Chapter 10

2 2 0
                                    

Chapter 10

Ja's Pov

"Ano ginagawa niyo rito."

"Makikikain masama ba?" Sabay lamon ni Jc. Gago ito sa amin pa makikikain. Magkatabi lang bahay namin nito. 'Wag niya idadahilan na hindi pa nakapagluto si Manang.

"Tangina kung ganito lagi si Shane, eh! Mabubusog kami." Napahiling na lang ako kay Jc.

"Lumayas nga kayo!" sigaw ko sa kanila.

"Tangina kapag kami umalis kami naman mapapagalitan ng kakambal mo. Tangina ayaw ko kaya masapak ng kakambal mo."

"Gago kasi Jc, bakit kasi lumapit ka roon. Alam mo naman na may topak isang iyon talaga kinausap mo pa."

"Hoy Nate, pinsan ko iyon baka nakakalimutan mo."

"Ang tanong alam ba niya na pinsan mo siya?" Natahimik si Jc sa sinabi ni Nate.

"Feeling close lang kamu. Baka nakalimutan mo magkaiba sila, hindi si Ja iyon at ngayon tayo ang napagbalingan. Tangina bantayan ka raw namin. Ano ka bata?" Seryoso sabi ni Leck.

"Oo nga pinsan, bakit pinababantayan ka sa amin. Sa oras na may manakit daw saiyo. Kami raw ang malilintikan. Ang oa naman ng kakambal mo. Pero seryoso siya natakot ako sa mukha niya. Kailan naging close kayo ng kakambal mo."

"Hoy! Magsialis na nga kayo. Baka nakakalimutan niyo may exam kayo ngayon at ikaw makinig ka sa kakambal mo. 'Wag kang aalis na nag-iisa. Wala ako roon para bantayan ka lalo na wala rin oras saiyo ang kakambal mo para bantayan ka may mga kaibigan rin iyon kasama. Kayo! 'Wag niyo iaalis sa mata si Ja." Masungit na sabi ni Shane. Sabay hila ko kay Leck na walang ginawa na tawanan ako. Naiinis ako sa ngiti ng isang ito. Habang ang dalawa napasunod sa akin. Napalingon ako sa dalawa. Ayon may kinakain pa ang mga loko talaga nagbaon pa ng hotdog.

"Baba!" sigaw ko sa kanila.

"Hoy! Anong baba ka riyan. Baka nakakalimutan mo. Sa amin ka iniwan ng kakambal mo. Tapos ano kami ang malilintikan sa kan'ya. Hoy! Pinsan ayaw ko mabugbog ng kakambal mo." Hindi ko na lang sila pinansin. Nagdrive na lang ako may 15 minutes na lang. Ang higpit pa naman ang prof. Namin lalo na may math ang usapan mahina pa naman ako, pero si Leck na ang bahala nito. Siya ang magaling sa math, kaya nga hindi ko siya inatasan sa JJNL company namin ay dahil ayaw namin siya mastress at ayaw namin kami sisihin ng loko kapag hindi siya nakapagreview. Bumaba na ako iniwan ko sila. Naglakad ako ng may humila sa akin.

"Titingin ka lang ka ba? Bilisan mo maaabutan nila tayo." Napasunod ako sa sinabi ni Cieron. Para kami naghabulan ng patintero halos mabilis namin inakyat ang hagdan sa campus.

"Wala na sila," mahina sabi ni Dann isa sa kaibigan ng kakambal ko.

"Tangina ka Brent ngayon ka lang nagpakita sinama mo pa kami sa gulo. Bakit ba kasi sumugod ka pa! Alam mo naman na may tinataguan kami. Pahamak kasi eh!"

"Gago ka Shawn. Ako talaga, bakit hindi mo kausapin ang katabi natin." Sabay turo ng kaibigan nila Brent kay Cieron.

"Gago kasi sila! Ang tatangkad na nagawa pa nila mangutong sa mga kabataan na walang kalaban-laban."Sigaw ni Ceiron sa kaniya.

"Pinatulan mo naman! Pabida ka rin kasi."

"Gago ka Brent, umayos ka ah! Hindi porke't masagana buhay mo wala ka na pakialam sa mga taong mahirap lalo na kung walang kalaban-laban. Kahit sino pa sila kapangyarihan ipagtatangol ko sila. Hindi porke't bayaw kita ikaw na kokonsintihin ko. Tangina kahit buong buhay ko magalit ka! Wala ako paki saiyo. At kung hindi ka rin nakialam kanina sana nasapak ko na mga iyon." Tinawanan sila ni Brent.

Twin Affection Where stories live. Discover now