#Ep.4-Welcome back.......

956 27 4
                                    



"Daijoubu desu ka?"

"Huh?"tinatanong ako ni Akira kung okay lang ba ako,at ako itong parang tangang sumagot.

Inayos ko ang buhok ko."Un,genki."

He smiled.

Sa totoo lang,naiinis ako.

Wala na akong planong umuwi pa ng Pilipinas kung hindi lang dahil kay Ate Ria.Nag usap na kami pero ayaw niya talagang makinig.

"Oh taxi!"saad ni Akira.Buti nga itong si Akira marunong namang mag english,at nakakaintindi ng kunting tagalog,kaya di ako nahihirapan sa kanya.

Marunong naman akong mag nihongo pero talagang mas komportable ako sa wikang filipino.

Siya ang mag adjust no!

Pinahid ko ang pawis sa noo.

Grabe ah!welcome to the Philippines talaga!kabababa ko lang ng eroplano ang lagkit lagkit ko na!

Dinig ko ang bulungan,at kita ang pasimpleng tilian ng mga babaeng kanina pa nakatitig sa boyfriend ko.

Gwapo naman talaga si Akira,matangkad,maputi,sharp nose,red thin lips and almond eyes.Hapun na may kalakihan ang mata.Ang galing pang magdala ng damit.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Akira,bago siya sumunod at tumabi sa akin.

"The girls wants to eat you alive!"angil ko.

He innocently look at me."Eat me?why?"

Umangat ang sulok ng aking labi.

Malamang!gwapo ka!engot neto!

"Dare to hanashite ita no?"

"Huh?wala!kinakausap ko lang ang sarili ko."

He nod.

Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana.

Evening city lights,traffic,maingay na busina ng mga sasakyan na nagmamadaling umuwi!at---shit!

Nauntog ako sa likod ng upuan ng driver dahil sa biglaan nitong pagpreno.

"Ano ba naman kuya!dahandahan naman!naalog brain ko dun ah!"

"Sorry Maam,may tumawid kasing batang hamug."

"Tch!ayan!nakabalik nalang ako ng Pilipinas hindi pa rin nasosolusyunan ang mga rugby boys na yan!ugh!nako nako!nanggigigil ako Kuya!"

"Sorry na po Maam."

"Are you okay?"tanong ko kay Akira.

He smiled and nod.

Wow ha!okay din talaga tong tao nato,well,lindol nga sa kanila sa Japan,wala siyang pakialam at relax na relax pa rin.Kaya itong nangyari sa amin?nako wa epek!tingnan niyo,abay ngumingiti pa.

Umusad muli ang sasakyan pero sa pangalawang pagkakataon ay bigla na namang pumreno si Kuya,mabuti nalang at nakayakap na sa beywang ko ang kaliwang kamay ni Akira kaya hindi ako tumilapon sa unahan.

Naku pag nangyari yun!kakalbuhin ko tong si Kuya!

"Oh may batang hamug na naman kuya?!"

Nagkamot na ito sa batok.

"Hindi Maam,may banggaan sa unahan."

Nahilamos ko ang mga palad sa mukha.

Sabi ko na!sabi ko nang pag nasa Pilipinas na naman ako,susundan na naman ako ng malas!

"Akira--"kumunot ang aking noo.

Nakatulog siya?

Wow!huh!ang galing Akira!

Lumayo ako sa kanya at Iiling-iling na humalukipkip sa tabi ng bintana.

Wala akong magagawa,hindi naman kami pwede maglakad ni Akira papunta sa bahay namin dahil jusko ang layu layu pa namin.

"Maam?"

"O ano na naman kuya?"

"Ah..okay lang po ba magpa music ako?"

"Bahala ka kuya!kahit na magparty ka pa!go!"

"Sige Maam."

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa mga kabataang nakatayo sa labas ng abyss bar na minsan na rin namang pinupuntahan noon nina Tim limang taon na ang nakakaraan.

Mas naging malaki ang gusali,lumuwang ang parking area at mas dumoble pa ata ang mga mayayamang may magagarang sasakyan na pumupunta.

Pansin ko ang mahihinang patak ng ulan,hanggang sa unti-unti iyong lumakas.Lumamig pa lalo ang aircon dahilan para mag moist ang bintana.

Nilapat ko ang hintuturo sa salamin na bintana at gumuhit ng korteng puso,sabay bura ng moist sa gitna ng puso para makita ang labas.

At----

Kasabay ng pagtunog ng musika ni Kuya driver na pusong ligaw ni Jona ay ang pagtigil ng aking mundo.

Di kita malimutan sa mga gabing nagdaan
....
....
...

Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan

Napalunok ako.

Dahil...

Sa gitna ng korteng puso,ay nakita kong nakatayo ang taong matagal ko ng pinagtataguan,iniiwasan at pilit na binabaun sa limot.

Naninikip ang dibdib ko sa sobrang kaba,parang luluwa na ang puso ko sa kinalalagyan nito.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita.

Nakatayo siya sa labas ng bar,nakasilid ang mga kamay sa bulsa ng suot na itim na pantalon,nakayuko na tila ba kay lalim ng iniisip.

Nag-angat siya ng tingin.

Mabilis naman akong sumandal sa upuan at nalapat ang kamay sa dibdib.

"Shit Roxy!nandito sa Pilipinas si Archie!"

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Where stories live. Discover now