Chapter 29

2 2 0
                                    

CHAPTER 29

JA'S POV

Napatingin ako sa kapatid ko. Panay kasi tingin niya sa kan'ya phone. Nang may tumawag, hindi naman niya sinagot. Maya-maya narinig ko pa palihim siyang nagmura. Hinayaan ko na lang kakambal ko kung ano man ginagawa. Hanggang ngayon, kasi pala isipan pa rin sa akin, paano niya nakumbinsi si Danica? Wala akong lakas ng loob magtanong sa kapatid ko. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa kan'ya. Kahit na magkambal kami, siguro dahil sa iba kinalakihan namin. Nang mapansin ko ang daan patungo ito sa aming bahay. Nagkatinginan lang kaming tatlo, at hindi man lang nagsalita. Hanggang sa dumating na rin kami sa tapat ng bahay ko. Napatingin sa akin si Cieron nakangiti siya. Bigla ako kinabahan. Iba kasi ang ngiti ng loko, ngayon ko lang ito nakita na ang parang ang saya ng ngiti niya. Ang loko nauna bumaba atsaka kami sumunod sa kan'ya. Habang binubuksan ni Cieron ang gate. Parang bigla bilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba ngayon ko lang ito naramdaman.

"Handa ka na ba?" Napalingon si Cieron sa akin. Napakunot noo lang ako sa kan'ya. Pinagsasabi niya? Bumilang pa siya. Tsaka niya unti-unti binuksan. Nang tuluyan na niya binuksan. Natulala ako sa nagulat. Buong buhay ko, hindi ko naranasan ng masurprise ng mga taong malalapit sa akin. Nandito ang mga kaibigan ko sina Nate, Jarry, and Leck. Si Danica at ang daddy nito na kangiti nakatingin sa akin at sumaludo pa siya na kinagulat ko. Ang kapatid ni Jc ng pagkakita sa kan'ya binatukan si Jc. Nandito rin mga kaibigan ni Cieron sina Shawn, Dann, Kring, at si Brent na pagkakita kay Cieron binatukan din ng loko. May napansin ako ang kanilang kasuotan nakaporma attire silang lahat at ang mga babae naman nakadress. At ngayon ko lang napansin ang sa palligid ko. Ang ganda ng design. Ang mga kulay ay blue, kaya naman pala lahat sila naka light blue. Maging sa table at upuan ay kulay blue din at meron pa Mini Concert na parang anong oras may magpeperform sa stage at punong-puno ng Christmas light at ang kulay ay blue rin at natawa ako may lobo rin pala nakahugis puso sila.

"Ito na ang Someday mo?" Napatingin ako kay Cieron. Pinagsasabi mo. Tsaka niya ako hinila palapit sa unahan. Naguguluhan na ako sa nangyayari. Napatingin ako kay Danica na lumapit siya sa akin.

"Ja," mahinahon niya tawag sa akin. Napatingin lang ako sa kan'ya. Parang blangko ang utak ko ngayon araw.

"Patawarin mo ako sa akin ginawa. Hindi ko sinasadya na---." Pinigilan ko si Danica sa kan'yang sasabihin.

"Hindi mo kasalana. Ako ang may maling kasalanan saiyo. Sorry kung iniwan kita. Sorry kong napahiya kita." Naiyak si Danica. Hindi ko napigilan yakapin niya. Mahal ko si Danica bilang kapatid kaya. Kung mayroon man humingi ng tawad ako iyon.

"Sorry, ngayon tanggap ko na, hanggang kapatid lang ang turing mo sa akin. Ang tanging hangad ko lang saiyo. Na sana matupad na ang isa sa pangarap mo at sana maging masaya ka na." Sabay tapik niya sa akin. Saka niya ako tinalikuran lumapit siya kila Jc at Shane. Hindi ko alam kung ano man ang naging napag-usapan nila, pero masaya ako na nakita ko na nagkaayos na sila. Hindi ko alam paano ginawa ni Cieron ito.

"Ja," Napalingon ako sa kaharap ko si Cieron nasa unahan siya nagsaaalita sa mic.

"Ja, alam ko naguguluhan ka na ngayon, pero ito ang araw na matagal mo na pinapangarap. Ja, salamat hindi ka sumuko na hanapin kami. Salamat hindi ka nagtanim ng galit sa parent natin. Salamat dahil sobra-sobra ang pagmamahal mo sa amin. Ja, noong araw na una kita nakita alam mo gustong-gusto kita sakalin, tangina sa dami-dami ng taong pag-tripan mo ako pa. Pero ikaw ang hindi sumuko. Ikaw ang nagpamulat sa akin. Pero patawad kung naging selfie ako saiyo ay dahil ang hangad ko lang katahimikan noon, ang sabi ko sa sarili ko kapag naayos ko na ang gusot sa akin buhay tsaka ko ipapakilala saiyo ang matagal mo na hinahanap. Pero ang nangyari ikaw pala ang may pasabog na kung saan muntik pa kami ay dahil sa pagmamahal na ito. Siguro nga, tadhana ang nagdala kasi kung hindi sa gulong ito hindi ako maglalakas ng loob sabihin ang nalalaman ko. Ayaw kita masaktan kaya sinabi ko ang problema ko na nagpatigil sa gulo. Ja, ito na ang moment mo. Ang someday na matagal mo na hinihintay na lagi mo sa akin sinasabi someday na mabubuo ang pamilya natin. Someday matatagpuan mo rin ang ating mama at ang ate. Ja, hindi ko na patatagalin ito." Nginitian ako ni Ja at lumapit siya sa akin sabay hila niya. Napaakyat ako sa stage. Lahat sila sa akin nakatingin.

Twin Affection Where stories live. Discover now