Chapter 6

88 5 1
                                    


Stell POV

Ang ganda talaga ng school na ito. Siguro kung anak mayaman lang ako, nakapag aral ako dito ng hindi nahihirapan, kaso mahirap lang kaya kailangan kung maging scholar para makapasok sa paaralan na ito.

Naglalakad lang ako dito sa hallway ng biglang nabangga ako ng  isang lalaki, napa upo ako sa lupa dahil sa lakas ng pagkakabungo niya.

Tatayo na sana ako ng ilahad ng lalaki ang kamay niya kaya kinuha ko ito at tumayo. Pinagpagan ko ang pwet ko,habang nakatingin sa lalaki. Natulala ako sa lalaking kaharap ko.

"I'm sorry, I'm in rush! pasensya na!" tumakbo na ito pa alis. Nakasunod lang ang tingin ko sa lalaki habang tumatakbo palayo. Ngayon lang yata ako naka kita na taong perpekto, ang kinis ng balat, matangos ang ilong, ang ganda ng mata! at parang mayaman pa, siguro dito nag aaral yun!

"Di ko manlang na tanong pangalan niya!" haysttt sayang.

Naglakad na lang ulit ako para hanapin ang Library ng school, pagtingin ko sa relo ay hala! almost one hour na pala ako nag lalakad, di ko manlang namalayan ang oras.

Tumakbo na ako pabalik ng examination room, dahil baka tapos na ang lahat sa exam. Tama nga ang hinala ko, tapos na nga!. Agad kung hinanap si josh, pagtingin ko sa unahan ay nakita ko ito! Kaya lumapit ako sa kanya.

"Josh!" bulong ko.

"Ba't ngayon kalang, kanina pa tapos ang exam!" Tanong niya habang nakatingin sa loob ng checking  room.
Isang transparent room form of glass and may tv din sa labas ng room para makita ang result ng exam. Ganito ka advantage ang Adamson high kumpara sa ibang school.

"Naglibot libot lang muna ako! kaso di ko namalayan ang oras hehe! pasensya na!" Sabi ko sa kanya, ang sarap kasi ng atmosphere dito sa loob ng school.

Hindi na ako binalingan ng tingin ni josh, tumingin na din ako sa checking room. Ilang minuto na ang hinihintay namin pero hindi pa rin lumalabas ang mga pangalan ng mga pumasa ng exam. Kinakabahan na ako, kahit alam ko na pasado ako dahil naniniwala ako sa kakayahan, di pa rin ako sigurado.

Isa isang lumabas sa tv ang mga pangalan na pumasa ng exam pagtingin ko sa unang lumabas shocked it's me,
"Stell congrats! Ikaw ang nag top ng exam!" niyakap ako ni josh.

"Congrats din sayo! akalain mo nakapasa ka!" Nag top 11 si josh sa isang daang sumubok ng exam. May utok din pala ito pag seryuso.

"All the 1000 examiness, only top 20 examiness lang ang nakapasok sa average na 95%!" announce ng host sa loob ng checking room.

"All the top 20 examiness please proceed to the gymnasium! We will gathering there!" Sabi ng host.

Umalis na kami sa labas ng examination room, sumunod kami sa staff ng school para magpunta sa gymnasium, ang lawak pala ng school na ito, siguro wala pa  sa kalahati ang pinasyal ko kanina.


Adamson High (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα