Prologue

40 3 0
                                    


"Sophie! It's them!" kinikilig na sabi ni Keira habang sinisiko si Sophie. Kakatapos lamang ng klase nila at nakatambay sila sa paborito nilang bench kung saan may puno ng malaking Balite. No one dares to sit on this bench but their group. Nag-angat siya ng tingin mula sa pagbabasa ng libro at makita ang grupo ng mga lalaki na noon ay paupo sa kabilang bench sa di kalayuan sa kanila. Drake Mondragon, ang pinagkakaguluhan palagi ng section nila, ay masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasama nitong kaklase, who looked gorgeous and rich like him. Napatingin siya sa mga babaeng nasa likuran nila na hindi na inalis ang tingin sa grupo ni Drake.



Amber looked up and snorted. "The infamous cousin of mine na inubos na yata ang mga babae sa night bar sa bayan. At his age of 17, di na ako magtataka na ipadala yan ni Tita sa isang facility dahil may STD!"



"Amber!" singhap ni Lana na namumula. Sophie tried to remove her eyes from the group. But somehow she was drawn to it. Ilang sandali pa ay lumingon na si Drake sa kinauupuan nila at nagtama ang mga mata nila. Drake, for a moment, looked serious before smiling at her and waved. Napatingin din sa kanya ang mga kasama nitong mga kaklase. She quickly removed her gaze. Her heart palpitated that she felt she couldn't breathe. Every time she sees him, he had the same effect.



"It's true!" pangdidilat ni Amber. "Manang-mana kay Tito." She made a face. Napatingin lamang si Sophie kay Amber. Everyone knew that Drake's parents were separated since they were in grade school. "It's good that Tita Dina finally moved on and found her one true love," dagdag nito na ang tinutukoy ay ang Mommy ni Drake. "Tito has his own family as well."



"At least okay na sila," sabi ni Bianca.



"Hello, cousin."



Lahat kami ay napatingin sa nagsalita at nakita na si Drake iyon. He was smiling widely, wearing the boy's school uniform as if he made it tailored perfectly to his body, and the naughty yet charming look of a young teenager at 17. No doubt, every girl at school was captivated by his look.



Napaayos silang lahat ng pagkakaupo nang makita na hindi na sila nag-iisa. Si Amber ay nanlaki ang mga mata.



"Drake!"



He grinned and made a short polite bow. "Hello, girls." Then he looked at Sophie. He held it for a moment before looking at each one of them. "Sorry for interrupting. But it's my birthday tomorrow. I want to invite you all sa bahay. Just dinner. Si Mommy ay nagsasabi na magdala naman daw ako ng mga kaklaseng babae at pulos mga lalaki ang isinasama ko roon."



Lahat ay binati si Drake maliban kay Amber na umirap lamang. "Birthday ka diyan. Hindi niya birthday, no? Birthday ni Tita Dina."



Natawa silang lahat habang napakamot si Drake sa batok. Inakbayan nito si Amber na pinandidilatan ito. "Ang killjoy mo, Amber." He laughed when she pushed him away. Then, turned serious. "But do come. Mom was dying to know if I have female friends. Pahiram muna ng mga kaibigan mo para matigil na si Mommy," ungot nito kay Amber.

Run Away, Love (Cinderella Series Book 2)Where stories live. Discover now