27

83 6 2
                                    

STELL

*********

Pagkatapos kung kumain ay umakyat na ako ng kwarto at humiga ng kama.
Naisip ko naman ang nangyari kanina  bago kami pumunta sa dorm ni jah!

*flashback*

Habang naglalakad kami nila jah at josh papunta sa dorm ni jah ay nakita namin si Pablo palabas ng Tambayan nila at pansin ko ang inis sa Mukha niya. Lalagpasan na lang sana namin siya pero tumigil ito sa harapan namin.

"Okay ka lang ba Stell?" parang nanibago ako sa inasal niya, at pansin ko rin na hindi ito seryuso kumpara sa dating niyang expression.

Nakarinig kami ng ingay sa loob ng tambayan nila, may mga nababasag na gamit mula doon. parang may away yatang nangyari.

"Pablo! Bakit may nababasag na gamit sa loob, anong nangyari?" Tanong ni jah kay Pablo, pupunta na sana si jah sa loob pero bigla siyang pinigilan ni pau.

"Wag na jah, baka ikaw pa ang mapagbuntungan ng galit ng kuya mo!" Sabi ni pau ka jah!

"Bakit ano ba ang nangyari?" Tanong ni jah kay pau, habang nakatingin ito ng deritso sa loob ng mansion.

"Pinutol kuna ang pagkakaibigan namin!" seryusong sagot ni pau. Mukhang hindi lang simpleng away ang nangyari, malala pla.

"What? paano bakit?" gulat na usal ni jah.

"Dahil kay Stell!" ako naman ngayon ang nabigla sa narinig ko! Ano daw, ako ang dahilan ng away nila?

"Bakit ako?" Oo! lumaban ako kay ken kanina pero bakit nasali si pau sa away namin! Naguguluhan na ako!

"Hindi mo na kailangan malaman pa!" tanging sagot ni pau sa tanong ko.

Naglakad si pau sa pwesto ko at bumulong "Simula bukas! Hindi kna masasaktan ni Ken!" Tama ba ang narinig ko? Pero bakit? Pagkatapos sabihin iyon ni pau ay naglakad na ito pa alis.

*End of flashback*

Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, kaya lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa malapit na park sa bahay namin. Umupo lang ako sa duyan, pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako nagkakaganito at kung ano ang iniisip ko, basta ang alam ko lang gusto kung mag isip, pero di ko alam kung ano!

Nanatili akong nakaupo at nakatingin sa kawalan, pero di ko namalayan ang   lalaking nakaupo sa katabi kung duyan, Kaya hindi ko na lang ito pinansin.  Tumayo na ako at aalis na sana pero biglang nagsalita ang lalaki.

"I'm sosorry for what happened!" napatingin ako sa kanya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Ayuko ko man na mag assume sa nakikita ko pero randam ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit siya humingi ng sorry? Akala ko ba galit siya? pero bakit siya nandito?

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ba ako sa paglalakad at umuwi ng bahay! Kahit may iba akong nararamdaman sa paghingi niya ng sorry ay ayukong mag assume na magiging okay kami bukas.

Nakapasok na ako ng kwarto at Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang paghingi niya ng tawad! Humiga na ako sa kama at natulog.

Adamson High (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα