“Mabuti pa ay kumilos na tayo para makapunta na tayo sa kaniya-kaniya nating lakad. Um, are you going to be here tonight? Or you have some important business to do?”

Hindi agad sumagot sa tanong niya si Traios, alam na niya kung bakit at hindi na niya kailangan pang magtanong. Naiintindihan naman niya.

Malungkot itong ngumiti sa kaniya bago hinalikan ang kaniyang noo. “I’m sorry. Babawi na lang ako. Okay?”

Tumango na lamang siya bilang tugon. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Anong laban niya sa kailangan nitong asikasuhin, ‘di ba?

Isang banayad na yakap ang iginawad ni Traios sa kaniya. Sinuklian niya rin ang yakap na iyon. Nagtagal sila sa ganoong posisyon ng ilang mga minuto bago siya kumalas. “Sige na, babe. Magkita na lang tayo ulit kapag wala ka nang dapat gawin. Ingat ka, okay? Lalo na sa pag-da-drive mo.”

“I will, love. Ikaw rin, mag-ingat ka.”

They kissed then Lyxhel took her bag before they intertwined their fingers. Sabay na silang naglakad paalis ng unit ni Lyxhel at nagtungo sa elevator. Naghiwalay lang sila ng makarating na sila sa parking lot.

Dumiretso si Lyxhel sa Hacinda Law Firm para makausap ng personal si Callianna. Nang makarating na siya roon, agad niyang hinanap ang dalaga. Hindi naman siya nahirapan dahil nasa opisina lang ito at walang meeting.

“Good morning, Atty. Buenavidez.”

Umangat ang ulo ni Callianna mula sa binabasa nitong papeles. “Oh, Atty. Artevazes. What brings you here? Na-settle mo na ba ang sa inyo ni Gionne?”

Umupo na muna siya sa visitor’s chair bago ito sinagot. “I resigned. Wala bang nabalita sa television news or newspaper ang pananatili ni Gionne sa police station buong magdamag?‘

Napuno ng kuryosidad ang mukha ni Callianna. “Bakit? Anong nangyari?”

Ikwinento ni Lyxhel kung ano ang nangyari sa naging pag-uusap nila ni Gionne. At kung paano ito na-detain ng buong magdamag sa police station nila Bryxse. Naramdaman niya ang pag-aalala ni Callianna at naintindihan nito kung bakit mas pinili niyang mag-resign na lang.

“So, ano ang plano mo ngayon, Lae? Gusto mo pa bang kunin ang sinabi ko sa iyo noong huli tayong mag-usap? O gusto mong mag-isip isip na lang muna?”

Naging tahimik saglit si Lyxhel. Hindi pa niya kasi alam kung ano nga ba ang gusto niyang gawin. Kaya naman niyang buhayin ang sarili kahit na itigil niya ang propesiyon niya.

“I think I have to think about it thoroughly, Calli. Hindi ko pa alam kung ano ang tamang desisyon na dapat gawin. Mauna na muna ako. Mukhang marami ka pang dapat na gawin.” Tumayo na si Lyxhel. Si Callianna naman ay nakaupo pa rin pero nakatingala naman sa kaniya.

“Okay, sige! Tawagan mo na lang ako o kaya naman ay pumunta ka na lang ulit dito.”

Umalis na sa opisina ni Callianna si Lyxhel. Lumakad na siya patungo sa elevator. Nginitian niya na lamang ang ilan sa bumabati sa kaniya. Nang nasa lobby na siya ng HLF, agad siyang napaatras nang makita si Gionne.

“Lae, can we talk?”

Galit na tinig agad ang ibinungad ni Lyxhel sa binata. “Anong ginagawa mo rito? Kailangan ko bang mag-file ng restraining order para lang hindi mo na ako malapitan pa?”

“Look, Lae, I didn’t come here to harass you or anything. I came here to talk to you properly. Gusto ko lang humingi sa ‘yo ng tawad. Sa pambabastos na ginawa ko sa ‘yo at sa iba pang mali na nagawa ko.”

“As I came out of that jail earlier, I chose to just walk. I wander around, thinking too much that I bumped into someone. Nag-usap kami, sinabi ko sa kaniya ang lahat ng tumatakbo sa isip ko. At hindi ko inaasahan na magiging magaan ang loob ko matapos ang pag-uusap namin na iyon. She told me that it's not too late to change. That I still have hope. All I need is to accept everything and ask for forgiveness. Kaya naman humihingi ako sa ‘yo ng tawad, Lae. Walang halong kung anuman ang paghingi ko sa ‘yo ng tawad. At sana ay mahanap mo ang kasiyahan na ginugusto ng puso mo. I wish you goodluck, Lae. I hope that you’ll truly be happy. Because you deserve that.”

Inilahad nito sa kaniya ang kanang kamay. May pag-a-alinlangan man na nararamdaman si Lyxhel pero tinanggap niya pa rin ang kamay ng binata. Nakipag-kamay siya rito. “Pinapatawad na kita, Gionne. Sana lang nga ay totoo ang sinasabi mo. I wish you happiness, too, because you deserve that, too.”

Isang totoong ngiti ang ibinigay niya kay Gionne bago binawi ang kaniyang kamay. Ngumiti rin sa kaniya si Gionne bago ito tuluyang mag-paalam sa kaniya. Pinanood niya ang pag-alis ni Gionne bago siya naglakad na rin paalis ng HLF building.

Sa kaniyang paglabas ng building, kinailangan niya munang hintayin ang Audi Q5 niya mula sa valet na nag-park niyon sa parking kanina. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil agad din namang dumating ang kotse niya.

Nagbigay siya ng tip sa valet at nagpasalamat bago tuluyan nang umalis doon. Hindi alam ang patutunguhan niya.

FPS 1: His Illicit AffairWhere stories live. Discover now