Chapter 21

2 2 0
                                    

Chapter 21

Cieron's Pov

Napatingin ako kay Kay Ja, ramdam ko na hindi siya makatingin sa akin. Tangina paminsan-minsan pasimple siya nakasulyap sa akin. Nawewerduhan na ako sa mga kinikilos niya na para bang may gusto siya sabihin na hindi niya masabi. Bigla ako napaisip hindi kaya narinig niya na may kausap ako. Sino iyong tumawag sa phone ni Ja. Hindi ko naman sinasadya sagutin. Akala ko kasi phone ko. Sinagot ko na hindi ko man lang tinitingnan ang tawag sino man ang tumatawag. Tangina sino iyong nang babanta kay Ja. Akala ko ba mabait ang loko? Kapag hindi raw sumunod sa kagustuhan may mapapahamak. Iyon ang aalamin ko. Habang si Jc ang tahimik ng loko. Kanina lang parang sasabog na ang loko. Hindi lang ako nagsalita. Ang gulo-gulo na isip ko, hindi ko na alam gagawin ko. Hanggang sa umalis na ang mga kaibigan niya. Kami na lang tatlo ang natira. Sinigurado ko ang gate, mahirap na may makapasok. Nang maayos na. Pinili ko sa baba na lang ako matutulog. Tangina hindi ko kaya na may mangyari masama kay Ja. Ngayon pa na malapit ko na makamit nag tagumpay kung kailan naayos ko na ang gusot na ginawa ni Brent. Sa totoo lang, natatakot rin naman ako sa tuwing araw-araw na lang kayo makipaghabulan sa mga gangster. Kaya nga hanggat maari hindi ko hinayaan kasama ko si Bee at Krizzy na kahit na gustong-gusto ko sila kasama. Sa ngayon sumang-ayon na rin si Brent at inako na niya ang lahat na kasalanan. Ngayon masaya na ako na unti-unti na nagbabago ang loko. Tsaka nakipag-ayos na rin ako sa mga nakaaway ko nito nakaraan buwan at binayaraan na rin ng mga kaibigan ko. Tangina kasi, hindi ko alam paano nila nagagawa na lokohin ang mga kapwa gangster. Sa huli nahuli rin sila sa kanilang dayaan kung kaya hindi kami tinitigan ng mga loko. Ngayon magiging maayos na, pero isa naman dumating itong caller na tumawag sa phone ni Ja. Gusto ko siya kausapin, pero hindi ko magawa. Hanggat maaari poprotektahan ko siya sa mga taong nakaaway niya. Kasama niya ako sa laban, at handa ako tulungan siya. Dahil gusto ko pa na matupad niya ang matagal na niya pinapangarap sa katunayan. Nakaplano na ngayon taon. Sa pagsabit ng bagong taon, sasalubungin nila na ito na ang araw na magkikita sila. Sa ngayon kami pa lang ni Shawn at Krizzy ang nakakaalam ng plano mahirap na kasi na malaman ng iba lalo na si Bee na hindi ko mapagkakatiwalaan. Natampal ko mukha ko. Kahit na ano-ano na lang ang naiisip ko. Napatitig ako sa kawalan.

"Ang tahimik mo?" Nagulat ako napaatras. Ang seryoso kasi ni Ja. Akala ko ba tulog na ito. Pumayag na ako dito sa sala na matulog para naman mamonitor ko sila. Nahiya naman ako kay Jc na kung palayasin pa siya ni Ja. Ang ingay pa naman ng loko.

"Ginagawa mo rito?" mahina ko sabi.

"Hindi ako pinatulog." Napatingin ako sa kan'ya. Pinagsasabi niya na hindi siya pinatulog.

"Narinig ko," mahina niya sabi. Napaangat ako nakatingin sa kan'ya. Anong narinig sinasabi niya. Napakunot noo ako nakatingin sa kan'ya.

"Narinig ko na may kausap ka." Namutla ako napatingin kay Ja. Ibig sabihin alam niya.

"Paano?" Iyon na lang nasabi ko.

"Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya na marinig ang usapan niyo. Cieron, handa ako tulungan ka! Sana naman sabihin mo sa akin ang plano mo. Hindi biro ang kinahaharap mo. Tangina nanghina ako natulala kanina ng marinig ko na sa panganib ka."  Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pinagsasabi niya. Sa huli nanahimik na lang ako hindi ko na sinabi na siya ang tinutukoy ng caller.

"Matulog ka na! Ako na bahala."

"No! Kasama mo ako, hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Ano silbi ko na kakambal nga kita, pero wala akong magawa."

"Gusto mo talaga matulungan ako. Gagawin mo ba kung sasabihin ko ang dahilan. Kita ko naman sa mga mata mo parang hindi mo kaya ito. Na kahit naman ako saksi ako gagano mo kamahal ang taong mahal mo." Naguluhan siya sa sinabi ko.

"Kahit ano pa iyan! Kung pamiya na ang usapan. Lahat gagawin ko. Lahat kaya ko talikuran Cieron."

"Alam mo matulog ka na!" Iyon na lang ang nasabi ko.

"No!  Gusto ko malaman mo ang pinaplano mo. Gusto ko tulungan ka."

"Tangina ano bang maitutulong mo. Ako nga! Hindi ko alam! Narinig mo ba talaga ang usapan?" Natahimik siya sa sinabi ko.

"Matulog ka na! Ako na bahala."

"Cieron, alam ko ikaw ang lider sa lahat ng bagay, pero ngayon hindi kita susundin kung kinakailangan na suwayin ka gagawin ko. Magkakampi tayo sa laban ay dahil iisa tayo."

"Makulit ka rin eh! Gusto mo talaga makatulong. Puwes magpakasal ka! Doon sa Danicana sinasabi ng caller. Alam mo ba sino iyong tumawag! Iyon din ang hindi ko rin alam. Kasi cp mo tumawag ang caller na kung sino man siya. Kung gusto mo katahimik, sige gawin mo!  'Yan sinasabi mo. Hindi ko sinasadya na phone mo ang nakuha ko. Hindi ko kasi sinasadya. Ngayon! Sino iyong caller na tumatawag sa phone mo. Tangina dinadamay pa niya pa ang pamilya mo. Puwes handa ako labanan sino man iyan nang gugulo saiyo. At sino iyong Danica tinutukoy niya." Napaupo si Ja sa sinabi ko.

"Sino si Danica, at magsisisi ka na pinakawalan mo siya."

"Si Danica iyong fiance ko na tinakasan ko. Hindi ko siya mahal. Hindi ako magpapakasal sa taong hindiko mahal. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal." Paulit-ulit na lang binibigkas ni Ja. Naawa ako sa kan'ya. Nakuha niya nga ang marangya buhay, pero hindi sa pagmamahal.

"Tumakas ako,  ito iyong  pagkakataon na hanapin kayo. Nagkaroon ako nagpakakataon at pag-asa. Masaya ako ng mahanap ko kayo. Nawala ang lahat ng mabigat sa dib-dib ko. Alam mo naiingit ako saiyo. Ikaw na lahat na sasayo na ang lahat. Simple buhay pero malaya ka. Ako de numero ang lahat ng galaw ko. Natatakot ka magkamali. Dahil hindi man nila isumbat na mahina ka. Nakikita naman sa kilos. Ganyan si Daddy, kailangan sundin mo siya. Pero ito lang talaga ang  nag-udyok sa akin na talikuran sila. Tumakas kami ni Shane kasama ng pinsan ko si Jc at sa tulong na rin  ilan  ko mga kaibigan si Nate, Jarry at si Leck. Sila iyong mga tumulong sa amin upang hanapin ka. Kahit na magulo ang mga kaibigan ko pero sila pa rin nandiyan sa tabi ko. May ginawa rin  kami maliit na business dito ko kinikuha ang gastusin namin sa amin sa araw-araw." Napatingin ako kay Ja. Ibig sabihin hindi siya umaasa sa pamilya niya. Ngayon alam ko na.

"Wag mo na isipin mga ito. Ako na bahala at hindi ko hahayaan na magpakasal sa taong mahal mo. Alam ko mahal niyo ang isa't-isa. Si Shane mahal ka niya. Kaya nga nagpupursige sila matupad kanilang pangarap. Katulad mo gagawin ko rin ang lahat para sa taong mahal ko. May pinaplano rin kami na maliit na business ito ay ang Mini restaurant," sabi ko sa kakambal ko. Gusto ko siya yakapin, pero naduduwag ako.

"Sige na matulog ka na. Para bukas planuhin natin ang dapat na planuhin." Tumango na lang si Ja. Tsaka niya ako iniwan. Napaisip ako sa lahat sinabi ni Ja. Naawa ako para sa kakambal mo. Tangina kung ako sa katayuan ni Ja. Siguro lagi kami giyera ng daddy namin. Napadapa na lang ako sa sopa. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Natulog na rin ako.

Twin Affection Where stories live. Discover now