong folder na ipinadala ko kay Mil no'n kaya alam kong naroon 'yong listahan ko.

He showed it to me at nakita kong may mga sulat na 'yon. Puro bura at 'yong iba may mga note sa gilid.

Pito ang nasa listahan ko, lima roon ang naka-ekis sa kaniya. 'Yong isa may mahabang nakasulat.

"In your list, my family told me that only two might succeed if you'll try." Tumingin siya sa akin, maya-maya ay nagsalubong ang kilay. "Ay, teka. Order muna pala ako," pagputol niya.

Nailing na lamang ako sa kaniya. Nag-order na rin ako ng cheese croissant at Vietnamese coffee. Gusto kong subukan magkape ngayon at baka makahiligan ko rin.

Hindi naman por que ayaw ni Daddy na mag-abogado ako'y titigil na ako sa pagsubok. Maybe if I have proven myself enough to him and I already have the courage to choose my own way, I'll do what I want to do with my life. At kahit ayaw niya, wala nang makakapigil sa akin.

Kaunti pa . . . susugal muna ako.

When our order was served, I looked at what he ordered. Parang mas gusto ko 'yong chocolate croissant niya kaysa sa akin na cheese.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now