Chapter Thirty-seven

Start from the beginning
                                    

Kaming dalawa na lang ni Raya ang naiwan sa mesa. Tuloy-tuloy lang din ang pag-inom niya pero mukhang hindi naman siya tinatamaan. Parang mas matindi pa yata ang sakit na nararamdaman niya kaysa sa akin.

“Do you want to cry?” bigla akong tinanong ni Raya.

Her question was like a trigger to push me show my emotions that bottled up inside me. Para akong pinitik para ilabas ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan kasi kailangan masaya ako ngayong araw.

Nang mapansin niyang paiyak na ako, agad siyang lumipat sa tabi ko at hinaplos ang balikat ko. Nagtuloy-tuloy na sa pagbuhos ang mga luha ko.

I hoped that’s why I got hurt.

Umiyak lang ako nang umiyak sa kaniya. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero sapat na akin ang presensya niya. I don’t need some advice, I just need someone who will listen and let me cry.

It’s a good thing wala na rin ang iba kong mga bisita. Wala nang makakakita kung gaano ako ka-cry baby ngayon.

She stayed for me until I don’t have tears to cry anymore. Nang mahimasmasan ako, nagpasalamat ako sa pananatili niya.

“I will always be here if you need a friend, Ky. Makikinig ako,” sabi niya.

No’ng gabing ‘yon, akala ko wala na akong mailuluha pa pero nang makapasok ako sa kwarto at ako na lang mag-isa, kusa na lang tumulo ang mga luha ko.

He’s here. He’s home, but not for me anymore.

Do I need to forget him already? Ayoko. Hindi ko kaya.

He was the one who made me feel so loved and appreciated. Mahirap makabangon sa pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin. He was the one who used to wiped and dry my tears, but now he’s the reason behind my sorrow. Pero alam kong kahit siya ang may dulot nito, siya rin ang tanging makakapawi, kaso mukhang hindi na pwede. Hindi na pwede dahil meron ng iba.

Hindi na ako. Hindi na magiging ako.

Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak. Nagising na lang ako nang may kumatok at narinig ko ang boses ni Reneil.

“Ate, someone’s looking for you downstairs. Mag-ayos ka na dahil aalis daw kayo,” sabi niya mula sa labas.

Pupungay-pungay ang mga mata ko nang magdilat. Pakiramdam ko ay sobra itong namamaga dahil sa pag-iyak. Kahit inaantok pa ay bumangon ako. Wala akong maalala na may lakad ako ngayong araw kaya naman nagtataka ako.

Naguguluhan man ay naligo ako at nag-ayos. Baka lang may nakalimutan akong gagawin ngayong araw. I wore a short skirt and a white top and just partnered it with a white sandals from Calvin Klein. Hindi na lang din ako masyadong mag-ayos dahil baka kanina pa naghihintay ang tao sa baba. I just let my long hair down.

Sinusuot ko ang hikaw pababa nang dumako ang tingin ko sa taong naghihintay sa akin sa tanggapan. Bahagya akong nagulat nang makita siya. Malalim ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Bumagal ang paghakbang ko.

“Jairus . . .”

Gosh, his names was almost unfamiliar for my tongue. Hindi ako sanay na tinatawag siya nang buo. Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Hindi pa naman siguro ako huli para ibigay ang regalo ko sa ‘yo, ‘di ba?” tanong niya sa akin.

Para akong nagyelo. Wala namang masama sa sinabi niya pero wala na roon ang bakas ng pag-iingat sa mga salitang nais niyang sabihin sa akin. Talagang nagbago na siya. Binago siya ng panahon at marahil siguro ako rin ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay may harang na sa pagitan naming dalawa. There’s already a wall between us that don’t allow us get near each other again. Hindi ko alam kung kaya ko bang alisin o akyatin man lang pero susubukan ko.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now