14

13 1 0
                                    

"I'm planning to introduce Ethan to my family," I told Celine and Fria. "And to you, guys."

Agad naman nagsi-tilian ang dalawa kaya napatakip ako sa tainga ko. Nandito kami ngayon sa office nila Mama. Wala sila Mama rito dahil nasa QC branch sila.

"Go for it!" Saad ni Fria.

"Kailan mo balak ipakilala?" Tanong naman ni Celine.

"Kaso kinakabahan ako." Bigla kong saad.

"Normal naman ang kabahan pero i-introduce mo naman as manliligaw 'di ba? Since hindi mo pa siya sinasagot." Tanong ni Celine at tumango ako.

"I'm happy for you, girl!" Fria stood up to jump. "Hindi na siya NBSB!"

"Huy baka marinig ka!" Saway ko sakaniya.

Fria laughed hysterically and she left to go to the restroom.

"Kailan mo balak sagutin?" Tanong naman ni Celine pagkalabas ni Fria.

Napaisip ako. Kailan nga ba?

"I don't know when I'll be ready, Celine. Tsaka, he'll be my first boyfriend, kahit na gusto ko siya, kailangan ko pa rin pag-isipan nang mabuti." I told her and she nodded.

"That's why you're my bestie!"

After that day, we helped Fria to move to our dorm building because she'll be living beside our room. Mas malapit kasi yung dorm namin sa school kaysa sa dati niyang dorm. Hindi na rin daw nagparamdam si Leo sa kaniya after Leo revealed everything.

"Nagluto ako ng sinigang!" Saad ni Fria pagkapasok namin sa bagong dorm niya ngayon. It's been a week and we're now inside of her dorm. We're looking for her roommate since for two-person din yung space ng room niya.

"Wow patikim!" Saad ni Celine. "Kain na tayo!"

We're now eating inside Fria's dorm. Ang kinaibahan sa room niya ay may maliit na balcony.

Pinag uusapan namin ngayon kung sino yung pwede niyang maka roommate dahil makakatipid din siya kapag may kahati siya. Although Fria has money to pay for everything, we still advise her to live with someone.

"Lahat ng classmate natin may dorm na." Saad ni Fria.

"Let's see in August, bagong classmates naman na e." Saad ko naman.

"Ay, girls!" Fria suddenly spoke, and it seemed like she remembered something.

"Oh?" Celine said while chewing her food.

"Celine's birthday is in July, right? Then why don't we party in July and invite many people in her-

"Hindi ako sanay mag celebrate, Fria."

"Why?! Okay, then let's celebrate with your family!" Suggest naman ni Fria.

Celine stood up to get water. "Wala rin kasi ako masyadong kilala sa school natin."

"It's okay! Girls, bakit hindi kaya tayo mag post sa online na we're looking for a roommate? 2nd year na this August so baka may mga new transferee ganoon." Fria suggested.

"Pwede." I nodded.

Bumalik na kami sa dorm ni Celine pagkatapos makipag kwentuhan kay Fria. Nag-ayos lang ako ng kwarto at ngayon ay nag lilista kami ni Celine ng mga kailangan ipamili dahil kailangan na mag grocery.

"May cooking oil na?" Tanong niya sa akin habang nakatayo siya sa harap ng cabinet. I'm listing the things that we need to buy.

"Meron na," Pinunit ko yung isang papel para ulitin yung lists.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Apr 04 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Copper Heart (Love Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu