22

75 6 1
                                    

STELL

***********

Pumasok na ako sa unang klase, mabuti na lang walang ken, ang pumasok, parang nakahinga ako ng maluwag.

Habang nagbabasa ako ay biglang tumabi si jah sa akin! Ano kaya ang sadya ng isang 'to.

"Stell? Sabay tayong mag lunch mamaya!" bakit Kaya!

"Sure! Dalawa lang naman kami ni josh ang kakain mamaya!" si josh lang naman ang parati kung kasama.

"Sige! Sabay tayo mamaya!" umalis na si jah sa tabi ko, parang nakangiti si jah habang naglalakad! Ewan ko, parang guni guni ko lang.

Natapos na ang unang klase, at Hanggang ngayon wala pa rin si ken! Mabuti na 'yon para walang asungot.
Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa dahil wala pa ang teacher para sa sunod na subject.

Lunch time na at hanggang ngayon wala pa rin Ken ang nang bwebweset! Bakit ko ba iniisip ang monsters na 'yun! Haysstt! Kainis bakit ba ako nagkaka ganito?

"Stell okay ka lang?"nakalimutan kung kasabay ko pala si jah, para puntahan si josh sa building niya.

"Ahh oo may iniisip lang,hehe!" sagot ko, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang monster na 'yon! Ano ba yan.

Nag patuloy lang kami ng paglalakad ni jah! At sa wakas nandito na rin kami, kapagod! Nakita namin agad si josh na tumatakbo patungo sa direksyon namin. Parang masaya ang isang josh, bakit kaya!

"Hi!" tanging nasambit ni josh kay jah, parang akward ang loko! HAHA

"Hi!" sagot naman ni jah! I feel something fishy! parang may iba akong nararamdaman sa dalawang 'to HAHAHA

"whoah ohh! Nandito po ako?" nag katitigan ang dalawa, parang sila lang ang tao dito ah! Sabi ko na nga ba eh! matual ba? haha

"Wuyy! Ano magtitigan na lang ba tayo dito ha?" ulit kung sabi! para kasing walang balak tumigil ang dalawang 'tong magtitigan!

Bahala sila sa mga buhay nila, naglakad na ako pa alis sa dalawang mutual. Nagugutom na ako! Maglandian sila doon, Basta ako lalandiin ko ang pagkain!

Nasa cafeteria na ako pero ang dalawang 'yon wala pa rin, bahala sila. Papasok na sana ako sa loob ng cafeteria pero biglang humarang si Pablo sa harapan ko! Ano bang problema ng isang 'to. Kung wala ang monster, ngayon ang mr. yabang naman,errrr kainis na gugutom na ako!

"Ano bang problema mo ha!" hayssttt! Nagugutom na talaga ako, ano ba ang problema ng isang to.

Dahan dahan itong lumapit sa akin, Akala ko ay may gagawin ng masama pero may kinuha lang pala itong papel sa likuran ko! Hayss papel lang pala, Akala ko kung ano na!

"Hindi mo yata na malayan na pinagtatawanan kana ng mga estudyante!" pagtingin ko sa paligid ay totoo ngang pinagtatawanan ako!

Kinuha ko ang papel sa kamay ni Pablo. Binuklat ko ang papel at  nanlaki ang mata ko sa nakasulat.

"I'm gay!" sinong tarandado ang naglagay nito sa likod ko. Ang galing niya di ko manlang namalayan.

Hinarap ko si Pablo dahil alam kung siya ang may gawa nito! Nagkunwari lang ito na tulungan ako para mag mukhang mabait.

"Ikaw ang may gawa nito diba?" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito. Pero hindi mo makikitaan ng kahit anong emosyon ang mga mata nito.

"Next time, watch your back!" pagkatapos niya iyon sabihin ay umalis na! Ang yabang talaga, hindi manlang sinagot ang tanong ko.

Hindi ko na siya hinabol dahil gutom na talaga ako, haysstt asan ba kasi ang dalawang Yun! Pumila na ako at nagbayad.

Lumapit ako sa bakanteng lamesa, at sinumulan kunang kumain. Habang kumakain ako ay dumating si jah at josh na may dala ng pagkain! Umupo na ito sa bakanteng upuan.

Adamson High (Completed)Where stories live. Discover now