26

86 5 3
                                    

KEN

********

Nainis ako sa ginawa ni Stell Kay Cheska. Sino ba siya sa inaakala niya para sagutin ng ganoon si Cheska!

Pagkatapos namin kumain sa cafeteria ay tumambay muna kami sa tambayan namin, pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang inis ko Kay stell, humanda siya!

Napag buntungan ko ng Galit si Max dahil sa init ng ulo ko. Si pau ay hanggang ngayon pala pa dito sa tambayan, pansin kung madalas Hindi kasama ng grupo! Umalis na ako ng tambayan dahil sa init ng ulo ko, pero di ko alam kung San ako pupunta Kaya nagtungo nalang ako ng classroom, pero pagdating ko nakita ko si jah at Stell na nag uusap, Hindi ko na sana sila papansin pero may part sa akin na naiinis! hayssttt, kainis. Kaya pumasok ako ng classroom at nagtungo sa dalawa.

"Sinong nagsabi sayo na pwede kang umupo sa upuan ko?" Galit kong sabi kay jah, napatayo naman agad si jah sa upuan, pansin kung natakot ang dugyot sa akin! aba dapat lang!

"Ako! Bakit? wala ba akong karapatan para umupo,ken?" madiin na sagot ni jah, aba tumatapang na ang isang 'to. Kahit Kapatid ko siya ay papatulan ko siya.  Pero hindi ngayon jah,may Araw ka din. Tumingin ako kay Stell na nakatingin sa amin. Aba! Mukhang nag enjoy ang isang to.

"Ikaw?" tawag ko sa kanya, napatayo si Stell sa pagkakaupo dahil sa pagtawag ko sa kanya. Mukhang takot ang dugyot! Dahil na ninginig ang dalawang kamay niya bago humarap sa akin.

"Bakit?" aba! mukhang lalaban. Kahit mag tapang tapangan siya sa harap ko alam kung takot ito sa kayang kung gawin!

""Ken, Hindi si Stell ang kaaway mo! Kaya wag siya ang harapin mo" Hindi ko binalingan ng tingin sa jah, kundi mas nainis ako Kay Stell! bakit ba siya pinuprotekhan ng kapatid ko! bweset.

"Pumunta ka sa lobby ng school! Dahil kung hindi, Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko." madiin kung tingin sa kanya. Naiinis ako kay jah, bakit ba ganoon siya kay Stell?

Naiinis ako sa sarili ko, bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kung magkasama si jah at Stell! Bweset, wag mong sabihing nagseselos ka sa kanila? Putcha naman ng iniisip ko, wag mong sabihin na gusto mo ang lalaking Yun,Ken? Hayssss nababaliw na talaga ako, ano ba 'to. Dahil sa Galit ko ay tinandyakan ko ang basurahang nakikita ko.

Bumalik ako sa tambayan dahil nawalan na ako ng ganang pumasok, Agad akong pumunta ng kwarto para magpahinga, pero huminto muna ako sa harap ng dalawang mukong na naglalako ng vedio games.

"Gisingin niyo ako ng 3:30, dahil kung hindi ay magsisi kayo!" tumango ang dalawa sa sinabi ko! Aba dapat lang, baka hindi na sila makalakad sa gagawin ko.

Umalis na ako sa tapat ng dalawa napatingin ako sa pwesto ni pau, at natutulog ito, mukhang may problema ang isang 'yon. Kilala ko na si pau, madalas itong matulog, kung may iniisip siyang problema na mahirap para kanya solusyunan.

Nilagpasan ko nalang si pau habang natutulog, naglakad na ako patungong kwarto,pagdating ko ay nahiga ako ng kama. Habang nakatingin ako sa kisame ay biglang nag flash ang nakangiting Mukha ni Stell sa isip ko! Ano bang nangyayari sa akin bakit iniisip ko Stell! Haystt makatulog na nga.

Nagising ako dahil sa katok ng pinto, Tumayo ako ng kama para buksan ang kumakatok. Bweset natutulog ang tao!

"Bakit ba?" Galit kung tanong sa taong kumakatok ng pinto. Pagtingin ko ay si Cheska, kaya hinayaan kong bukas ang pinto para makapasok siya.

"High blood mo naman ken!" lumapit ito sa akin at humalik sa labi ko. Kaya tumugon ako sa halik niya. Pero biglang may nagsalita sa may pinto.

"Oppsss sorryy! Wala akong nakita!" patay malisya na Sabi ni Max, Kaya bumitaw na ako sa pagkiki pag halikan kay Cheska. Hahalik pa sana si Cheska sa akin ay pinigilan ko na siya! Hindi pa kami kasal para gumawa ng ibang bagay.

Lumabas na ako ng kwarto ng hindi ko pinansin si Cheska, ramdam ko ang pag sunod Niya sa likod ko! Kung Hindi lang sa Arrange marriage na yan ay di ko papatulan si Cheska. Hindi ko Mahal si Cheska, parang Kapatid lang ang turing ko sa kanya, kaya pinuprotekhan ko siya bilang kapatid at kaibigan ni Sam.

Umalis na ako ng tambayan ng Hindi sila pinapansin, ramdam kung sumunod ang tatlo at si cheska. Kaya agaw pansin ang paglalakad namin, at may ibang estudyante ang nagtitilian.

Pagkarating namin sa lobby ay Hindi nagtagal ay dumating din si Stell kasama si jah at ang kaibigan niya. Pansin ko ang tinginan ni Stell at kaibigan niya, para naiinis ako dahil sa closeness nila. I don't know pero naiinis ako.

"Now!" Sigaw ko sa dalawang estudyante na inutusan ko kanina bago bumalik ng tambayan! Pagtingin ko kay stell ay parang dugyot na walang nag mamay Ari, pero parang na konsensya ako sa ginawa ko.

Unti unting lumapit si Stell sa pwesto namin na puno ng basura ang buong katawan, pansin ko na dahan dahan iniipun ang mga papel sa kamay niya.

Huminto siya sa paglalakad sa harapan ko, at itinapon sa akin ang papel na nasa kamay niya! Hindi ako nagpatinag sa ginawa niya. Susugurin sana siya ni cheska pero pigilan ko si cheska.

Unti unti akong naglakad sa kanya napaatras naman si Stell nagkatitigan kami pero si Stell ang unang bumitaw sa pakipagtitigan.

Nang nakalapit na ako ay unti unti kung nilapit ang Mukha ko sa kanya, napaiwas siya ng tingin sa akin! at bumulong ako!

"Humanda ka!" tinulak ko siya ng malakas, pero nasaktan ako sa ginawa ko Kay stell.  Pero deserve niya yon dahil sa ginawa niya. Inalalayan ni jah at kaibigan niya sila si Stell, na makatayo sa pagkakalagapak sa sahig! Na konsensya ako sa ginawa ko dahil kita ko ang sakit sa Mukha ni Stell.

Lalapat pa sana ako sa kanila ay biglang akong pinigilan ni Pablo! Nainis ako sa pagpigil ni Pablo, kaya umalis ako sa lobby, at Hindi sila pinansin.

Pagdating namin sa tambayan ay bigla kung hinarap si Pablo na galit! Sino siya para pigilan ako sa gagawin ko kay stell! Mas nainis ako dahil kita ko sa mata ni Pablo ang inis!

"Bakit mo ako pinigilan ha?" bweset, ngayon lang nanyari to sa amin ni Pablo! Sa dami ng binully ko dito sa school, Kay Stell lang siya naging concerned.

"Hindi na kasi tama ang ginawa mo ken" matalim na sagot ni pau, walang nagpapatalo sa titigigan namin.

"At bakit ka naman nakikialam sa gagawin ko kay stell? Bakit gusto mo siya ha?" Tanong ko sa kanya ng deritso pero hindi pa rin bumibitaw si pau sa tininginan namin.

"Sige Sabihin na natin na gusto ko siya! May magagawa ka ba ken? All those years na pagkakaibigan na'tin hinahayan kita sa pan bubully mo.  pero not now kay Stell! At subukan mo ulit na saktan siya, ako ang makakalaban mo." Huling sinabi ni pau, aalis na sana siya ng mansion pero nag salita ako.

"Pag lumabas ka ng pinto na niyan pau, kalimutan mo nalang ang pagkakaibigan na'tin!" may sinasabi si Max at Sam, pero hindi ko sila pinansin.

Lumabas si pau sa pinto ng hindi manlang ako binalingan ng tingin, nainis ako kahit anong mahawakan ko binabasag ko! Mas nainis ako dahil sa mga sinabi ni pau, bwesett. Bakit ba siya nakikialam.

Adamson High (Completed)Where stories live. Discover now