Chapter 23

3.6K 71 7
                                    


Tumikhim ako at kabadong pinihit ang pinto ng banyo. Nakayuko ako nang maglakad palabas. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang pinapakiramdaman ang paligid. Hindi ko naririnig ang boses ni Seya, tahimik na tahimik rin sa silid kaya nag-angat ako ng aking tingin.

"She fell asleep after I injected her medicine."

Iyon ang sinabi ni Thauce sa akin nang mapadako ang tingin ko sa aking kapatid na natutulog na nga. Hawak-hawak ko ng mahigpit ang tuwalya nang lumapit ako sa kaniya. Hindi ko siya matingnan dahil sa hiya na nararamdaman ko. Paano ba naman kasi? walang pasabi na pupunta siya dito at ang akala ko ay tapos na ang pagtingin ng doktor kay Seya.

Hindi ko alam na pupunta rin pala siya at... hindi bilang si Thauce na CEO kung hindi bilang si Dr. Arzen.

"Sa..." gumilid ang paningin ko sa kaniya, iniiwasan na magtama ang aming mga mata. Naka pang doktor na kasuotan siya ngayon. Ibang-iba ang itsura niya. Mas... bagay ito sa kaniya.

"S-Salamat..."

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at nabingi ako sa tibok ng aking puso nang maglakad si Thauce palapit sa akin.

Napaatras ako nang bigla niya akong hawakan sa aking baba at iangat ang aking mukha. Nagtama ang aming mga mata, sandali lamang iyon dahil mabilis akong umiwas nang mapaso ako sa tingin niya.

"Why are you not looking at me, Zehra Clarabelle? Are you still embarrassed?"

Kanina sa loob ng banyo ay napagtanto ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"H-Hindi, ah!"

Pero ang totoo ay oo. Hiyang-hiya ako dahil nakita niya ako na nakatapis lang kanina. Hindi sa ganoong tagpo ko naisip na magkikita kami upang pasalamatan siya sa pagliligtas niya kay Seya.

Nang iharap muli ni Thauce ang aking mukha sa kaniya ay iginilid niya ang kaniyang ulo. Binitawan niya ang baba ko at hinawakan ang dulo ng aking buhok na tumutulo pa. Hindi ako lalong nakagalaw. Ang ganitong mga kilos niya ay bago para sa akin.

"B-Bakit hindi mo sinabi pala na pupunta ka ngayon? na-check na ni Dr. Ariq si Seya kanina. Siya ang magiging doctor ni Seya, hindi ba? b-bakit nandito ka ngayon? paano ang trabaho mo sa kumpanya? Bumalik ka na ba sa pagiging doktor mo?"

"Too many questions."

Nagulat ako nang kuhanin niya ang aking kamay at hilahin ako. Pinaupo ako ni Thauce sa sofa at kinuha ang towel na nasa aking kamay.

"Nagulat lang ako... h-hindi ko kasi inaasahan na darating ka ngayon at--"

Napaangat ang aking mukha nang ilagay niya sa aking ulo ang tuwalya. Natakpan non ang aking mga mata hanggang sa gitna ng aking ilong. Napahawak ako doon ngunit ganoon na lang rin ang pagkabigla ko nang lumapat ang mga kamay ni Thauce sa ibabaw ng mga kamay ko.

"Do I need to tell you that I will go here?"

Ang kaniyang hininga ay nararamdaman ko sa aking mukha tanda na sobrang lapit niya. Napalunok ako at hindi kaagad nakapagsalita. Umawang ang mga labi ko at napagdikit ko iyon ng mariin nang mapasandal ako sa sofa.

Ang espasyo sa aking gilid ay naramdaman ko na gumalaw at nang kapain iyon ng kamay ko ay napasinghap ako nang mahawakan ang kaniyang hita. Nakaluhod ba ang kaliwang paa niya sa sofa?! G-ganoon siya kalapit sa akin ngayon?!

"T-Thauce..."

Sumunod kong naramdaman ay ang paggalaw ng towel sa aking ulo. Naibaba ko ang aking isang kamay na nakahawak doon nang siya na ang magtuyo ng buhok ko.

Hindi ako halos makagalaw.

Pakiramdam ko ay hindi totoo ang nangyayari. Hindi na rin siya nagsalita habang patuloy siya sa pagtuyo sa aking buhok at nang tumaas ang tuwalya at makita ko siya ay nailapat ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib. Masyado nga siyang malapit sa akin!

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now