Ep27- Drunk in LOVE

419 17 10
                                    

--Roxy--


"Oh kape mo!"

Tinanggap ko ang kapeng inalok ni Ate. Nakaupo ako sa pasimano at nakatanaw sa kawalan.

"Gabi na ah,bakit di ka pa natutulog?yung mga anak mo tulog na."

"Si Akira ate?"

"Ha?ba't mo tinatanong?di ba hinatid nga natin siya sa hotel?dun na muna siya matutulog.Eto..ano ba kasing iniisip mo?"

"Wala Te."Bumuntong hininga ako.

"Lalim nun ah!di ko masisid,sige na,sabihin mo na,may problema ka e."

"Tss!wala nga 'te!"

Tumingin ako sa aking relo saka tumingin sa gate.

"Aba,mukhang may hinihintay ka,si Aguerro ba?"

Sumimangot ako."Excuse me."

Iiling-iling siyang uminom ng kape niya."Alam mo Roxanne,kilala kita e,yang mga paandar mong yan,alam na alam ko yan!alam ko kung may hinihintay ka,at may pinapaasa ka."

"Anong pinagsasabi mo Te?"

"Si Aguerro?siya ang hinihintay mo di ba?at si Akira,siya ang pinapaasa mo."Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Umamin ka nga sa akin,nahuhulog ka na ba sa Aguerro na yun?"

"Hindi ah!"

"O ba't labas sa ilong?"

"Labas ka jan!"

"Roxanne,simple lang naman kasi ang solusyon e,maging totoo ka lang sa nararamdaman mo."

"Si Akira ang pakakasalan ko ate,at kaya ko lang naman hinihintay si Ar---"

"Ayun,nadulas ka rin,so inaamin mo ngang hinihintay mo siya?"

"Oo na!hinahanap kasi siya ng mga bata,tinext ko siya!hindi man lang nagreply!"

"O bakit parang obligadu siyang magreply?kayo ba?"

"Ano?"

"Hindi kayo di ba?ang mga bata lang ba naghahanap sa kanya o ikaw rin?"

Umirap ako at umiling.

"See?di ka makasagot!hay naku!kung gusto!gusto!kung hindi!hindi!ganun lang yun!"

"Hindi ko siya gusto ate!"

"Pero nahuhulog ka na?ano?totoo di ba?"

"Hindi!"

Makahulugan ang ngiti ni ate.

Wala na akong maisasagot.

Naghari ang katahimikan.

Humangin ng malakas kasunod nun ang biglaang pagbuhos ng ulan.

Napatayo ako at agad dinial ang number ni Archie.

"Yun lang!concern!"Utas ni Ate.

Hindi ko na siya pinansin.

Archie?saan ka na ba?!kainis umuulan na!





"Tao po!tao po!"tawag mula sa labas ng gate.


"O yung hinihintay mo,dumating na."Nakangiting saad ni Ate.

Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan ko ng kumuha ng payong at sinuong na ang ulan.

Pagbukas ko ng gate ay nakita ko si Gino,nakaalalay kay Archie.

"Anong nangyari jan?"tanong ko.

"Lets get in first!"saad ni Gino.

Mabilis kong sinaradu ang gate at sumunod sa kanila.

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon