06

16 5 0
                                    

"Congratulations and Best Wishes on your Grand Opening!" The visitors congratulate Mama and Tita.

We did our best to experience the best grand opening, and it happened. They have decided to have the grand opening until tomorrow. Since 'yung schedule namin ni Celine ay pang-gabi, bumibisita kami rito pagkatapos ng school namin. We became busy but I still managed my time.

We also helped them in serving dahil maraming customer ang pumunta. Muntik pa magkagulo sa labas dahil sa haba ng pila. We prioritized the PWD, Seniors, and the first comer.

Papa wasn't here, but he will visit us next month, August. Ilang linggo na lang ay Agosto na.

"Celine and Zoey, sumama kayo bukas ha, bibili tayo ng stocks para sa resto, need na kasi mag stock ulit." Saad ni Tita.

Kakatapos lang namin mag-tutor kila Yojhan dahil nagsimula na rin 'yung pasok nila. Ngayong tuloy-tuloy 'yung income namin ni Celine, tinatabi nalang namin para sa personal savings.

"Okay po, Tita." I nodded.

Today is Saturday, si Mama 'yung nasa resto ngayon at si Tita 'yung kasama namin bumili.

Zena's Resto have workers now. Compare before, mas marami na ngayon dahil nirerenovate na 'rin 'yung parking lot for customers na may dalang kotse.

Papa hired us a personal driver dahil balikan sila Mama at Tita sa resto. We're grateful dahil kahit na busy sa business, nakakapag-bonding pa 'rin kami at least thrice a month.

After a week, Celine and I became busy because we needed to prepare for our examination. Mine-maintain ko 'yung grades ko so I can give honor to my parents.

"Should we build a room for you to stay?" Rinig kong tanong ni Papa kay Mama. "We need to save gas, honey."

They're talking inside the car habang mag-isa naman ako sa likod dahil nauna na sila Celine sa resto dahil sinundo namin si Papa.

"Pwedeng sa loob ng resto or sa tabi," Mama suggested. "Or... mag-tayo na kaya ako ng office? Then bili nalang ng foldable bed."

Papa's lips rose up. "Yun, mismo." Papa nodded.

Pagkarating, naunang bumaba si Mama dahil ipa-park pa ni Papa 'yung sasakyan.

"Kumusta ang school, anak?" Papa asked me.

"Name-maintain naman po, Pa."

"Good, but always consider your health anak." He smiled after turning off the engine. "Good health matters in the end."

"Kayo rin po." Ngumiti ako rito.

We had our dinner in a restaurant cooked by the best chefs of Zena's Resto. Zennie and Roselina.

"Talaga naman oh!" Papa looks amaze by the servings. Hanggang tingin lang kasi siya dahil nasa trabaho siya for the past few months.

"Asawa ko iyan," Tito praised Tita Roselina.

Celine and I looked at each other and rolled our eyes. They're so cheesy!

This month, they have decided to build the office. Malaking gastos kasi 'yung araw-araw na balik-balik nila Mama from house to resto, or from resto to mall. I heard them talking about truck delivery too, hindi na kasi nagkakasya sa van 'yung pinamimili na gamit at ingredients.

Ang laking advantage na magkaklase kami ni Celine dahil mas natutulungan namin 'yung isa't isa sa school works, and mas naga-guide kami. For the long time we know each other, hindi na big deal sa amin ang correction.

"Hi, Fria! Pwedeng sumali kami ni Celine sa group ninyo?" I asked Fria, my classmate.

"Sure! Malaking tulong din since may experience na 'yung family ninyo sa business." Fria answered.

Copper Heart (Love Series #1)Where stories live. Discover now