Chapter 28

2 2 0
                                    

Chapter 28

Cieron's Pov

"Tangina naman, Cieron ang aga-aga pa. Pagpatulog ka nga."

"Gago anong maaga, 6am na gago ka. Bumabangon ka na nga diyan."

"Bakit ba ako lagi mo tinatawagan di ba sabi mo hindi tayo close. Si Shawn o si Kring ang tawagan mo. Antok pa ako."

"Hoy! Saiyo inatas ang pinapagawa ko saiyo. Gago ka Brent, kanino mo inutos?" Tinawanan lang ako ng loko.

"Umayos ka, sinasabi ko saiyo."

"Tangina ang highblood agad. Ok na po. Ako pa ba? Kaya relax lang. Hindi nila alam ang plano kahit si Dann.

"Good, basta walang makakaalam ah!"

"Oo na! Paulit-ulit."

"Nasaan ka ba?"

"Andito sa bahay ng kakambal mo? Kasama si Danica. Alam mo maganda pala niya."

"Tangina anong ginagawa mo riyan?"

"Tangina gabi na ako natapos tsaka nakakatamad kaya umuwi pa lalo pa may kasama ka na pakaganda babae."

"Tangina Brent, ayaw ko madamay sa gulo mo. Kilala mo naman babae iyan. Tangina gagawin ang lahat para makuha lang ang nais niya."

"Ito na naman nakapakajudmental, hindi ba puwede magbago."

"Oh! Paali muli siya diyan. Baka sila pa makasira ng plano natin."

"Oo na! Ako talaga utusan mo."

"Dahil may atraso ka gago ka."

"Hoy! Ako pa talaga. Sino ang tumakas sa kapatid ko. Talaga tinanan mo pa."

"Sige na! Gising na mga kasama ko." Pinutol ko na ang usapan. Sinadya ko talaga tinanan si Bee ay para maprotektahan ko siya. Tsaka nagpaalam naman ako sa parent ni Bee. Ang tanging si Brent lang ang hindi nakakalam dahil kasama siya ng parent niya sa cebu na kung saan nanirahan ang loko. Ewan ko ba bakit bumalik pa isang ito. Bumaba na ako naabutan ko nag-aayos sila ng agahan namin. Napatingin ako kay Jc. Unti-unti na gumagaling ang sugat niya. Habang si Ja na walang kaalam-alam na hospital ang daddy namin. Ngayon nagpapagaling niya. Kahit na bugbog sarado siya kay mama, tangina mayroon pa pala natitirang pagmamahal si Mama, o hindi naman nawala. Tangina dahil sa yaman nagkahiwalay kami ni Ja. Na si Ja ang nagdusa sa lahat ng desisyon ng magulang ko.

"Ja, sorry." Napatingin si Ja sa'kin. Ang tahimik niya.

"Kumain na tayo. Ang aga-aga magdadrama ba tayo." Napalingon ako kay JC na busy sa pagtitimpla ng kape. Binigyan niya akom kinuha ako tsaka ako umupo sa tabi ni Jc. Kuman na kami ng walang nagsasita.

"Tangina nabusog rin ako. Ngayon si Cieron ang mag-huhugas ang unfair naman tsaka kumain din siya." Napatingin na lang ako kay Jc. Parang siya si Brent tangina ang kulit eh!

"Gago ka! Saiyo nakaassign ito ah!"

"Anong nakaassign. Hoy! Pumayag lang ako, dahil ayaw ko maglinis ng bahay."

"Naglinis kayo?" Nagulat sila sa sinabi ko.

"Hay! Hindi. Kita mo malinis at wala kang makita ng alikabok. Nakakahiya naman sa kaibigan mo na aalis na lang kami magulo at marumi." Mahaba sabi ni Jc.

"Hindi niyo naman kailangan gawin ito. Isa pa may naglilinis talaga rito tuwing sabado. Kaya wala kayo ipangngamba."

"Ok, na rin ito, para naman walang masyado gagawin kung sino man ang naglilinis." mahina sabi ni Shane. Himala hindi kami nag-away na babae na ito. Lahat na lang, kasi ginagawa ko may nasasabi ang bruha.

"Sige na Jc, alam kong gusto mo ng lumabas. Ako na rito. Ayos na ito para hindi sila magduda habang naghuhugas ako na  pasimple ako nag-updated kay Brent. Si Brent ang napili ay dahil siya naman talaga nakakaalam at kahit na may duda ako hindi niya magawa pero naniwala ako sa loko-lokong ito at alam ko na maayos niya ito mag-isa. Kapag may kasama kasi panigurado lalandiin pa niya kasama niya at ang ending hindi pa na tapos. Nang natapos na ako sa aking paghuhugas. Sinilip ko mga kasama ko. Nasa labas sila at mukha nag-uusap. Bumalik ako sa kuwarto. Dahil sa maaga ako nagising kaiisip ng plano para sa muling pagkikita at pagbuo ng pamilya namin. Deserve naman ni Ja makilala niya ang Mama at ate ko. Napadapa ako sa kama habang nakatingala sa kisame.

"Cieoron, Cieron." Napabangon ako sa sigaw ni Shane. Nagulat na lang ako ng bigla na lang ako kuwelyuhan ni Shane. Mukhang galit na galit siya. Hindi kasi maipinta ang mukha.

"Hinayaan ka namin sa plano mo, pero labis na nag-alala saiyo si Ja tapos balewala lang saiyo. Na buong akala namin nahuli ka na. Tapos wala kami balita buhat saiyo. Naghintay kami ng tawag saiyo."

"Kanino naman ako cocontact di ba nga naiwan niyo." Natahimik si Shane.

"Ito paano mo ipapaliwanag na bigla na lang naging maayos lahat. Saan ba kami pupunta?"

"Di ba nga babalik na tayo?"

"Bakit mamaya pa! Bakit hindi ngayon?" Hindi ako makapasalita sa sinabi ni Shane. Mukha mabubuking ako isang ito.

"Bakit mamaya pa?" Inulit ni Shane.

"Dahil para sa kaligtasan niyo. Sinisigirado ko kung wala nang mananakit sainyo." Ewan ko ba bakit ito ang nasabi ko.

"Umayos ka Cieron." Pagbabanta ni Shane, tsaka niya ako tinalikuran. Nakahinga ako maluwag. Hindi na ako lumabas sa kuwarto hanggang sa tinawag ako ni Ja na kakain na raw kami. Bumaba na ako para hindi sila magduda. Ang sarap ni Shane magluto ng ampalaya na may itlog. Ang dami ko nakain. Sa huli si Jc na ang naghugas ng kinainan namin. Tinalikuran ko ulit sila. Pumunta ako sa likuran at doon pinagpatuloy ko ang updated kay Brent. Para akong dinuduyan, ang sarap ng hangin at talaga naman mapapasandal ka sa may tabi ng puno. Hanggang sa nakaidlip ako ng bigla may tumawag sa akin na mabilis ako na pamulat. Napatingin ako sa paligid. Tangina madilim na pala ibig sabihin napatagal ang tulog ko. Kinuha ko na ang phone ko. Natampal ko ang mukha ko ng bigla ko naalala. Tangina si Brent tumatawag.

"Nasaan ka na? Kanina pa ako text ng text saiyo?" Nailayo ko ang phone. Tangina mabibingi ako sa lakas ng sigaw niya.

"Nakaidlip ako," mahina ko sabi.

"Wow! Ah! Nagawa mo pa matulog."

"Dami mo sinabi?" Sabi ko na lang sa kan'ya.

"Hoy! Sinasabi ko saiyo. Hindi mo ako katulog. Gago ka! Ikaw na nga nag-utos. Ready na ba sila?" Nakabihis na kaya sila. Wala pa naman ako sinabi sa kanila.

Sige na bye na!" Tinawanan niya lang ako. Mukha nahalata ng loko. Mabilis ako bumaba. Naabutan ko nga sila nagdidinner.

"Saan ka galing? Pinuntahan kita sa kuwarto mo wala ka?" Seryosong sabi ni Jc sa akin.

"Kailangan na natin umalis," sabi ko sa kanila.

"Pinapaalis na ba tayo?" Mahinahon na sabi ni Ja.

"No! Pero may meeting kasi sila bukas." Ewan ko kung bakit ito ang nasabi ko. Sa huli hindi na lang sila nagsalita. Hinintay ko sila sa labas. Ito ang gusto ko sa mga kasama ko. Hindi sila umalis na hindi maayos ang bahay. Nang maayos na umalis na kami ako na ang nagdrive.

Twin Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon