34

90 4 1
                                    

STELL POV

***********

Pagkatapos namin mag usap ni pau ay bumaba na kami ng rooftop dahil mainit na rin at lunch time na.

Habang naglalakad kami patungo ng cafeteria ni pau ay nakita namin si jah at josh na patungo sa amin! Pero pansin ko ang ibang sparks sa dalawa parang may hindi ako alam! Kaya huminto kami para hintayin sila.

Nang makalapit na sila sa amin ni pau ay agad akong tumabi kay jah at bumulong, "May nangyari bang maganda? Bakit magkasabay kayo?" tinusok tusok ko ang tagiliran ni jah.

"Kayo rin ni pau a, bakit kayo magkasama?" pakss wrong question kasi Stell! Yan tuloy na savage ka ni jah

"Nag usap lang kami!" Sabi ko pero si jah ayw yatang maniwala dahil nakatingin ito sa akin habang naka taas baba ang kilay.

"Kayo anong Meron!"Tanong ko ulit Kay jah

"Maya I kwento ko, pero Kain muna tayo! hehehe!" Kaya naglakad kaming apat patungong cafeteria.

Pagdating namin sa cafeteria ay nakita ko agad si Ken at Cheska nag susubuan habang kumakain! Nasaktan ako pero hindi ko pinahalata pero kahit anong pilit kong hindi masaktan ay kusang tumulo ang mga luha sa aking mata.

"Stell! Bakit ka umiiyak?" tumingin Naman silang tatlo kung saan ako nakatingin!

"Halita kana Stell!" Agad akong hinatak ni josh palabas ng cafeteria pero patuloy pa rin tumutulo ang luha ko! 

Hindi ko na pansin ay nasa dorm na kami ni jah! Iyak lang ako ng iyak Hanggang dito! Ang sakit naman, Ken! Ganoon ka ba dapat mahalin, masasaktan muna?

"Seeeshhh! Stell tanan na kumain ka muna!" ikatlong subok ni jah na pakainin ako, pero wala akong ganang kumain!

"Stell bakit di mo sinabi sa akin?" malungkot na Sabi ni jah sa akin. Kahit pa Sabihin ko sa kanya ay wala rin siyang magagawa!

"Stell may sasabihin kami sayo. Pero sana makinig ka!" tumango ako habang umiiyak.

"Si Ken at Cheska ay ikakasal na sa susunod na buwan! Matagal na Silang mag fiance!" mas na saktan ako sa sinabi ni jah!

"Bakit ngayon mo lang sinabi, jah? Kung kailan hulog na hulog na ako kay Ken?"

"dahil siguro hindi na iyon importante sayo! Pero sorry kung ngayon kulang sinabi! Akala ko kasi sadyang Galit kalang Kay ken Kaya ka lumalaban sa kanya!" totoo Naman eh, kasalanan ko rin! Nahulog ako Kay Ken ng hindi sinasadya.

"Naiintindihan ko jah! Kaya wag kang mag alala, hindi ako galit sa inyo!" ayukong sisihin Sila sa nangyayari sa akin, dahil kasalanan ko rin naman 'to.

"Josh! Pwede mo ba akong ihatid sa bahay! Ayuko na muna pumasok! Jah ikaw nalang ang magpaalam sa mga teacher na'tin!" tumango si jah  sa sinabi ko.

Kahit mugto ang mga mata ko ay wala akong paki-alam sa mga matang nakatingin sa akin! Nakalapit ako sa braso ni josh habang si jah nasa Kanan ko, si pau ay nasa likod namin.

Pagkarating namin sa parking lot ay agad kong sinuot ang helmet sa ulo ko! Pau insisted na sa kotse nalang sana pero tumangi ako! Ayukong mas mahirapan pa ako. Pagkarating namin sa labas ng bahay ay nagpaalam na si josh at pumasok na ako sa loob pero mabuti nalang Wala si mama, ayaw kung makita ni mama na umiiyak ako. Kaya dumiretso ako sa kwarto at doon umiyak.

Adamson High (Completed)Where stories live. Discover now