Chapter 11

3.6K 56 5
                                    


Nang marating ko ang kumpanya ni Thauce ay napansin ko ang ilang mga empleyado na napapatingin sa akin. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng aking bag at sa puting folder na hawak ko. Mukha ba akong mag-a-apply ng trabaho dahil sa tingin nila?

Nang sumakay ako ng elevator ay ilang beses akong huminga ng malalim. Kabado ako, nanlalamig ang aking mga kamay at papikit-pikit ang aking mga mata.

Muling bumukas ang elevator at may pumasok na mga empleyado. Nasa pinakataas ang opisina ni Thauce ilang floor pa ang iaakyat. Tahimik ako na nasa likod sa may sulok habang nag-uusap ang mga empleyado sa harapan ko.

Maaayos ang damit, plantsadong-plantsado. Sa tingin ko rin ay mga kaedaran ko lang sila. Siguro kung nakapag-aral ako at nakapagtapos ng kolehiyo ay baka nasa isang kumpanya na rin ako at may maayos na trabaho.

Pero ang lupit ng buhay talaga. Kung kailan umaayos na kami ni Seya ay saka kami bibigyan ng ganito katindi na problema. Napapikit ang aking mga mata at sumandal ako sa dingding ng elevator. Rinig ko pa rin ang usapan ng mga nasa loob. Tumatawa sila, ang usapan ay kung anong oras at saan ang dinner nila mamaya.

Ang saya non.

Sana ganoon rin ang buhay ko sa kanila, sana iniisip ko rin saan kami kakain ng masasarap ni Seya. Yung hindi pinoproblema ang pera. Yung normal na buhay kasama ang kapatid ko.

Ang nakapagpadilat sa akin ay ang pagtunog ng elevator. Hindi ko namalayan na nakalabas na rin ang mga empleyado kanina. Nang ibukas ko ang aking mga mata ay ako na lamang ang nasa loob. Nadala ako masyado ng pag-iisip.

Lumabas na ako. Bumagal ang aking paglalakad nang matanaw ko ang dulong bahagi ng palapag. Iyon na ang opisina ni Thauce. Ang kaniyang opisina lang naman ang narito sa palapag na ito.

"Miss?"

Napabilis ako ng lakad nang makita ako ng isang babae.

"May kailangan po ba kayo dito?" magalang niyang tanong.

"A-Ah... kakausapin ko po sana si Mr. Cervelli, nariyan po ba siya?" tanong ko.

Hindi mapakali ang isang kamay ko sa pagkutkot sa strap ng sling bag na suot ko habang hinihintay ko ang sagot ng babae. May kinuha siyang tablet at itinuon ang pansin doon.

"Yes po, nasa loob po si Mr. Cervelli. Maaari ko po ba na malaman ang pangalan ninyo para makita ang oras ng appointment ninyo sa kaniya?"

Appointment? naku... hindi ako nagsabi.

"Uhm, wala po akong a-appointment, eh, pero ang pangalan ko po ay Zehra... Zehra Clarabelle Mineses."

Nagtipa ang babae sa tablet na hawak nito at pagkatapos ay ngumiti ito sa kaniya at gumilid.

"Pasok na po kayo. Mr. Cervelli is expecting you now."

Expecting me now? pero wala naman akong sinabi na sigurado na pupunta ako! inaasahan na nga niya talaga!

"S-Salamat po, ma'am," sagot ko sa babae at yumuko.

Naglakad ako palapit sa opisina ni Thauce. Nang marating ko ang pinto ay hindi ko agad iyon binuksan. Iniipit ko sa aking kili-kili ang folder na dala ko at mariin kong ikinuyom ang nanlalamig kong mga kamay. Huminga rin ako ng malalim at kinabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok non.

"Kaya mo iyan, Zehra! makiusap ka... pakiusapan mo ng maayos."

Kumapit ang kamay ko sa hawakan ng pinto at dahan-dahan na itinulak iyon. Pagkapasok ko ay lumiko ako. Muli kong hinawakan ang folder kung nasaan ang agreement namin nang makita ko si Thauce na nakaharap sa laptop niya. Mukhang nagtatrabaho! dapat ay nagsabi talaga ako na pupunta ako ngayon! pero ang sabi ng babae kanina ay inaasahan daw ako ni Thauce?

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now