Ep26-Losing you...

316 13 6
                                    

Roxy

No!hindi pwede!ano bang nangyayari sa akin?!
Ako?magseselos?sa isang maligno?!haha!paking shit!no way!no waayy!!

Gigil na gigil ako habang kinakagat at kinakain ang burger na binili sa canteen ng ospital.Dinala ako ng pagdadabog ko dito.

Ha!mahal niya ako?tapos nakikipaghalikan siya sa white lady na yun?!Gagu ba siya?!Manloloko talaga ang lahat ng mga lalaki!"

Uminom ako ng tubig,naubos ko agad ang isang baso.

Nanuyo ang lalamunan ko sa inis!

Tapos kung makatitig wagas!na parang ako lang yung babaeng nakikita niya!tapos nagpapahawak ng kamay sa iba?!paasa ang po--eehhh!tusukin ko ang mga mata niya e!

Kainis!

Grrr!

Sinubo ko ang malaking piraso kaya ang nangyari bumara iyon sa lalamunan ko!

Namilog ang mga mata ko lalo na ng makita kong wala ng laman ang baso ko.

"Tu-tubig!Tu----"

Shit!ang pangit ng magiging kamatayan ko!mamamatay ako dahil sa katakawan ko at dahil sa bwisit na malignong yun!

Tumayo ako,nakahawak na sa leeg,at naghahabol ng hininga.

Pinalibutan ako ng mga tao,pero wala man lang tumulong sa akin,tanga ba lahat ng mga tao dito?

"Tu---"

May yumakap sa akin mula sa likuran at tinulungan akong malabas ang nakabara sa lalamunan.

"Isa,dalawa--iluwa mo Roxy!"

Te-teka si---

Naluwa ko ang burger sa wakas.

Pero natigilan ako dahil ang mga braso ng tumulong sa akin ay umangat na sa ilalim ng aking dibdib.

Bastos to ah!teka lang!

Humarap ako kasabay ng paglanding ng palad ko sa pisngi ng lalaki na walang iba kundi si---

"Archie?!"Nanlaki ang mga mata ko.

"What's that slapped for?!"Sapo na naman niya ang namumulang kaliwang pisngi.

"E ikaw kasi!ano!tsinatyansingan mo ako!"

"What?!I am helping you!at malamang don ako hahawak!don't you have any knowledge about first Aid?!"

"First Aid mo yang mukha mo!"

"Ang cute ng lovers quarrel nila!"
"Oo nga!nakakainggit!ang lakas ng chemistry!"
"Sabi nila pag totoo kayong nagmamahalan nag aaway kayo at halatang mahal si pogi nong babae!"

Talaga?!pati dito sa ospital?nagkalat ang mga chismosa?!at nasa katabing table ko pa.

Iminuwestra ko ang daliri sa kanilang harapan."Teka-teka!mga Marites!hindi kami ng maligno nato,"tinuro ko si Archie,"at hindi ko to mahal!"dagdag ko.

"Mamahalin pa lang!"nakangiting sagot ni Archie kaya mas lalong kinilig at nagtilian ang mga babae.

"Eehh!"Gigil kong tinaas ang kamay para sabunutan na naman sana si Archie pero maagap niya akong nahawakan sa mga palapulsohan.

"Oh Kalma!baby kalma!"

"An---eww!"

Hinila ko ang kamay pero ayaw niya akong bitawan.

"Bitawan mo nga ako Archie!"

Simpatiko ang ngiti sa kanyang labi.

Umiling siya.

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Where stories live. Discover now