25

79 5 1
                                    

STELL

********

Pagkatapos ng huling klase namin ni jah, ay sasamahan niya daw ako patungo sa lobby ng school, Kaya pumayag ako. Naglakad na kami ni jah palabas ng building, nakita namin si josh na naghihintay sa waiting area. Every department ay may waiting area. Kaya madalas maghintay si josh sa waiting area para sunduin kami ni jah.

Ngumiti lang si josh sa amin ni jah, at sumabay na siya sa paglalakad, mga ilang minuto ay nakarating na rin kami sa lobby ng school. Malawak at kita mo ang ganda sa loob ng building mula dito sa baba hanggang sa taas ng school.

Nakita namin agad ang Campus King at si Cheska na nakangiti sa amin. Hindi naman pinansin ni jah ang simpleng hello ni Cheska sa kanya. Si josh ay parang naguguluhan pa kung bakit kami nandito. Ako, Hindi ko rin alam kung bakit!

Nauna akong naglakad sa kanila nasa likuran ko si jah at josh, may narinig akong ingay galing sa taas ng building. pero hindi ko na lang ito binigyan ng pansin.

Nakatingin lang ako ng deritso sa kanilang Lima, pansin ko ang pag iiba ng expression ni mr.yabang habang nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero natatakot siya dahil nandyan ang leader nila na si ken.

"Now!" sigaw ni ken, napatingin ako kung saan nakatingin si ken, pagtingin ko sa taas ng building, ay may dalawang estudyanteng may hawak na basket na puno ng basura at binuhos sa akin. Randam ko tuloy na para akong sisiw na naulalan ng mabahong tubig.

Tumingin lang ako ng deritso kay ken, narinig ko na may sinabi si Cheska at tawanan sa paligid pero hindi ko pinansin. Unti unti akong lumapit sa pwesto nilang lima. Naririnig kong may sinasabi si josh at jah sa likod ko, pero para akong sinaniban ng kung ano! ramdam ko ang talim ng tingin ni ken, pero hindi ako nagpatalo sa tingin niya, nang tuluyan na akong nakalapit sa harapan nil ay tinapon ko sa harapan ni Ken ang inipon kung papel na sumabit sa katawan ko.

Napasigaw ang buong paligid sa ginawa ko, ganon din ang tatlo sa likod ni ken, pero si Pablo ay nakatingin lang sa akin ng deritso. Lalapit na sana si Cheska sa pwesto ko para sugurin ay pinigilan siya ni Ken. Nainis ako sa pagpigil ni ken Kay Cheska, ano bang Meron sa kanila! Mas nainis ako sa nararamdaman ko!

Pero parang wala lang  kay ken ang ginawa kung pagtapon ng basura sa Mukha niya, pero napaatras ako ng dahan dahan naglalakad si ken sa pwesto ko, nang makalapit si ken sa pwesto ko dahan dahan lumalapit ang mukha niya sa mukha ko, At bumulong.

"maghanda kana" at tinulak niya ako ng malakas, Kaya napaupo ako sa lapag! naramdaman ko ang sakit sa pwetan ko! inalalayan ako ni josh at jah sa pagtayo.

Susugod pa sana si Ken sa amin pero pinigilan siya ni Pablo, Kaya umalis na galit si Ken dahil sa ginawa ni Pablo sa kanya, sumunod naman ang Cheska na 'yon sa kanila. Magsama sama sila.

"Okay ka lang ba Stell?" agad na tanong ni josh sa akin, alam kong nag aalala si josh sa'kin.

"Okay lang ako josh!" Sabi ko sa kanya, Kaya tumango lang ito sa akin.

"Doon na muna tayo sa dorm ko!" magsasalita na sana ako para tumangi, pero masama itong nakatingin akin, Kaya tumango nalang ako, kaysa magalit pa ito sa akin.


Adamson High (Completed)Where stories live. Discover now