HirayaLune5
"Berries, naranasan niyo na bang magmahal nang sobra-sobra? Yung tipong sigurado kayong kayo na ang endgame ng isa't isa? Na kahit anong pagsubok ang dumating, alam niyong kakayanin niyo kasi ganun kayo kasigurado sa pagmamahal niyo.
Pero wala naman talagang perpekto sa mundo, diba?
Kasi minsan, isang araw, magigising ka na lang na lahat ng pangarap na sabay niyong binuo, unti-unti na palang lumulubog. At habang ikaw, pilit na inaaral kung paano lumangoy para makaahon, siya naman, nakasakay na sa bangka kasama ang iba.
Noong una kong napakinggan 'tong kanta, sabi ko sa sarili ko, ang bitter naman nito. Pero habang paulit-ulit ko siyang pinapakinggan, narealize ko na ganito pala talaga yung nararamdaman ko. Ang sakit pala kapag ikaw na mismo yung nakaka-relate.
Kaya Berries, sana sabayan niyo ako tonight. This is 'Ako ang Bagyo' by Shean."
And for the last time before going on hiatus, I let my fans sing with me.
As I looked around the crowd, my eyes suddenly landed on someone I never expected to see tonight.
Him.
The man I was singing this song for.
Yung lalaking nangakong walang iwanan. Yung taong nagsabing ipaglalaban niya ako kahit sa sarili niyang mga magulang.
The same man who made me believe that three years of love would eventually turn into a lifetime.
And the same man who made me realize that sometimes, no matter how much you love someone, it will never be enough to make them stay.