"You showered early."

"Aahh... gusto ko lang."

Biglang napaangat ang mga balikat ko at halos tumaas ang mga balahibo sa aking buong katawan nang ang mga kamay niya ay maramdaman ko na lumapat sa aking batok. Iniipon ang basa ko pang buhok.

"I-Ikaw? Bakit ang aga mong nagising pala?" tanong ko na lang para maitago ang pagkagulat ko.

"Wayne knocked the door so loud. He told me that they will go to watch the sunrise. Lahat sila ay naroon na ngayon sa tabing dagat."

Ahh, kaya naman pala.

Napayuko ako nang simulan niyang tuyuin ang aking buhok. Maingat naman, hindi nahihila at hindi ako nasasaktan. Sumilay tuloy ang ngiti sa aking mga labi lalo nang maalala ko na ginawa rin niya noon ito sa ospital. Natagpuan nga lang kami ni Dr. Ariq noon. Nakakahiya. Pero ngayon ay mukhang wala naman nang biglang papasok sa silid dahil bukod sa naka-lock ang pinto ay nabanggit niyang nasa dagat ang lahat.

"Inaya ka ba nila?" tanong ko.

"Yeah. But, I declined."

"Bakit?"

"I was waiting for you to wake up. I want to see you early in the morning."

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi sa naging sagot niya. Pinipigilan ang malawak na ngiti pero nakawala pa rin iyon sa akin. Ahh, ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang pinipilipit rin dahil sa pakiramdam na ito habang kasama ko siya.

"Ayaw mo bang makita iyong pagsikat ng araw?"

Nilingon ko siya sandali. Napatigil si Thauce sa pagtuyo ng buhok ko at nagkatinginan kami. At hindi na talaga ako nilubayan ng abnormal na pintig ng puso ko. Hindi na ata ito magbabago kapag siya ang kaharap ko.

"I want to see the sunrise."

"Kung ganoon ay bakit hindi ka sumama? Inaya ka naman pala nila," tanong ko, titig na titig sa kaniya.

"Because I want to see it with you."

Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya.

At hindi pa nga ako nakakabawi nang tumaas naman ang sulok ng mga labi niya.

"I will appreciate the beauty of it if you're with me."

Pakiramdam ko ay nalutang akong bigla sa mga naging sagot ni Thauce na iyon. Simple lang pero ang lakas ng dating sa akin. Siya ba talaga itong nagsasalita kasi parang hindi, e?

Wala na iyong kasungitan. Iyong palaging salubong ang mga kilay na kapag tinawag ako ng 'Zehra Clarabelle' ay kinakabahan na ako sa takot.

"Turn your back and keep your head down again. I am not done yet drying your hair."

"A-Ahh, sige."

Sinunod ko kaagad ang sinabi niya at inilapat ang mga kamay ko sa aking mga binti. Hindi na ako nagsalita pa. Nagpatuloy muli si Thauce sa pagtuyo ngunit nang tumigil na ang kaniyang mga kamay at ibaba ang tuwalya ay mukhang okay na. Sumunod ay naramdaman ko na inipon niya ang aking buhok at hinawakan ng isang kamay niya. Iniangat ko na non ang aking ulo at haharap na sana sa pag-aakalang tapos na ngunit nagsalita siya.

"Keep your head down."

Ulit?

Napakamot ako sa aking pisngi at muling yumuko pero ganoon na lang ang naging pagkapit ko sa aking suot na bestida nang may maramdaman akong dumampi sa aking batok. Nanlaki ang mga mata ko at nakagat ko ang loob ng aking pisngi nang mapagtanto kung ano iyon.

Muli niyang inulit at mas matagal na lumapat iyon sa aking batok!

"Thauce..."

"Everything I told you last night was true. I am serious, Zehra Clarabelle."

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now