Chapter 16

499 43 4
                                    

N'ung gabing 'yun, hindi ako makatulog. I was worried – I was worried for Ingrid's family, I was worried for Ingrid's Dad, and I was worried that my presence in his family's life was going to cost Atty. Samonte's relationship with his cousin.

Earlier, even when he was just going with his gut-feel, I could sense Ingrid's Ninong Rainier's anger towards me – the way he looked at me with a dark glint in his eyes, the way he said my name as if it was something dirty, the way he clenched his fists...

"Pero, paano n'ya naman ako nakilala? Parang imposible naman yata. Maybe I am just imagining things. Maybe I'm being paranoid..." I said to myself.

Or maybe you'd always know when someone you love betrays you...my mind whispered. Just like how Ingrid's Ninong sensed that Atty. Samonte was hiding something from him.

When I learned roughly three years ago that I was born out of wedlock, I went into a bout of self-pity. Sino ba naman kasing hindi maaawa sa sarili n'ya kung parehong magulang n'ya ay may kanya-kanyang pamilya?

But thankfully, Yaya Lucille was quick to squelch that feeling down.

Bakit ka maawa sa sarili mo? Kasi anak ka sa labas ng parehong magulang mo? Bakit, kasalanan mo ba na anak ka nila sa labas? Hindi. At tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin – ang tangkad mo, ang tangos ng ilong mo, ang ganda ng mga mata mo, ang kinis ng kutis mo kahit lumaki ka namang sabon panlaba lang ang panligo, 'tapos may biloy sa magkabilang pisngi. Napakaguwapo mong bata, 'Nak, at hindi ka mukhang nakakaawa.

I smiled remembering Yaya's words.

O, ngumiti na ang bunso namin. 'Tsaka, Anak, ang talino mo. Biruin mo 'yun, tinanggihan mo 'yung school mo noon na ilipat ka sa Grade VI n'ung Grade III ka pa lang dahil lang sa nagdadalawang-isip ka na baka hindi mo makuha 'yung full scholarship kapag ginawa mo 'yun? May kilala ka ba rito sa atin na gan'un? Wala, Anak. Kaya gusto ko na imbes na bilangin mo 'yung mga dinaramdam mo sa buhay ay isa-isahin mo 'yung biyayang ipinagkaloob sa'yo.

"Amen, Ya," I said into the darkness. "Hanggang ngayon po talaga ay napapagaan n'yo pa rin po ang loob ko..."

Tatandaan mong hindi natatapos ang pagsubok, Bunso. Habang buhay ang tao ay babatuhin at babatuhin s'ya ng pagkakataon ng mga problema para lalo s'yang tumatag. Ngayon ka pa ba bibitaw? Ang layo na ng narating mo, 'Nak. Ngayon pa ba?

I inhaled deeply before I sat up. "Oo nga. Hindi duwag ang pinalaking bata ni Yaya Lucille."

I turned my head to look at the alarm clock on my bedside table; it was just a few minutes past 4AM.

I sighed. I knew that it was pointless to force myself to get some sleep because my mind was working overtime and it would be a total waste if I'd just lie in bed doing nothing.

"Magbihis ka at lumabas ka para tumulong sa gawaing-bahay. Kaysa magmukmok ka rito. That's not going to help, Aleph."

I got off the bed and changed into a pair of shorts and white cotton shirt.

Dumiretso ako sa hardin para sana magdilig ng mga halaman at kapag nakasalubong ko si Manang Pining ay tatanungin ko na rin s'ya kung ano ang maitutulong ko sa kanya.

"Ang sarap talaga ng hangin nang ganitong oras napakapresko..."

I stretched my arms in front of me. "Good morning po, Lord...hindi kita nabati kanina at ang dami ko pong iniisip kaya pasensya na po..."

I heard someone softly laugh and I turned my head to find Atty. Samonte lounging on one of the settees near the pool.

"Ay, Attorney, kayo po pala 'yan. Magandang umaga po."

"Good morning, Aleph. Bakit ang aga mo naman yatang nagising?"

"Oo nga po, eh, kaya tutulong po sana ako sa gawaing-bahay."

"Hindi na kailangan. Pagagalitan ka ni Pining kung iistorbohin mo sila sa ginagawa nila. Alam mo naman ang mga 'yun..."

"Ay, gan'un po ba? Magdidilig na lang po ako ng halaman."

"Tapos na kanina pa. Mas maagang nagising sa'yo si Mang Dante. At naku, h'wag mong aagawan ng trabaho 'yun dahil tiyak magagalit 'yun sa'yo. Nagreklamo nga sa akin 'yun n'ung nakaraan dahil ang sabi n'ya sumasakit daw ang rayuma n'ya dahil wala na s'yang gaanong ginagawa rito. Paano ang Tita Isabel mo, nahilig na rin sa paghahardin kaya may kaagaw na si Mang Dante."

"Ahh...okay po..."

"Umupo ka nga rito, bakit naman nakatayo ka lang d'yan? Samahan mo akong magkape. Gusto mo ba ng gatas?"

"Naku, hindi na po," I said before I walked to where he was seated then sat down on the chair beside his.

"Nakatulog ka naman ba, Aleph?"

"Opo..."

"Mabuti."

"Kayo po...nakatulog po ba kayo?"

"Oo naman."

"Attorney, humihingi po ako ng paumanhin."

"Bakit?"

"Dahil po doon sa nangyari kagabi..."

He looked at me. "Paano mo naman naging kasalanan 'yung nangyari kagabi? Hindi mo kontrolado kung paano dapat umasta ang mga batang 'yun, hindi mo kontrolado kung ano ang magiging reaksyon ng mag-asawa sa ikinikilos ng mga anak nila, at lalong hindi mo kasalanan ang kasalanan ng asawa ng pinsan ko, Aleph."

I lowered my head.

"Nagkuwento si Ingrid kagabi, ang sabi n'ya ay may balak ka raw umalis dito sa bahay. Totoo ba?"

I could only nod.

"Bakit?"

"Ayaw ko po kayong madamay, Attorney. Ayoko pong ako ang pagmulan ng gulo sa pamilya ninyo."

He sighed. "Alam mo, Aleph, when I learned about you eight years ago, I admit that I was so angry. Naisip kong ikaw ang sisira sa dalawang pamilya—ang pamilya ng kapatid kong bunso at ang pamilya ng pinsan kong si Rainier."

"Alam ko po...pasensya na po."

"Don't apologize for something that you did not do, Aleph. Tatandaan mo 'yan."

"Opo."

"I learned about you during a family gathering and I can still remember kung paano nagkagulo ang lahat. Thankfully, Anne and Gilbert's family we're out of the country then or else..."

He sighed again. "Anne is my baby sister. Bunso sa aming magkakapatid at pinakamalambing sa lahat."

He put down his cup of coffee. "Hindi ko na matandaan kung sino ang nagkuwento sa amin na buhay ang anak ni Gilbert at Mattie. I think it was one of Mattie's assistants whom she fired. I forgot the details. But of course your mother being the woman that she is denied it. And for the second time, I believed her. Kaya naman, Aleph, sana ay mapatawad mo ako..."

I looked up in surprise. "Po?"

"May kasalanan ako sa'yo...malaki..."

I stared perplexed at my girlfriend's father.

"As you see, Aleph, I am the keeper of your parents' secret so I had a hand in this mess..."

Aleph's Heart (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon