Chapter Thirty-seven

Start from the beginning
                                    

I shook my head and smiled. “Hindi pa naman, pero sana hindi ka na nag-abala. Sapat na sa ‘king nagpakita ka pa rin sa graduation ko.”

Maybe I just need a proper closure before I can go on with my life . . . without him . . . without the man I loved so dearly.

“Are you ready for a long drive?” he asked.

Long drive with him. Just enough time to talk about what happened to us. Enough time to get a proper goodbye.

“Hindi ka ba hahanapin ng girlfriend mo?” maingat kong tanong.

Tumawa siya nang mahina. “You never really know me, Ky. She’s not my girlfriend. Let’s go!”

Hindi ko siya kailanman nakilala? Talaga bang hindi? Talaga bang hindi ko nakuhang kilalanin siya sa ilang taon na magkasama kaming dalawa. Do I really failed to know him well? Napayuko ako habang nakasunod sa kaniya. Ang dami ko pa pala talagang hindi nakuhang alamin tungkol sa kaniya.

Magkaiba talaga kami. Kung siya konting kibot ko lang ay alam niya na ang dahilan kug bakit, ako naman hindi ko makuhang maintindihan siya agad. Siguro nga nabigo ako. Siguro nga hindi talaga ako ang para sa kaniya. Baka may iba pang babae na lubos siyang maiintidihan.

But then I felt relieved to know that Krisma is not his girlfriend.

He didn’t open the door of his car for me. It was the first time, and I can’t help but feel sad. Nang makapasok ako at makapag-seatbelt, nagtataka siyang nakatingin siya sa akin.

“You won’t drive your car?” he asked.

My brows met. “Should I?” I asked pero hindi ko na rin siya hinintay sumagot.

I unbuckled my seatbelt and get out of his car. Narinig ko pang tinawang niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Mahal ko siya pero may respeto pa rin naman ako sa sarili ko. Kung ganiyan na siya sa akin ngayon, wala na akong magagawa.

Pumasok ulit ako at pumunta sa garahe para kunin ang sasakyan ko. Nakita ko siyang sumunod pa pero binusinahan ko lang siya. Nang mailabas ang kotse ko, nasa labas na ulit siya ng kotse niya. I saw a glimpse of regret on his face but I didn’t think about it. I pressed my horn twice para sabihing umalis na kami. Nag-aalangan naman siyang sumakay ulit at pinaandar ‘yon. Sinundan ko lang siya.

Nagbago na talaga siya. Hindi na siya ‘yong lalaking minahal ko at kailangan ko nang tanggapin ‘yon. Siguro nga kailangan ko na talaga siyang kalimutan.

Hindi ko alam kung saan kami papunta pero ayaw ko na ring magtanong at basta na lang siyang sinundan. Trenta minutos pa lang yata kami sa daan, huminto na siya sa gilid. Sa tapat ng isang restaurant na minsan na rin naming kinainan. Kinatok niya ang salamin ko nang bumaba siya.

“Let’s eat first,” he said.

Hindi na ako nagsalita o umangal man lang, bumaba na lang din ako. Nananahimik lang ako sa buong oras na kumakain kami. Gano’n din naman siya. I wanted to ask him how was he when he’s in Spain pero pinangungunahan ako ng pride ko. Ni hindi niya rin naman ako tinanong kung kumusta ako. Hindi niya alam ang mga pinagdaanan ko no’ng mga panahon na wala siya at ganoon din naman ako sa kaniya.

Hindi ko alam na may mga pagkakataong hinahanap-hanap ko siya dahil sobrang kailangan ko siya.

Parang ang dami naming gustong sabihin sa isa’t isa pero walang nagsasalita sa amin hanggang sa matapos kaming kumain at bumalik na ulit sa kaniya-kaniya naming kotse.

Tumuloy kami sa biyahe. Naging pamilyar sa akin ang daan nang maalala na dinaanan na namin ito papunta sa Laguna. Mukhang doon ang punta namin at hindi nga ako nagkamali. Nadaanan na namin ang farm na pinuntahan namin pero hindi kami huminto. Pumasok kami sa napakalaking gate na kulay itim at hindi pa naman malabo ang mata ko para hindi mabasa ang nakalagay sa itaas ng gate na ‘yon.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now