#Ep.7-Encounter with a witch...

578 17 3
                                    

"O bakit may bulaklak na dito te?"nakasquat na ako sa harapan ng puntod,hawak ang fresh na white roses.

"Baka dumaan na dito si Tita Sally."

Uminit agad ang ulo ko.

"Wala siyang karapatang dumaan dito sa puntod ni Artemis."

"Roxy...alam mo namang--"

I cut her off.

"Kung ano man yang sasabihin mo te huwag mo ng ituloy,masisira lang ang araw ko."

Ate Ria sighed at umupo na sa aking tabi.

"4 years na tayong binabantayan ni Artemis sa langit,Roxanne."

Mabilis na namang tumulo ang luha ko.

"Hayst,ayan ka na naman e..umiiyak ka na naman!"

"Ang unfair kasi te..."

"May dahilan ang Diyos Rox.."

"At ano?hindi na natapos lahat ng sakit na binigay niya sa akin te..tama nga ako,baka malas nga akong tinubuan ng mukha."

"Ewan ko sayo,andami mong alam sa buhay.Alam mo ang mahalaga angel na si Artemis,di na niya mararanasan ang climate change,global warming,polluted air at hindi na niya makikita ang yan!kadramahan mo!"

Napapangiti akong nagpahid ng luha.

"Syanga pala,magpatulong kaya tayo kay Tita Sally baka may ma irerekomenda siyang architect sa atin."

Sinamaan ko ng tingin si Ate.

"Ayoko te,alam ko siya ang may ari ng Sanchez design firm at kahit nga siguro pinakadabest architect niya ang ibibigay sa atin para mapamukha na naman niya sa mga mukha natin na wala talaga tayong magagawa kung wala siya!"

"Hihingi lang naman tayo ng tulong,ikaw ang advance mo mag isip!"

"Ah!basta te!huwag na!ako na maghahanap!"

"E di gow!basta bilisan mo ha!alam mo namang 3 weeks lang ang bakasyon ko babalik na ako ng US,hahanapin na ako ni Roger!"

I twisted my lip.Roger is ate's boyfriend.

Yoko dun,may hangin ang utak!si ate naman ang bumubuhay!ewan ko ba,magkapatid nga kami,pareho kaming tanga.

"What a scene!"

Sabay kaming nag angat ng tingin ni ate sa nagsalita.

Agad kumunot ang aking noo.

Nasa harapan namin si Tita Sally o mas kilala na Salara Sanchez.May maid siyang kasama na ngayon ay pinapayungan siya.

Medyo maliit si Tita,sopistikada,aristocratic,at palaging taas noo kung tumingin sa amin.She's wearing an all black expensive coat dress at nakasuot pa ng shades.

"What are you doing here?"she asked.

Tumayo agad si Ate at nagbigay galang,pasimple pa nga niya akong sinipa para gayahin ko siya.

Sapilitan akong tumayo.

"Ah Tita,dumaan lang po kami."Ate said.

"Dumaan?bakit?daanan ba 'to?"

I scoffed,I am clenching my teeth sa pagpipigil kong pabalang din siyang sagutin.

Mahina akong siniko ni ate.

Tita Sally looked at me from head to toe.

"And you Roxy,remember ikaw ang may kasalanan sa nangyari sa anak mo,ang kapal mo naman para magpakita sa puntod niya."

Suminghap ako at kinagat ang labi.

Pigilan mo ko te!ililibing ko ng buhay to!

Inangkla ni Ate Ria ang kamay sa akong kaliwang braso.

"Tita Sally..may mairerekomenda po ba kayong arkitekto?ipapagawa sana namin yung bahay namin,gusto namin gawing apartment sana."Saad ni ate.

My mouth open in disbelief."Te!"

Umarko ang kilay ni tita at nakakalokong ngumiti.

"Oh baka gusto niyo lang makalibre?"

"Hindi Tita,magbabayad po kami!"

"How?To do bargain again?who is it this time?wala ka ng anak Roxy,and obviously Ria?you cant have a kid,you're--"

"E ano naman ngayon kung hindi magkakaanak si Ate?!pwede ba?kung ayaw mong tumulong huwag!"bwelta ko.

Sinagad na ng witch nato ang natitirang respeto at pasensiya ko!

Tita slowly clapped her hand.

"The nerve of you to say that!After what I did for your kid?no wonder,kaya siya hindi nabuhay because she dont deserve a warfreak,uneducated Mother like you."She exhaled."Oh well,wala na akong balak tulungan kayo,and I will make sure,na walang architect na tutulong sa inyo,your house?the only property your dad left you?That house will rot like you,Roxy!Now get lost!"

"Tara na Roxy.."hinihila na ako ni Ate.

Dinuro ko si Tita."Makakahanap ako ng karpintero!masun!welder!name it matandang hukluban!ipapakita ko sayo na hindi mo na kami maaapakan ng ate ko!baliw!"

Tinawanan lang ako ng bruha.

"Roxanne ano ba!"

"Ano ba 'Te?!bakit ka ba pumapayag na minamaliit tayo ni Tita Sally?!kaya naman ganun sa atin yun dahil hindi niya matanggap na anak siya sa labas!anak siya ng kabet at si Papa ang totoong anak!"

"Roxanne!alam mong makapangyarihan si Tita,in just one snap!madudurog na niya tayo!masisira na ang buhay natin!"

"O tapos?!hindi ako natatakot te!"

"Matakot ka!"

Kumunot ang aking noo."Bakit te?"

Natahimik si Ate."Basta Roxanne,kung gusto mong mamuhay ng mapayapa,then stop getting involve with Tita."

"E ikaw nga itong,gustong makipagclose sa kanya e!"

"Dahil kailangan!ayoko siyang magalit para na rin sa ating dalawa!"

"Ang labo mo te!"

Ate sighed.

"Halika na!kumain nalang tayo!"pumara ng taxi si Ate para makaalis kami sa sementeryo.

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Where stories live. Discover now