She makes me feel appreciated, and even when I'm not talkative, my presence alone is enough for her.

She's the first one who has ever listened to my words, tales, and thoughts, and she also understands my silence.

I can't help but smile.

Napaayos ako ng upo nang maramdaman ang mapanuring titig ni Belle habang kumakain ng junk foods.

"Ba't ka ngumingiti?" Her eyes squinted.

"May naalala lang. . ." pati si Eira napalingon sa 'kin habang abala si Mel sa panonoorin. Lumipat siya sa tabi ko. 

"Gusto mo?" She offered the chips.

"Salamat pero iwas junk food muna ako."

"Ah talaga? Huwag kang kukuha ng fries mamaya ah? Para iwas fastfood." 

"Buti pinaalala mo!" Melian stood in an instant, bumalik siya sa kusina.

"Ano'ng papanoorin natin? Horror ba? Thriller?"

Kinuha ko ang remote sa lamesa. "Parasite? 'Yung korean movie? Maganda raw 'to." 

Belle nodded. Bumalik din si Eira sa kusina para umalalay kay Mel. 

"Alam mo Jin, nagtataka ako. Bakit horror tawag sa nakakatakot na movie." Nasa baba niya ang hintuturo, halatang nag-iisip. 

Just how innocent my friend is.

"I don't know, but the people who made those terms are genius. Akalain mo 'yun naka-imbento sila ng mga salita dati." 

"Hindi mo pa sinasagot 'yung sinabi ko kanina,"

"Alin do'n?"

"Sabi ko sabay tayong mag-lunch sa wednesday."

"Wednesday? Hindi ako pwede e." Napahimas ako sa batok, napaayos ng upo si Belle.

"Bakit?" Her brows furrowed.

"Hindi ako kakain sa university that day, may pupuntahan ako." Mas lalo siyang nagtaka.

"May pupuntahan kami ni Jin." Eira gave me a look that says na sakyan ko na lang siya. Bitbit niya ang fries habang si Mel naman ay ang kikiam at fishball.

"Talaga saan?" Belle's curiosity is inevitable. 'Di siya titigil hangga't walang sagot na nakukuha, hindi mo mamalayan mapapaamin ka na lang.

"Something important," Eira sat beside me.

"E'di dapat kasali ako, friend niyo rin naman ako ah?" Belle pouted. "Alam niyo last time pa kayo ganiyan. Bakit parang ayaw niyo ako kasama?"

"Gusto ka namin kasama," depensa ko. "Noong sa cafeteria hindi namin 'yon sinasadya, sa shop sana kami kakain no'n pero inaya kami e. Tapos sa Wednesday. . . hindi talaga si Eira ang kasama ko, may kasabay akong iba."

"Sino?"

Melian laughed. "H'wag na magtanong. . ."

"Sino nga kasi?"

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now