KWARTO KO (HYO)



Okay na?



At doon na lang ako sumigaw para naman magising ang mga diwa nila. Mahiya naman sila! Mga vocals sila tapos ako nagsasayang ng vocal chords? Hindi makatarungan! "DALIAN NIYO NA AT MALILIGO PA KAYO! ANG MAHULI, SA BABA WALANG BREAKFAST!" sigaw ko na dahilan kaya nagmadali sila.




Flashback



"GIRLS GISING NA!" sigaw ko sa kwarto nila isa-isa. Ang tyaga ko naman, iniisa-isa pa talaga. Umalis ako sa kwarto nila at naunang naligo. Binilisan ko na ring magbihis dahil alam kong natulog ulit sila. Pagtapos ko magbihis ay pinuntahan ko sila isa-isa sa kwarto nila. Mabuti na lang at gising na rin si Yul kaya may kasama na ko. 



"Kain ka na, Yureeeeeh, paparusahan ko lang tong mga to." Tapos na rin kasi siyang maligo. Ready to go na nga eh. KAMING DALAWA!



"ISA! PAG HINDI KAYO LUMABAS----" naputol ang sigaw ko ng makitang lumabas si Seo sa kwarto niya, ready na rin siya. Bitbit niya ang bag niya at bumaba na. Ganoon rin ang sinabi ko sakanya.



Huminga ako ng malalim.



"PAG HINDI KAYO NAGSIGISING IIWAN NAMIN KAYO DITO!" dedma.



"ISA! PAGBILANG KONG LIMA AALIS NA KAMI AT WALA KAYONG AGAHAN NGAYON KASI BABAUNIN NAMIN!" still, dedma. Wag niyo ko subukan...



"DALAWA!" okay, hindi na talaga ako nagbibiro. Nagbilang ako sa isip ko hanggang lima. Hindi pa ako nakuntento, kinatok ko pa sila at ginising ng hindi sumisigaw. Fine! Ayaw nila. Bumaba na ako, pagbaba ko, tapos na rin sila kumain. 



"Lahat ng pagkain diyan, ilagay sa baunan at babaunin natin lahat. WAG.MAGTITIRA. Kuha?" um-oo naman sila. Saka kami umalis ng bahay. Okay girls, you think I'm just kidding you. 



"BYE GIRLS! Tandaan niyo mahal na mahal ko kayo!" sigaw ko at tuluyan ng umalis



End of Flashback



Galit na galit ng sila nung nalate sila ng pasok eh. Bakit raw walang pagkain sa bahay at kung bakit hindi ko raw sila ginising. Syempre tahimik lang ako, hinayaan ko lang silang dumakdak, at pagtapos nila, edi kinwento ko. Kaya simula noon, pag ginigising ko sila gumigising sila. Matakot sila kasi pag sinabi ko, ginagawa ko.

The Girls' Rules [UNDER CONSTRUCTION]Where stories live. Discover now