Chapter 42

3.4K 64 2
                                    


Pennie: Happy Valentine's Day, mga mahal ko! 


"Dito, Errol!"

Narito kami ngayon sa may tabing dagat. Nakaupo ako sa puting buhangin habang nanonood sa mga naglalaro. Maagang nagkayayaan ang mga kalalakihan na mag-beach volleyball. Hindi ko ba alam kung bakit ang energetic at aga pa rin gumising ng mga ito kahit inabot na sila ng madaling araw nang bumalik sa rest house. Nagtagal rin sila sa labas at si Errol ay hindi ko naman alam kung saan nagpalipas ng gabi.

Hindi na kasi siya bumalik, wala rin naman sinabi nang magkita kami kanina nang nasa silid siya. Pero pansin ko iyong putok niyang labi. Nang tanungin ko siya kung napaano iyon ay ang sagot niya sa akin dahil daw sa kalasingan niya kagabi.

Sinabi naman rin ni Lianna sa akin na hindi rin bumalik si Thauce sa silid nila. Sa isip ko ay alam na... mukhang mahaba-habang pag-uusap ang ginawa nito at Errol pero mabuti na lang at putok sa mga labi lang ang nangyari.

Kaya hindi ako naniniwala sa dahilan ni Errol dahil ito at nakatingin ako kay Thauce. Ang gilid ng mga labi nito ay may sugat nga rin. Hindi naman ako bata at madaling maniwala para hindi maintindihan kung ano ang naganap sa kanilang dalawa.

'Pag-uusap' ibang klaseng pag-uusap.

"Zehra, hindi ka pa ba nagugutom?"

Napalingon ako kay Lianna. Mayroon siyang hawak na sandwich, inabot niya sa akin ang isa. Ngumiti ako at kinuha naman iyon.

"Salamat, Lianna."

Nang maalala ko ang oras ay nakita ko na alas nuwebe na ng umaga at isang oras nang naglalaro ang mga kalalakihan.

Lahat ng mga ito maliban kay Thauce na nasa malayo. Siguro ay pangatlong beses ko na itong tingin sa gawi niya. Kanina nang makarating kami dito ay narito na siya. Mabilis ko lang na nakita at kahit nakatalikod ay nalaman ko kaagad na siya iyon.

Pero, hindi pa rin ako sanay na makita na ganito si Thauce kahit na ilang araw akong namalagi sa bahay niya.

Nang madatnan ko kanina ay nakatayo at nakatingin siya sa dagat. Suot niya iyong salamin niya at ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng black board shorts na suot.

Ngayon naman ay nagbabasa siya ng libro habang nakaupo sa may beach chair. Nakasimangot pa rin at kahit na naka sunglasses ay alam kong seryoso ang mga mata kahit sa pagbabasa. Ang mga labi rin niya ay ganoon pa rin ang porma. Mahahalata mong hindi palangiti.

Sa totoo lang hindi biro iyong naganap sa amin kahapon at kahit hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin iyong kilos ng mga labi niya. Marahas ang aking naging buntong hininga.

Hay, Zehra... hindi ba at titigilan mo na si Thauce? sa iyo pa nanggaling na layuan ka pero ngayon ay ikaw naman ang patingin-tingin!

"Oo nga pala!"

Napalingon ako kay Lianna nang marinig ang may kalakasan niyang boses.

"Nag-iisip ako ng iluluto for lunch. Ano kaya? sa tingin mo? gusto ko na ako ang magluto, eh. I asked the boys what food they like kaso they told me naman na ako na raw ang bahala. Ang hirap naman mag-isip! help me naman, Zehra!"

Pakagat pa lang sana ako sa sandwich nang mapatigil ang kamay ko dahil sa paghila ni Lianna.

"I am nervous! Sanay naman akong magluto pero hindi ganoon kasarap. Help me, okay?"

Habang nakatingin ako sa kaniya ay sandali kong naaalala iyong emosyonal na pag-uusap namin kagabi. Hindi mo talaga aakalain na may ganoong sakit na pinagdadaanan si Lianna sa pagitan nila ni Errol. Ito kasi, napaka-hyper pa rin niya.

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now