Ep.8-Rewrite our Stars

570 23 4
                                    


"Kumalma ka na nga!"

"Hindi 'Te!babalikan ko yung bruha na yun ng makita niya ang hinahanap niya!"

"Hay naku!tumigil ka na!lumalamig na ang sabaw mo oh!"

Tinitigan ko ang sabaw.

Mas mainit at kumukulo pa ang dugo ko kesa sa sabaw na nasa harapan ko.

Ang kapal ng mukha ng bruha na yun!alam kong hindi ako perpektong ina pero kailanman hindi ako nagpabaya!I even made the painful and hardest decision of my life para sa anak ko!tapos sisisihin niya ako?!gusto niya atang maagang makipag reunion kay Satanas e!

I suddenly stood up!

"O saan ka pupunta?!"

"Gusto ko ng umuwi te!"

"Dahil?!"

"Namimiss ko na si Akira!"

Iiling-iling na ngumiti si Ate Ria.

"Huwag mo akong pinagloloko Roxanne.Alam kong hindi mo mahal si Akira."

"So mas may alam ka pa sa feelings ko,Te?wow.."

"Hindi,pero kilala kita,Roxanne.At alam kong naaawa ka lang kay Akira,ayaw mo siya saktan dahil mabait siya."

"Bahala ka 'te!bahala ka kung ayaw mong umuwi basta ako uuwi na ako!"nagmartsa na ako palabas ng resto.

Dere-derecho ang lakad ko dahilan para---

Dere-derecho akong bumagsak dahil tumama ang hips ko sa hood ng black sedan.

"Roxanne?!ano ba?!dahandahan sa pagmamaneho!"hinampas ni ate ang hood bago ako dinaluhong.

Hindi ako makatayo,mukhang napuruhan ata ang tadyang ko.

Bwisit naman oh!

Nakapikit ako at nakangiwi.

"Asan ang masakit Roxanne?!ikaw naman kasi e!Masyado kang nagpapadala sa emosyon mo!"

"Te mamaya na ang speech pwede?!nabundol na nga ako oh!disable na ako!"

Bumukas ng pinto ng sasakyan.

"Are you okay?"tanong ng may ari.

Suminghap ako kasabay ng paniningkit ng mga mata.


"Okay?!mukha ba akong----"

Ang kaninang naniningkit kong mga mata ay bumilog.

"Oh my god!Ro-Rox?!shit!ikaw nga!"taranta siyang lumuhod sa harapan ko.

"Ar---Archie?!"

"Yes!yes its me!oh shit!nasaktan ka ba?!oh my god what did I do?!here!I'll take you to the hospital!"

Iminuwestra ko ang kamay.

"Huwag mo akong hahawakan Archie!huwag!"

"Hawakan mo siya Aguerro!buhatin mo at dalhin mo sa ospital!"sabat ni ate.

"Te?!!!"

"Huwag ng matigas ang ulo Roxanne Fatima!"

Walang kahirap hirap na binuhat ako ni Archie.

Pinagsusuntok ko siya sa dibdib."Ibaba mo sabi ako!Te?!!"

"Sige na Archie!dalhin mo na siya sa ospital!"

Ipinagkanulo na ako ng kapatid ko!

"Samahan mo ako te!"

"Hindi pa ako tapos kumain Roxanne Fatima!sige na!"

"Ano?!Mas pipiliin mo pa ang bulalo kesa sa akin?!te naman!"

"Oo Roxanne,gutom pa ako!Archie Sige na!"

"Yes Te."Nakangiting sagot ni Archie.

"Wow kung maka ate?!close kayo ng ate ko?!"angil ko.

Nginitian lang ako ng maligno.Ayun lumabas na naman ang dimple niya.

Noon ay parang totoy lang ang katawan ni Archie,ngayon,shit!pwede na akong maglambitin sa lumapad nitong shoulders.

Oh shit!ano ba tong pinag iisip ko Roxanne!nagagayuma ka na ng maligno!

Pinikit ko ang mga mata para hindi na matapunan ng tingin ang mas lalong gumwapong si Archie.

Maligno ka pa rin!maligno!ma----

Nauntog pa ako.

"Dahandahan naman Archie!"

"Oh sorry sorry!"

Bigla niya akong hinalikan sa ulo.

Mabilis namang nagkaroon ng buhay ang kanang kamay ko at hinila ang buhok niya.

"Ouch!what?!"

"Bakit ka nanghahalik ha?!"

"Let go of my hair Rox!"

"Ibaba mo na ako!"

"I will!Juts calm down!will you?!"

Sumipa ang sakit sa tadyang ko kaya napangiwi ako pagkaupo.

Inayos niya ang seatbelt ko kaya halos dumikit sa ilong ko ang amoy baby niyang leeg.

Napikit ko ang mata at nilanghap siya.

Pagdilat ko ay nakatitig na siya sa akin,hindi pa rin umaalis sa aking harapan.

"You miss my scent?!"

Agad naging mandirigma ang mukha ko.

"Hoy Arc---"

Dinikit niya ang daliri sa aking labi.

"I know I smell good,thank you for the compliment."He winked at me bago umalis sa aking harapan.

Humalukipkip ako at sinundan siya ng tingin.

Bumukas ang pinto sa aking tabi at umupo si Archie.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan.

Lumingon siya sa akin,nakangiti.

"Ano?!"asik ko.

He smiled."Hi!"

Inirapan ko siya."Hi mo yang mukha mo!"

He chuckled.Umandar ang sasakyan,pinaandar niya naman ang stereo.

You know I want you
Its not a secret i try to hide
You know you want me
So dont keep saying our hands are tied

You claim its not in the cards
And faith is pulling you miles away
And out of reach from me
But you're hearing my heart
So who can stop me decide
That you're my Destiny....

Pinatay niya ang stereo at itinabi ang sasakyan.Taka akong lumingon sa kanya.

Malamlam ang kanyang mga mata,pansin ko pa nga ang pagtaas baba ng kanyang dibdib na parang bumubwelo lang ng sasabihin.

"Let's rewrite our stars Roxy.."he sincerely said.

Napasinghap ako.

Inabot niya pa ang kamay ko.

"Please....Rox."

Pinigilan ko ang pagwawala ng puso at hinila ang kamay na hawak niya.

"Ah..rewrite the stars pala ha...dalhin mo muna ako sa Ospital Archie!"

"Oh!yeah yeah Sorry My Bhie!"natataranta at nakangiti niyang sabi.

Ano daw? My---

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Where stories live. Discover now